Chapter 18

39 7 0
                                    

Jasmine

It's been three days since that incident happened. Riza and I are good, walang bangayan at kahit anong nangyayari. I am leveling up already but how about Professor Kiglen?

"Good afternoon class." Bati sa amin ni Sir Kiglen nang makapasok sa room. My eyes followed every step that he is doing.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang babaeng kasama niya sa hospital at kung bakit pumunta siya roon. Ang hirap makuha ang loob niya dahil may mga nakapaligid sa kaniyang mga babae. Do I need to use Shea's strategy of pulling a man?

"Good afternoon Sir." Everyone responded in unison. He discussed our lesson and later on, gave us an activity. A group activity composing of me, Bim, Riza and some of our three classmates.

"Is this enough information already?" Tanong ni Bim sa amin pagkatapos na isulat sa papel ang sagot namin. Nakaramdam ako ng inis dahil kanina pa daldalan nang daldalan ang dalawang kasama namin at walang paki-alam sa sinasagutan.

Napansin ko na naka-cross arm si Riza habang nakataas ang kaliwang kilay na nakatingin sa dalawang katabi ko. Mukhang may liliyab na apoy dito. "Ayos na iyang sagot natin tanggalin mo lang ang dalawang pangalan diyan na pabigat." Diniin ni Riza ang pagkasabi sa pabigat.

Tumigil ang dalawa naming kasama na tumatawa at saka masama ang tingin kay Riza. This is an exciting fight.

"Subukan mong tanggalin nerdy." Banta ni Mainne kay Bim.

"Huwag mong subukan Bim, gawin mo." Sabi ni Riza at hindi inaalis ang tingin sa dalawa.

"Come on, stop being a stubborn Riza. Ayaw ko ng away." Sabi ni Clarisse at saka sarkastikong tumawa.

"Submit it already Bim." Sabi ni Riza kay Bim pero pinigilan ni Clarisse. Sinubukan niyang kunin kay Bim ang papel pero humarang si Riza.

"Ano bang problema mo?" Tumaas ang boses ni Mainne at saka tumayo. Tiningala siya ni Riza saka dahan-dahan na tumayo, mas matangkad sa kaniya si Riza.

"Ikaw ang problema." Sagot ni Riza at saka umirap. Tatayo sana si Mainne pero sinipa ko ang armchair niya habang nakahawak ito kaya sumalampak ito sa sahig. Narinig kong nagtawanan ang mga estudyante.

"What's going on here?" Nakatayo si Prof Kiglen sa gilid namin habang isa-isa kaming tiningnan.

"Submit our paper Bim." Sabi ni Riza at hindi na nakapalag ang dalawa. Nakatayo na rin si Mainne mula sa sahig.

"Bakit wala ang pangalan ng dalawa dito?" Tanong ni Prof Kiglen. Tumingin si Riza sa dalawang nakatayo sa harapan niya.

"Why don't you answer Prof Kiglen's question?" Tanong niya sa mga ito at hindi sila makasagot. "Let me answer it if you can't. It's simple, they didn't help in answering." Dagdag niya.

"Prof Kiglen, hindi naman kasi sila nagtatanong sa amin at sinarili ang sasagutan. It's their fault." Reklamo ni Mainne at sinisi pa kami.

"Ilang beses na nagtanong si Bim, Mainne. Bakit hindi natin tanungin ang mga katabi nating group para mas mapahiya pa kayo?" Tanong ko sa kaniya at tumayo kasi nanliliit ako habang naka-upo.

"Sandra, did you observe this group?" Tanong ni Prof Kiglen kay Sandra na katabi lang namin.

"Sir, kanina pa maingay sila Clarisse at hindi pinapansin ang group nila kung nagtatanong. Kaming katabi nilang group ay naaabala na rin." Sagot ni Sandra kay Prof Kiglen at sumang-ayon ang iba.

"Everything is clear now. The two of you will have no activity for this day." Sabi ni Prof Kiglen bago pumunta sa harapan.

Pagkatapos ng klase namin kay Sir Kiglen ay uwian na.

In The Professor's Shadow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon