HUminto ang taxi sa harapan ng dati kong pinupuntahan. Dahil sa sobra kong pag-iisip hindi ko tuloy napansing gabi na pala. Pero dahil disidido akong makita ang pagmumukha ng gago kong boyfriend na di nagpaparamdam, nagpatuloy ako sa paghakbang. Hanggang sa makarating na ako sa mismong harapan ng mansion nila na akala ko bahay, mag be-bell na sana ako ng biglang bumukas ang gate sa harapan ko at tmambad sa akin ang mama, papa ni Justin at si Luke, parang alam talaga nilang pupunta ako dito ahh.
Pero ba't parang ang tamlay nila? at ba't parang kakagaling lang nila sa pag-iyak? at teka asa na ang kupad kong boyfriend? magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita ang papa niya.
"Iha, pumasok ka muna." Sabi niya, ba't ang lungkot ata ng boses niya? Saka ba't ang tahimik ng bahay este mansion?
Nang makapasok na kami at nakaupo na sila, hindi muna ako umuo gusto kong tanungin si Justin, gusto ko siyang makita at makausap.
"Ahh, Good evening po pala, gusto ko lang pong makita at makausap ang anak niyong si Justin." Pagpapaalam ko sa kanila. Graabeehh nakakabingi ang sobrang katahimikan. May kinuha mula sa isang box ang mama ni Justin saka ito ibinigay sa akin. Isang nakatuping puting papel.
"Iha, ipinabibigay niya sayo." Sabi nito
"Ni Justin po?" Tumango tango lang ito. Grabeehh talaga ang taong yun. Uso na naman pala sa kanya ang mga letter? Na excite tuloy ako kong anong sinulat niya. Umupo ako sa upuang kaharap sa inuopuan nila Luke at ng parents niya. Hinay hinay ko itong binuksan.
Dear Dee,
At first I hesitate to write this, because in the first place I really don't have an idea where to begin. But I guess I should start this by saying SORRY. Una dahil sinaktan kita, Pinaiyak kita, pinagmukhang tanga at walang kwenta. Sorry kong di ako nagparamdam sayo. Sorry dahil di ako naging mabuting boyfriend sayo.
Sorry sa lahat ng nagawa ko sayo. Puro lang ba ako sorry? Well para maiba naman, I want to say thank you. Sa pagtanggap mo ulit sa akin, sa pagpili sa akin, sa muling pagmamahal mo sa akin. Ikaw yong babaeng hinahangad ng bawat lalaki. Nagpapasalamat ako sa panginoon dahil ibinigay ka niya sa akin, sayo ko naranasan laha, saya, lungkot, jealous, paano magparaya, masaktan at magsakripisyo.
Dee, hindi ko maisulat sa liham na ito kong gaano ako kasaya na dumating ka sa buhay ko. Ikaw yung nagsilbing liwanag sa madilim kong buhay, ang nagpatamis sa mapait kong ugali at nagpapatapang sa akin para lumaban pa. Mahal na mahala na mahal kita. Alam mo ba? Nagpasalamat ako ng sobra don sa kaibigan kong humingi sa akin ng tulong sa bar na maging temporary bartender nila, kasi dahil dun nakilala kita. Pero mas nagpapasalat ako kay Timothy, dahil kong hindi ka niya pinakawalan hinding hindi ko makakamtan ang ganitong kasiyahan.
Ayokong makita kang umiiyak o nalulungkot dahil dinudurog ang puso ko. Ang bawat araw ko na kasama ka ay ang mga araw na habang buhay kong babaonin kahit saan man ako pagpunta. Sinabi sa akin noon ng doctor na may cancer ako. Yon ang dahilan kong bakit nakipaghiwalay ako sayo. Alam mo bang napakasakit na gawin yon? Na parang sinusunog ni satanas ang kaluluwa ko sa emperno.
BINABASA MO ANG
Searching Mr. Right
Novela JuvenilUmibig. Nasaktan. Nadapa. Bumangon. Yan ang difinition ng isang Louisse Loraine Lyod, isang babaeng naniniwala na merong forever as long as nabubuhay kapa at kaya mo pang umibig muli. Eto ang kanyang paniniwala nong nakilala niya ang isang Justin Ja...