Chapter 16 [Justin Jake Cast]

34 6 0
                                    


Justin's Pov


Saya. Isang simpleng salita na katulad ng love ay may maraming kahulugan. Ang saya ay isang pakiramdam kapag ikaw ay may maramdamang maganda o may nangyaring maganda. Katulad ng kapag nanalo ka sa isang contest, nakapag pangiti sa iyong mga magulang, nakakuha ng perfect score sa exam o pasado lahat ng grades. Pero alam niyo kong ano ang kahulugan ng saya sa akin?



Simple lang, isang kahulugan na kahit suriin mo sa iba't ibang klaseng dictionary di mo makikita. Isang kahulugan na ako lang ang nakakaalam. 

" I love You." Sa tatlong salitang yon, ang gabi ko ay lalong na kompleto, wala na akong mahihiling pa kundi sana magtagal ang pangyayaring toh. Na sana tumigil ang oras at ganito nalang kami habang buhay.



But as they say not all wish can be granted and not all happiness means HAPPY, hindi lahat ng kahulugan ng saya ay tuwa. Dahil yong iba, ginagamit lang yon para matakpan ang sobrang kalungkutan.



[flashback]


"Bye! Ingat ka lagie Dee,tandaan mong mahal kita ahh." Sabi ko sa kanya saka tuluyang ibinaba ang phone. Feeling inspired ako ngayon. Pano bang hindi kong pagka gising mo palang ang malambing na boses na ng pinakamamahal mo ang bubungad sayo. Ohh diba!! Dinaig ko pa ang lalaking naiihi sa sobrang kilig. Naligo na ako saka nag bihis nang pambahay saka lumabas ng kwarto.



Pagkalabas na pagkalabas ko bumungad agad sa akin ang mukha ni mama. Magsasalita na sana ako ng bigla siyang nagsalita.

"The doctor called...." Sabi niya. Nag iba ang tono ng boses niya.

"Ma...." Pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko bigla uli siyang nagsalita.

"Mag bihis kana may pupuntahan tayo." Sabi niya di parin nagbabago ang tono ng pananalita niya.



Pumasok nalang ako ulit sa kwarto. Biglang nawala ang sigla ko. Ano na naman toh? Pagkatapos kong magbihis agad kaming nagtungo sa sasakyan ni Mama. Na surprise pa ako ng pagkapasok ko nandon na si papa sa drivers seat. Ang weird. Pero di lang ako nagsalita. Tahimik lang ako ni sila mama at papa di rin nagsasalita. Hanggang sa makarating kami sa lugar na pinaka-ayaw ko. Ang lugar na nagpapa alala sa akin ng nakaraan.



Pagkababa namin agad kaming nagtungo sa isang pamilyar na kwarto at diritsong pumasok doon. Na mukhang expected talagang dadating kami ron. Bumungad sa amin ang isang may edad na lalaki, pinaupo niya kami kaagad at saka itinuon ang atensyon sa akin. Di ko alam kong bakit, pero bigla akong kinabahan, parang gusto kong tumakbo palabas ng kwartong toh.



Saka nagsalita ang lalaki.

"You Have Cancer." tatlong salita. Tatlong salita na kagaya ng love. Masakit. Sa tatlong salitang yon. Nagbago ang ikot ng mundo ko, nagbago ang ihip ng hangin. Nagbago lahat. Yon ang kaisa isang rason kong bakit ko hiniwalayan si Louisse ang natatanging dahilan kong bakit ko siya sinasaktan at kong bakit naisali sa picture si Keziah.



Gusto ko siyang magalit sa akin. Gusto kong kamuhian niya ako, planado ang araw na yon. Alam kong pagkatapos ng game pupunta siya don. Alam kong nandon siya. Alam kong nakikinig siya sa amin ni Luke don sa walang kwenta naming planong paiyakin siya. Di niyo alam kong gaano ako nasasaktan sa mga lecheng pinagsasabi ko sa kapatid ko non.



Pero akala ko, kapag galit na siya sa akin. Magiging ok na lahat.Di na siya masasaktan kapag nawala na ako ng tuluyan pero akala lang pala yon. Dahil sa bawat araw na nakikita ko siyang nasasaktan, umiiyak at nagbabago. Parang mas lumalala ang sakit ko. Nahihirapan ako. At parang araw araw bumibigat ang pakiramdam ko, feeling ko impossible nang gumising bawat araw.



Kaya napag decisyunan kong bumalik, ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya, bumawi sa lahat ng kagaguhang nagawa ko. Kaya ko ginawa ang mga bagay na yon. Kaya hanggang ngayon. Nakikipaglaban parin ako. Siya lang ang natatanging dahilan para mabuhay pa ako sa mundong toh. Kahit nga ang kapatid ko. Walang masabi, kaya ayon minabuti nalang niyang tumahimik.



[end of flashback]



Nginitian ko lang siya. Saka naghintay na makapasok sa bahay nila. Alam kong nagtataka kayo kong bakit hindi ako naghanda ng kahit ano. Bakit? Kasi wala akong maipapangako sa kanya. Di ko alam kong hanggang saan at kailan ang buhay ko. Basta ang natatanging maipapangako ko ay.



"Papaligayahin kita habang nabubuhay pa ako, mahal na mahal kita Louisse."

Saka ako tuluyang umalis ron.


Searching Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon