Chapter 56

25 4 0
                                    

Sophia's P.O.V



~The next day~




"Ready?"


I nodded to our proctor at ganun din ang ginawa ng kaharap ko. Nagshake hands kami pareho at nagsabi kami ng goodluck sa isa't-isa. "Okay. Game starts... now!"


Ako ang unang tumira ng word sa board. I scored a whopping 84 points kaya napakagat na lamang ng labi ang kalaban ko. I've been a scrabble player for 3 years na, and I'm not planning on making this game last long. Currently, nandito ako ngayon sa scrabble tournament at kailangan kong tapusin ang larong ito agad. I fear that anytime ay baka matawag na ang section nila Nath sa court. Hinde pwedeng wala ako doon. Nagpromise ako doon na manunuod ako!


Nagsimula naman siyang magplace ng tiles sa board at nakakuha siya ng 30 points. Ohh... bad start for her. Agad naman akong naglapag ng tiles ulit dahil kanina pa ako nakaisip ng ilalagay na word. Scored 50 points. Bumuntong-hininga siya tapos napakamot ng ulo.


"Bakit unang round pa lang, ikaw na agad ang naitapat sa akin?" mahina lang ang pagkakasabi niya dahil kailangan tahimik sa loob ng room. May mga nags-start na kasi ng kanilang laro, hindi lang namin sila nakikita dahil may nakaharang sa pagitan ng bawat table para may privacy. I chuckled because of what she said.


"You know, you remind me of myself." I said in a whisper tone just when she placed her tiles on the board. Napatingin naman siya sa akin na para bang gulat.


"I... do?" I nodded at her tapos nilagay ko yung tiles ko sa board. Scored 48 points kahit maikli lang yung word ko. Tumapat kasi sa Tripple word score. Napakamot nanaman siya ng ulo niya dahil doon. Malaki na ang agwat namin, if I calculate every moves we've made so far.


"Ganyan rin ako dati." I started. "Noong grade 7 ako, napatapat rin ako sa champion scrabble player noong first round. Napakamalas ko talaga nun." I said to her, habang nag-iisip pa siya ng isasagot. Ewan ko lang kung narinig niya yung sinabi ko dahil mukhang focus na focus siya sa pag-iisip ng word na ilalagay niya sa board.


Naging alerto naman ako nung may narinig akong sound ng mic na dumagundong sa speakers. That means, mag-aannounce na sila. Kinabahan naman ako dahil baka tawagin ang Section nina Nath. Hala! Please sana naman hindi sila tawagin agad! I crossed my fingers and silently prayed. Please please please hindi pa sana sila tawagin. I'm still in the middle of my tournament! For pete's sake! T^T


I silently listened...


"Calling the Basket ball participants of St. Ignasius of Loyola and St. Francis de Sales. Your game will start in 10 minutes."


I sighed in relief. Mukhang binibigyan pa ako ng oras ni God na tapusin ko muna tong tournament. "Turn mo na, ate Pia." Napatingin naman ako sa board.


"Oh..." Nakatira na pala siya and it's my turn now. She scored high this time, 42 points. Nice one! Nagplace ako ng limang tiles sa board and I scored 46 points. And tell you what, I'm getting so much high scores right now dahil maraming opening ang binibigay sa akin ng kalaban ko. Like when she places a tile, it gives me an oppurtunity to get tripple word scores and other double to triple combos. Halatang baguhan pa lang siya sa larong ito.

Love and Friendship (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon