[Examination week]
"So si Noli may pagtingin kay Maria Clara?" Tanong ko kay Mr. tutor. Nagtagumpayan ko ang ibang subjects maliban sa isa at ito ay ang Filipino subject. Ghhaadd noon gustong gusto ko ito pero ngayon di na. Kainis kasi tong Noli Me Clara. arrgghhh.
"Hoy panget, hindi nga yan Noli Me Clara, Noli Me Tangere nga yan." Sheesh. Paulit ulit nakakasuka na.
"Break muna tayo." Sabi ko.
"ka ka break mo lang ahh, mag be-break ka na naman?" Ghhaaadd ang lakas ng boses, di ba niya nabasa yung nakasulat sa pinto bago kami pumasok dito?
"Hoy kaps, nasa library tayo, incase nakalimutan mo." Sabi ko. Gaya nga ng sabi ni Principal naging tutor ko nga si Bryan and luckyly, bumabalik na ang mga dati kong grades. Tumataas na ito at nag re-ready narin ako para sa final's namin bukas.
"Oo na, wala munang break, walang pagtingin si Noli kay Maria Clara, hindi yun, karakter, pamagat yun." Pagpapaliwanag niya.
"Ehh, bakit may gusto si Ibarra kay Noli?" Huminga siya ng malalim. I so like it when I see him like that. NAHIHIRAPAN.
"Hayyy, so Noli ay pamagat, si Ibarra ang bida na may gusto kay Maria Clara."
"Akala ko, nagseselos si Padre Salvi kay Noli, dahil mahal ni Noli si Ibarra at mahal naman ni Maria Clara si Padre Salvi."
Napa face palm siya. Habang ako pinipigilan ang sariling huwag tumawa. Ghhaadd I so love this.
"Si Noli ang pamagat, si Padre Salvi may pagtingin kay Maria Clara habang si Maria Clara mahal niya si Ibarra." Sige pa, push mo pa Bryan.
"Pero si Ibarra walang pagtingin kay Maria Clara dahil mahal niya si Padre Salvi?" Maamo kong tanong. Sorry Ibarra, ginawa kitang bakla.
"I think we should take a break." Sabi niya
"NO, ka-ka break lang natin kanina diba?" Wow! Galing mo talaga Louisse ikaw na, napaupo siya at nagbuklat ng libro. Mukhang tatanungin niya ako tungkol don. Actually na gets ko na ang Noli kanina pa at dahil gusto kong e return yung pagpapahiya niya sa akin sa 7/11 kaya ko ito ginawa and actually kulang lang toh.
"So, Sino si Ibarra?" Tanong niya. Sabi ko na nga ba ehh.
"Ang kasintahan ni Maria Clara."
"Sino si Padre Salvi?"
"Ang taong may pagtingin kay Maria Clara."
"Ano ang pamagat ng estorya?" Simple questions
"Noli Me Tangere." Sagot ko.
"Kuha mo na pala ehhh." Sabi niya.
"Naku, hindi, binabasa ko lang." Nakangiti kong sabi. Saka tinuro ang nakabukas na libro ng Noli sa harapan ko. Kahit sa totoo hindi naman talaga.
"Calculus ka ba?" Bigla niyang tanong. Na siyang ikinataas ng kilay ko. Unconsciously napatingin ako sa libro sa harap ko, nakaligtaan ko ba yun sa story?"
BINABASA MO ANG
Searching Mr. Right
Teen FictionUmibig. Nasaktan. Nadapa. Bumangon. Yan ang difinition ng isang Louisse Loraine Lyod, isang babaeng naniniwala na merong forever as long as nabubuhay kapa at kaya mo pang umibig muli. Eto ang kanyang paniniwala nong nakilala niya ang isang Justin Ja...