"Ano ba panget, sasama ako!!" Arrggghhh ang sakit sa tenga. Kailan ba siya matatapos? Ghhaadd ang aga aga nagmbubwisit siya. It's freaking 6:00 AM. For pete's sake, wala ba siyang orasan?. Nilabas ko na talaga ang human form ko at pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko siya agad ang bumungad sa akin. Wow ha, ano to bahay niya? Kong makapasok parang kanya, sipain ko siya ehh.
"Please, panget sama mo na ako." Paawa effect pa siya. Ano ba talagang nahithit ng kumag nato? o talagang nababaliw lang siya? Naninibago kasi ako sa mga ikinikilos niya ehh. Hindi naman siya ganyan.tsk.
"HOY!! Kaps, lahat tayo invited ano ba yang pinagsasabi mo? Di mo ba nabasa sa email mo yung invitation?" Bigla siyang natigilan. Na parang nag-iisip. Makapal na nga, tanga pa.
"Aiii, Oo nga anohh! Ba't ko nga ba yun, nakalimutan." Shheesshhh inistorbo pa talaga ako.
"Yan! Naalala mo na kaya please lang, gusto ko pang matulog." Saka bumalik sa kwarto ko to be specific sa kama ko. Nang makahiga na ako at ready ng bumalik sa dreamland.
"Mahilig ka pala sa Rilakkuma." Agad akong napabalikwas. Arrgghh letse, ano bang klaseng parusa toh!!!
"Hoy, kaps, ano ba, uwi kana, LUMABAS KA SA KWARTO KO." Sigaw ko, iniistorbo niya talaga ako ng bongga'ng bongga PRAMIS.
"Grabehh, ngayon ko pa to nalaman ahh." Sabi niya, aba malamang hindi naman kami close, sabay pinch sa ilong nong isang teddy bear na Rilakkuma.
"HOY!! Ano ba, huwag mo nga siyang saktan, kong ayaw mong ikaw ang saktan ko." This time tumayo na talaga ako. Isang malaking secreto tong pagka addict ko ng Rilakkuma at tanging si Justin lang ang may alam, kong kaya't most of my collection are from him.
"Hindi naman siya nagreklamo." Sabi pa nito, aba'y gago talaga!!!
"Ano ba Bryan, umalis ka na nga, shoooo."
"Hoy, hindi ko nayon gagawin, huwag ka ngang umiyak." Nabigla ako sa sinabi niya kaya napahwak ako sa pisngi ko, tama nga siya, umiiyak nga ako.
"Oo na, aalis na nga ako." Sabi niya saka tuluyang lumabas ng kwarto ko. Napaupo nalang ako. Ba't ba ganon? Dee hanggang ngayon ikaw parin ehh.
Bryan's Pov
Nong nakita ko siyang umiiyak na naman. Agad pumasok sa utak ko si Justin. Shit! Ang swerte talaga ng gago. Ba't ako di natamaan ng swerte? at lintik lang dahil ang sakit na makitang hanggang ngayon, nagkakaganya siya, umiiyak parin dahil sa gagong yun. Justin, wala ka na nga, patay ka na nga, pero ikaw parin. Una palang panalo ka na pero sana kahit impossible manalo ako, maipanalo ko. Sana kahit impossible magustuhan din niya ako.
Louisse Pov
Pagkatapos kong pulutin ang sarili ko sa saig hindi na ako nakabalik sa pagtulog, minabuti ko nalang na maligo at mag prepare ng damit, para sa pool party mamaya. Habang naghahanap ako ng simpl'ng T-shirt. Accindente kong natulak ang isang box kaya nahulog ito at nabukas kaya nakita ang laman. Muli na naamang tumulo ang mga luha ko. Parang kahapon lang, parang kahapon lang namin kinunan ang mga picture's nayan.
BINABASA MO ANG
Searching Mr. Right
Teen FictionUmibig. Nasaktan. Nadapa. Bumangon. Yan ang difinition ng isang Louisse Loraine Lyod, isang babaeng naniniwala na merong forever as long as nabubuhay kapa at kaya mo pang umibig muli. Eto ang kanyang paniniwala nong nakilala niya ang isang Justin Ja...