Chapter 24 [The Weird Guy]

35 5 0
                                    



"Ano ba Louisse, papasukin mo nga kami!!!" Sigaw ni Kuya.

"Oo nga anak, umabsent pa ako para maihanap ka ng magandang damit." Napa face palm nalang ako, kay aga ng umaga, excited much tong kuya at mama ko.

"Ma, kayo nalang ang pumunta, saka kuya akala ko ba sabi mo ang panget ko, kaya for sure di ako mababagay don sa lugar nayon." Kainis. Ayoko talagang pumunta ron.



"Anak, kawawa aman si Bryan kong hindi ka pupunta." 

"Saka panget este Louisse, huwag mong paghintayin ang kaibigan kong kasing gwapo ni Zayn Malik at Zac Efron." Tsk. Parang nasabi ko nayan noon ahh.

"Alam kong ayaw mo Louisse pero ito yung first Prom mo, sige na." Sabi ni Mama. Napahiga nalang ako sa kama ko. Ayoko talaga. Then it hit me. Total si Bryan lang naman ang inaalala nila why not sabihan siyang huwag nalang din pumunta? Agad kong kinuha ang phone ko at diritsong nag type ng



To: Kaps

    Huwag kang pumunta sa party.


Ohh, hindi yan pakiusap. Ang ganda ko naman para pakiusapan siya, utos yan, isang UTOS. Ilang saglit ay nag ring na ito, kaya agad ko itong tinignan kong sino.


From: L

   Ang ganda mo kagabi, kayo na pala.


Napataas ang kilay ko. Dahil hanggang ngayon di ko parin kilala kong sino ang taong toh.


To: L

   Nandon ka pala, so ibig sabihin Schoolmate kita?

From: L

  Oo, nandon ako, nakita ko lahat, ang sakit palang makita ang taong mahal mo, may mahal nang iba.


Napanganga ako sa nabasa ko. Na wrong type ba siya? O na wrong send? Tama ba tong nababasa ko? Mahal? Paano niya ako.....Then it hit me, kilala niya pala ako, ako lang ang di siya kilala. Saka di niya sinagot ang last question ko.


To: L

   Huwag mo akong mahalin, masasaktan ka lang.

From: L

   They say you won't know it's love if you won't feel the pain, di bale ng masaktan, atleast ikaw naman ang rason.

To: L

   Huwag nga sabi ehh. Gusto mo bang mamatay? Di mo ba alam na lahat ng taong nagmamahal sa akin namamatay? Parang sinaumpa yata ako ehh.

From: L

  Lahat naman talaga ng tao namamatay atleast kong ako mamatay okey lang, kong dahil sayo naman.



Arrggghhh, mat topak talaga ang taong toh. Hindi nalang ako nag reply. Pero nag text ulit siya.



From: L

  Kita tayo ngayong gabi, princess.

Searching Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon