Chappy 33

37 4 0
                                    

Sophia’s P.O.V

“Goodbye Class!”  masayang pagpapaalam sa amin ni Ms. Xirna, ang teacher namin sa Math. Grabeh, pakiramdam ko nadehydrate ang utak ko dahil sa lesson ngayon!

“Goodbye Ms. Xirna!” masayang pagpapaalam ng mga kaklase ko habang nagba-bow kay Miss. “Thank you for your good service and Jesus loves you!” dugtong nila. Grabeh, di halatang excited sila na matapos ang Math no? Ughhh... ang ulo ko. Tuyo na talaga. T~T Ahuhuhu! This is one of the reasons kung bakit gustong-gusto ang subject na to. It’s very challenging. Like, SUPER challenging talaga na minsan gusto kong sumuko!

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko at nailagay ko na ang Math book ko sa locker ko sa dulo ng classsroom, isinakbit ko na ang napsack ko sa likod ko. I hate girly shoulder bags kaya napsack ang gamit ko. Handang-handa na akong umuwi. Namimiss ko na ang comfort ng bed ko!

“Oy, Pia.” Nakaramdam ako ng may humawak sa balikat ko. Nilingon ko ito at nakita ko si Peter. Tapos na din siya at mukhang handa na ding umuwi.

“Bakit Peter?” takang tanong ko sa kanya. Nginitian niya ako at sinabihan niya ako ng “wala.” Kumunot ang noo ko dahil doon. Ano yun? Tatawagin niya ako tapos sasabihin niyang wala? Ayos din ano? =-= sabihin lang nila sa akin kung gusto nila akong maging sadista ngayon, madali naman akong kausap.

Napailing na lang ako dahil doon. Nakita kong maraming tao na ang naglalakad sa labas. Pinagmasdan ko yung mga taong dumadaan sa tapat ng classroom namin ng biglang may tumakip na kamay sa mga mata ko.

“S-sino to?” ang dilim! Tsk, hindi ba nila alam na natatakot ako pag binibigla sa kadiliman? I mentally face-palmed myself. Ays, malamang Pia, hindi nila alam dahil sikreto mo yon. =-=

“Hulaan mo.” Natatawang sabi ni Paul sa akin. Argghh, gusto ko siyang hampasin ng tambo. Siya naman pala yung nagtakip ng kamay sa mga mata ko! Tsk, alam niya yung sikreto ko pero anong ginawa niya? =-= tinakot ako. Asar lang... nakaka-asar lang talaga. Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya sa mata ko.

“Aba Carpio, tanggalin mo to kundi mawawala yang tenga mo.” Pagbabanta ko sa kanya. Pero hindi niya tinanggal yun at mas lalong hinigpitan yung pagkakakapit niya dahil sinusubukan kong tanggaling yung kamay niya.

“Hmmm... ayoko nga.” Sagot niya sa akin. Ah ganun? Nainis ako sa kanyang sinabi kaya bigla ko na lang tinapakan yung paa niya sa likod.

“Oww! Sht, ano ba yan. Pia naman oh!” ani niya sa akin. Pero ang nakakainis talaga, hindi niya pa rin tinanggal ang kamay niya. Kaya wala akong nagawa kundi ang magcross-arms na lang dahil sa inis.

“Tsss..” tanging sagot ko. Narinig ko namang tumawa ng mahina si Peter. So kasali pala siya dito? =-= Ano nanaman kasi ang pinaplano ng dalawang ito? Kaunti na lang at mauubos na ang pasensiya ko sa dalawang nasa harap ko. Ang dilim talaga eh.

“Hayss... sabi na nga ba hindi to magiging madali.” Narinig kong bulong niya. Then narinig kong nagclear siya ng throat niya na para bang may plema siya. Tsk, that’s what they do para makuha nila yung attention ng kausap nila.

“Tatanggalin lang ni Paul ang kamay niya in one condition, Pia.” Panimula ni Peter with his smart tone. Ugh ghad. Yan yung tone na ginagamit niya pag nagne-negotiate. So, ipu-push talaga nila tong trip na to? Anu ba yan! Kelan pa sila naging ganitong seryoso sa trip? Napakunot na lang ang noo ko dahil doon sa kanyang sinabi.

Love and Friendship (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon