"O_________O" Hindi ako kaagad nakapagsalita. Hindi ako na shock sa sinabi niya kundi ang nasa likod niya. Napansin niya din siguro na di ako sa kanya nakatingin kaya sinundan niya ang tinitignan ko. And there it is si Kinsella at Timothy na naman. Parang walang bukas kong maghalikan.
Hindi ko na naman mapigilang umiyak. Ni hindi ko nga naranasan yon. Walang pasabi sabi, bigla akong niyakap ni Justin. Hindi nalang ako pumalag kailangan ko ng taong masasandalan ngayon. Saka naramdaman ko ang paghimas niya sa likod ko. Minsan talaga mas effective pa ang isang simple na yakap keysa sa madamdamin na advice. Umiyak lang ako, wala na nga akong paki kahit na basang basa na ang uniform ni Justin, hindi rin naman siya nag rereklamo ehh.
Ng mahimasmasan na ako,umupo muna kami sa isang bench. Wala ni isang nagsalita sa amin.
"Bakit ganon siya?Hindi ba talaga niya ako minahal kahit kunti lang?"
"kong minahal ka niya sa tingin mo ba sasaktan ka niya ng ganyan? Ang totoong nagmamahal sayo ay hindi ka kahit na kailan sasaktan, kahit na nasa mahirap na sitwasyon kayong dalawa. Saka tumigil ka na nga sa kakaiyak, sa tingin mo ba kakaawaan ka niya? Sa tingin mo ba babalik siya sayo sa tuwing makita ka niyang ganyan?
Ang mga lalaking walang puso ay hindi babalik sa isang babae kong alam niyang hinahabol pa siya nito, babalik lang sila kong nakikita nilang kaya mong tumayo na wala sila, babalik sila para saktan ka ulit at ipabagsak ka ulit."Natahimik ako at napatingin sa kanya. Seryoso lang siyang nakatingin sa kawalan. Ba't ba ganito kalapit ang nararamdaman ko sa kanya? dahil ba toh sa palagi siyang nanjan sa tuwing nahihirapan ako?
Baka ganon nga.
"Salamat." Ang tangi kong sagot.
Hindi ko alam kong ano pang nangyari pagkatapos non. Basta isang araw nalang gumising ako na gustong gusto kong mag move-on at kalimutan siya. Sinabi ko to kay Justin at nag congrats pa siya sa akin. Unti unti kaming naging malapit at nakilala ko pa siya ng husto.
Bumalik na rin ako sa dating ako. Yung masayahing ako. Nakilala ko narin ang dalawa pang myembro bf Three Kings. Si Chase De Vega and Troy Sanchez. Si Chase, siya ang meaning ng salitang cold, napaka lamig niya at halos isang beses lang kong magsalita, but wait, sa unang tingin mo palang dito mapapaluhod ka na sa gwapo.
Matangkad ito pang basketball player ang height, maputi, matangos ang ilong, lean ang katawan at green ang kulay ng mga mata. Yung mga matang gusto mong titigan ka nalang. Habang si Troy naman ang kasalungat ni Chase kong si Chase ay cold at isang beses lang kong magsalita, ibahin niyo si Troy, dahil masayahin ito at pala salita at may natural charms ito.
Para siyang si Zac Efron kaya no doubt na pinagpipilahan siya ng mga kababaihan to think na isa siyang Certified Playboy. kaya ulit sasabihin ko, no doubt na sa bawat oras walang babaeng umiiyak. Pero kahit ganyan ang mga kaibigan niya. Naging malapit narin ako sa kanila at napasali sa kanilang tatlo.
"Hey Dee,gusto mo ng ice cream?" tanong ni Justin sa akin. Nandito narin ako ngayon sa tambayan nila.Ako nga lang daw ang kaisa-isang babaeng nakapunta rito. yeah I know right!I'm so damn lucky.
BINABASA MO ANG
Searching Mr. Right
Teen FictionUmibig. Nasaktan. Nadapa. Bumangon. Yan ang difinition ng isang Louisse Loraine Lyod, isang babaeng naniniwala na merong forever as long as nabubuhay kapa at kaya mo pang umibig muli. Eto ang kanyang paniniwala nong nakilala niya ang isang Justin Ja...