Chapter 18 [My Six Word Love Story]

62 5 0
                                    


Katatapos lang ng third subject ko at nandito ako ngayon sa isang bench nakaupo, may hawak na libro na naka bukas nga pero di ko naman binabasa. Hinihintay ko kasing lumabas si Justin. Nauna kami ngayon kasi yung terror teacher kasi ang teacher nila ngayon kaya medyo natatagalan. Sisimula ko na sana ang pagbabasa ng

" Ang love parang story, may sariling setting, plot, characters,pero naka dipinde sa writer kong happy or sad ang ending." Agad akong napatingin kay Miracle ang love guru na kapatid ni Bryan. Parang kabuti rin ang batang toh biglang sumusulpot.



"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko

"Ang ganda niyo po pala talaga sa malapitan anohh?" Napanganga ako. Bakit? Una, dahil di yon ang sagot sa tanong ko. Pangalawa. sa malapitan lang ba ako maganda? Maganda ako kahit sa malayo anoh.

"Excuse me? Nangiinsulto ka ba?" Kalma pa yan ahh. Sobrang bata pa niya para makatikim ng galit ko.

"Ang Love parang waiting shed yan, maraming naghihintay." Sabi niya sabay tayo



"Ang love din po ay parang ikaw, nagmahal,nasaktan at nagmahal ulit." This time nawala bigla ang galit ko at napalitan ng ngiti

"Bakit mo naman nasabi?" Tanong ko

"wala lang." Nakangiti niyang sabi saka umalis, ang weird talaga ng batang yun. Pero nakakatuwa rin. Magbabasa na sana ulit ako ng biglang nag vibrate ang phone ko. Agad kong tinignan ang nag text at muling bumalik ang galit ko.



"Anong binabasa mo?" Tanong ni L, hula ko. Nakatingin siya ngayon sa akin. Well lagi lang naman. Para kaya siyang mumu. Ghhaadd. Natatakot na ako.

"Paki mo ba?" reply ko.

"Bago bang title ng story yan? Ayos ahh, 'paki mo ba?' " Reply niya. Siryizli? Ang bobo nito, pagkamalan ba naman yong title?



"Hoy sino ka ba talaga?" Nakaka imberna ang pa ulit ulit ng tanong.

"L" tanging reply niya. Napahinga nalang ako ng malalim walang patutunguhan ang pagtatanong ko at baka masira na naman ang araw ko dahil sa misteryosong nilalang na yan. But atleast alam kong lalaki siya. Hindi nalang ako nagbasa biglang nawalan ng gana ang mga mata ko.



Kaya niligpit ko nalang ito at ipinasok sa bag ko. Pupunta na sana ako sa room nila Justin ng bigla kong nakita si Luke na nakangiting nakatingin sa cellphone niya habang naglalakad sa hall. Wow abot langit ang ngiti niya ahh. Sarap asarin. Kong kaya't sinundan ko siya. Sobrang totok siya sa phone niya at walang paki sa mga nababangga niya, walang modo talaga kahit kailan ang gagong tohh. Kaya I grab my chance at diritso akong tumalon sa harap niya at



"BBBBBWWWWWWWWAAAAAAAAAAA" Nabitawan niya ang phone niya dahil sa gulat. Napahagalpak agad ako sa tawa. Grabehh ang reaction niya, dinaig pa ang natatae. Napa tsk nalang siya kaya pinulot ko phone niya na nahulog at di sinasadyang napatingin dito. At muling napabilog ang mga mata ko sa nakita. 'Paki mo ba?' ang mga katagang nakita ko, babasahin ko na sana ang nasa ibaba ng bigla niyang hablutin mula sa akin.

"Mind your own business." Sabi nito. Hindi kaya....



Searching Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon