"Greece, which is officially named the Hellenic Republic, is a country in the Mediterranean....." Blah blah blah. Balik ulit kami sa dati, school, aral, terror teachers, projects, assignments and the most important GRADES. English. Isang subject na may gurang na teacher at weird at boring na topic. haayyyy.
"And now for your requirement for passing this year." Agad akong natauhan sa sinabi niya, napatingin ako kay Bryan, siya din naging serious na.
"I want you to make an individual project, all about Roman and Greeks....." WHAT?
"100 pages each." Sabi niya. Wow, gusto niyang gumawa kami ng libro? galing. Natahimik ang buong room. Ang isa sa kinatatakutan namin sa gurang nato ay yung hindi niya pagbago bago ng isip. What she said is what she said. Period.
Saka siya lumabas. Pero bago pa siya tuluyang makalabas, nagtanong ang class president namin. Ang bagong class pres.
"Ma'am kailan po namin e pa-pass?" Magalang niyang tanong. Humarap ulit si Ma'am sa amin.
"I want it first thing in the morning tomorrow, that means, you need to pass it today." BUMILOG ang mga MATA ko at walang pasabi-sabing tumayo kami agad at tumakbo papunta sa library.
Naunahan pa nga namin siyang lumabas. That witch, swear I'll curse her to death.
"Oii Panget, hinay hinay lang okay?" Napatingin agad ako sa nagmamay-ari ng boses nayon. Kanina pa kasi ako takbo ng takbo dito sa library. Naghahanap ng libro.
"Heto." Sabi niya sabay bigay sa akin ng isang makapal na libro.
"Wala ka nang pro-problemahin pa dahil nanjan na lahat." Sabi niya sabay ngiti at ginulo ang buhok ko. Ang gwapo niya kapag ngumiti, wait teka, ERASE ERASE ERASE isa lang iyong acting. YES Acting lang yun. Di ko nalang siya pinansin at diritsong umupo.Pagka-upo ko.
"Ayyyiiieee ang sweet ng ating Hari at Reyna." tukso sa akin ng mga classmates kong nasa table. Kong alam lang talaga nila kasali yun sa scrip sa act namin.
He needs to act like my real boyfriend and I need to act like his real girlfriend.
[4 hours later]
Malapit na, isang page nalang at boom, hayyy sa wakas at natapos rin ako. Isinilid ko na ang na print ko sa isang sliding folder ng may biglang yumakap sa akin mula sa likod, kaya napaigtad ako kaagad. Shet!! Ako at ang librarian nalang ang nandito.
"ghhaadd, Bryan papatayin mo ba ako sa ataki sa puso?" Pero ang sarap nong yakap ahh. WAIT ANOOOHH???? HINDI!!! ERASE ERASE ERASE!!
"Hahaha sorry, hindi ka pala immune sa back hug."
"Ano bang nakain mo at ginawa mo yun? Wala namang tao ehh. No need to act." Natigilan siya. Nakita kong nag form into fists ang kamay niya.
"Tama ka, all of this is just an act. Alam mo Louisse, sa lahat ng babaeng nakasalamuha ko, ikaw ang pinaka manhid, ba't kaba ganyan? Hindi mo ba napapansin na....arrrgghhhh, makaalis na nga lang." Saka siya diritsong lumabas ng library.
Ano nga ba ang nalamon ng kaps nayon? Sa lahat ng lalaking nakasalamuha ko siya ang pinaka weird, pinaka di ma gets ang pinagsasabi, pinaka nakakabwisit, siya ang pinaka gwapo, pinaka sweet, pinaka hot, pinaka......teka NO NO NO NO ERASE. Hindi tama yun. arrgghhh tignan niyo? Pati ako nahahawa na sa ka weirduhan niya. Akalain niyo nga naman, nagustuhan ko ang yakap niya. WWWWAAAAAAAAA. Ano bang nangyayari sa akin?
gusto ko daw, pero nagalit naman ako sa kanya. Paki explain nga kong anong virus ang napunta sa akin!! hayyy tsk. Naglakad nalang ako palabas ng library at papunta sa office este room ni ma'am, saka inilagay sa ibabaw ng desk niya. Gad, halos lumuwa na ang utak ko sa pag-iisip ng magandang nagawa ng Greek at Roman sa isa't isa. Na nose bleed pa ako sa pag English at pag intindi ng mga kahulugan sa salita in Roman and Greek form.
Pagkalabas ko ng campus napakatahimik na ng lugar at mangilan ngilan nalang ang sasakyang lumalagpas sa school. Kaya minabuti ko nalang na mag lakad. Total wala naman akong magagawa ehh. Kaya ayon naglakad na nga ako ng tuluyan. Tahimik ang buong paligid, kaya nakaramdam ako ng kaba at ilang minuto ang nakalipas may lumabas na kasing edad kong mga lalaki at babae.
May mga dala silang tubo, yung ilan kutsilyo at ang mas nagpakaba sa akin ay yung ilan may dalang mga baril. Agad akong na estatwa sa kinatatayuan ko, habang papalapit sila, tuluyang napapikit ako, pero wala akong naramdaman, kaya hinay hinay kong minulat ang mga mata ko at nakitang nilampasan lang nila ako. At mas napanganga ng makita kong sa kabilang side nang kalsada ay may lumabas din and then it sink in.
OMG, nasa gitna ako ng isang gang fight. Gusto kong tumakbo at magsisigaw ng tulong, pero makita ko lang ang mga dala nila. Nawawalan na ako ng Boses. And then it happened. Malakas na sigawan, may mga duguan, malalakas na sapakan, bugbugan at batuhan, hindi nga lang bato ang gamit nila. Mas malala pa sa bato. Nangungulo yung nasa kabilang side. Ngayon na talaga ang sign para tumakas ako.
I forced myself to run. Pero agad akong napansin ng kabilang side ang nangungunang side at napagkamalan akong isang kalaban. God is this the way I'll gonna die? Napahinto ako ng itaas nong pinakamalaki na member ng grupo ang baril niya papunta sa akin. Napapikit nalang ako nong ikasa niya ang baril. Atleast may maganda ring maidudulot ang pagkamatay ko.
Makikita ko ulit si Justin. Pero wala akong naramdaman. Ni sakit wala, narinig ko ang putok ng baril, alam kong putok yun ng baril pero ba't wala akong naramdaman? I open my eyes at nanginig sa nakita ko.
"Bryan!!!" Duguan siya at nakalumpasay sa cemento. Tinignan ko ang mga mukha ng kabilang grupo, imbes na sumaya ay isang takot ang nakita ko sa mga mata nila at kusa silang tumakbo.
Kinuha ko ang ulo niya at inihiga sa lap ko.
"Bryan. Hoy, huwag kang pipikit, Bry———"
"Mahal...........na...................Mahal.....................................kita."
O____O nahipahinto ako, hindi lang ako kundi pati ang mundo ko. Naramdaman ko nalang ang mainit na likidong tumutulo sa pisngi ko. Bakit?
"Hoy, ano ba!! Sabing huwag kang pumikit ehh."
Pero wala na, pumikit na siya ng tuluyan at bumigat. The last thing I Knew ay yung isinusugod siya sa emergency room. Ba't ba ito nangyayari sa akin? Lord? di pa ba sapat na nasa inyo na si Justin? Pati ba naman si Bryan? Please kahit ito nalang po.
Huwag niyo po munang kunin si Bryan. Please.
BINABASA MO ANG
Searching Mr. Right
Teen FictionUmibig. Nasaktan. Nadapa. Bumangon. Yan ang difinition ng isang Louisse Loraine Lyod, isang babaeng naniniwala na merong forever as long as nabubuhay kapa at kaya mo pang umibig muli. Eto ang kanyang paniniwala nong nakilala niya ang isang Justin Ja...