Chapter 12 [The Real Reason]

78 6 0
                                    


Still Louisse Pov


Alam niyo yong feeling na tulog ka nga pero feeling mong magdamag kang gising? dahil yun ang nararamdaman ko ngayon. Pagkatapos kong maligo at kumain, nag volunteer ang kuya kong ihatid ako sa school. Napansin niya kasing parang nag transform ako into a bulldog. Kaya ayon nga ang nangyari. Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng sasakyan or just wala lang talaga akong ganang magsalita.



Tangene!!! Kasalanan niya ito. Yung lecheng letter na yun, yung sulat na yun arrggghhhh. Nakakainis na nakakapraning. Kong kaya't parang zombie na ako na nahuli sa isang halloween party. Kulang nalang mga 'dugo' sa katawan ko. Na feel kong ihininto na ni kuya ang sasakyan. Naka pikit kasi mga mata ko.

"Hoy!! Naglalaway nandito na tayo." Hinay hinay kong binuka ang aking mga mata as if yun na talaga ang pinaka mahirap na ginawa ko sa mundo.



Tumango nalang ako saka binuksan ang pinto. Humarap ako sandali sa kanya at tumango na naman. Yeahhh!! Yan ang bagong uso ngayon. Tango lang at walang salita. Saka ako hinay hinay na nag lakad patungo sa campus. Technically kong di lang ako naka school uniform mapagkakamalan na talaga nila akong kasama sa cast ng The Living Dead. Pumasok ako sa campus and as expected mga chismiss na naman ang bubungad sa akin.



But I was surprise that I didn't heard anything from anyone and may kakaiba akong naramdaman,bigla kong na feel yung sinasabi nilang adrenaline rush at bigla akong nagbalik sa human world na parang galing sa underworld. Then I heard something or more like singing. Mabini ang kanta nito na parang dinadala ka at nahihipnotise ka. Like!! That was weird, kailan pa ako ganito ka descriptive sa isang mang-aawit? Ghaadd anong nangyayari sa akin? Sinundan ko ang pinagmulan ng tunog and was surprised ng makarating sa front ground ng campus. Lahat ng estudyante pati mga teachers ay nakisali at parang hinihintay nila ang pagrating ko.



Na divide sa dalawang sides ang mga students and teachers, as if may paparating na reyna at dapat umalis sa daraanan nito. Pero mas nagulat pa ako nong mapagtanto ko kong sino ang kumakanta. Parang nag back flip ang mga elepante, nag wiggle wiggle ang mga kabayo at nag gangnam style ang mga uggoy. Hindi ko na talaga alam kong anong klaseng reaction ang nakapaskil sa mukha ko.



Pero mas napanganga ako nong makita ko kong ano ang nasa likod niya.Alam niyo yong feeling na gustong gusto mo nang kainin ka ng lupa? Dahil yun na mismo ang na feel ko ngayon. Nagkatinginan kami pero di ganon katagal dahil biglang nagsalita si Timothy sa mike at sinabi ang mga kataga na nasa likod niya.

"Louisse Loraine Lyod,all I can do is say that these heart (points to the heart) were made for loving you."Lihim kong hiniling kay Zeus na sana matamaan siya ng kidlat at maisip niya na isang malaking kahibangan itong ginagawa niya.



Ngiting ngiti pa siya habang nasa stage. Napatingin ako ulit sa madlang people dahil may hinanap lang ang mga mata ko, until boooom!!! Nakita rin!! Si Kinsella, kahit na medyo malayo siya sa akin, kitang kita ko parin ang mga luhang pumapatak sa kanyang mukha. A part of me rejoice for what I saw but unfortunately another part of me was.......well sad for what I just saw. Like, kahit papaano naman, tinuring ko rin siyang kaibigan kahit ako hindi niya tinuring na ganon.

Searching Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon