Chapter 11 [Newly weds]

52 7 0
                                    



Naupo lang ako ron. Parang biglang nawalan ng lakas ang mga paa ko. Nang may biglang nakakuha ng attention ko. Isang kwentas. Na may pendant na 'L' hindi ko na kailangang magtanong kong kanino ito. Agad ko iyong kinuha pagkakuha ko non, saktong bumukas ang pinto. Agad akong kinabahan akala ko siya, pero nong makita ko kong sino agad namang nag-init ang ulo ko.



"Hoy, panget, panalo tayo, ba't ka ba kasi nag walk out? Ayon tuloy na out of place ako sa dalawang yon. Kong maka pag react ka kasi akala mo maganda." Arrgghhh huwag niyo nang hulaan kong sinong demonyo ang nagsalita.

"WOW!! ikaw kapal, ilang bese ko na ba sinabi sayo na di ako panget!? Maganda ako. Sobrang maganda saka paki ko ba kong nanalo kayo? Kahit na di ako exemted sa exam alam kong pasado parin ako."



"Ako parin ba ang makapal sa lagay na yan? Mas makapal ka pa nga kesya sa akin ehh." bumaba ako mula sa stage at hinarap siya.

"alam mo nagdududa na ako sayo, ba't ka ba palaging bumubuntot sa akin? at saka paano mo nalaman na nandito ako? Hmmmmm, may gusto ka sa akin anohh." Isang malakas na tawa ang sinagot niya sa akin.



Nong nahimasmasan na siya na sana hindi nalang parang namatay nalang siya, saka pa siya nagsalita.

"Ikaw? Magugustuhan ko? Mas mabuti pang mamatay nalang ako." Sana nga

"Wow, hindi kalang makapal at suplado isa karing....."Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang bumukas ang pinto. At agad nalipat doon ang atensyon namin ni Bryan. Bumalik siya.

"Luke."



Ang tanging nasabi ko. Agad siyang lumapit sa amin.agad napunta kay Bryan ang atensyon niya, arrgghhh, mang aagaw talaga ng atensyon ang asungot nato, saka siya bumaling sa akin ay hindi talaga totally sa ain kundi sa kamay ko at walang pasabi sabi, agad akong hinawakan at naglakad palayo sa kinatatayuan ko. Hindi kaagad ako nakapag react sa ginawa niya,kaya nadala agad ako.

"Luke bitawan mo siya." sabi ni Bryan. Wait!! Kilala niya si Bryan?

"Paki mo ba Bryan?" Sagot naman ni Luke. Wait magkakilala sila?



"Paki ko? Estorbo ka ehh, kakarating mo nga lang dito tapos kukunin mo ang panget na yan? Kausap ko pa siya kaya kong anong kailangan mo sa kanya kunin mo na." Wow! Tawagin ba namang panget ang maganda kong mukha? sarap talagang kalbuhin ng kapal natohh.

"nandito lang naman ako dahil naiwan ko ang kwentas ko at nasa kanya yon at dahil nasa kanya kukunin ko siya." Lumapit sa amin si Bryan.



Pero iba na siya dahil ngayon ang seryoso na niya. Saka niya hinawakan ang kabila kong kamay kong saan hawak ko ang kwentas ni Luke. Saka niya ito kinuha at hinagis sa mismong harap ni Luke. Anong nakain ng taong ito?

"Ohh ayan, sayong sayo na, kahit isaksak mo pa sa baga mo." Saka walang pasabi niya akong hinalbot palayo roon. Anong meron? Ba't bigla atang mas naging demonyo ang nilalang nato? Lakad siya nang lakad habang ako kinakaladkad niya hanggang sa makarating kami sa gate ng school.

Searching Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon