Chappy 31

57 4 0
                                    

Gizhelle’s P.O.V

Simula pa noong bata ako, I’ve always wanted to make my Mom and Dad proud. I tried my hardest to be the best in school noong elementary, but I always ended up being second. Noong nalaman nilang I failed to be 1st in class, they treated me different. It was like I was not their daughter. I didn't meet their expectations bilang oldest.

Second ka lang? Kumpara sa mga tinuruan naming schools ng mama mo, malayong malayo ang agwat niyo.

You’re a big dissapointment in this family. Ikaw ang panganay yet, ikaw pa yung nagbibigay ng false hopes.

Yes... disappointment ako. Kumpara sa mga naturuan nilang bata sa ibang school, mas magagaling sila, mas matatalino. Kumpara sa mga anak ng kama-anak namin, mas may ibubuga sila. I tried my best, pero hindi pa pala sapat yung best ko. Lagi akong second. Second... Second lang. Hindi ko kayang unahan yung first.

Bakit ganun? Hindi ba nila ako kayang i-appreciate kahit hindi ko maabot yung expectations nila? I can’t help but think that they’re asking too much from me kahit na panganay pa ako.

Pero I really wanted them to be proud. Para atleast maramdaman kong minahal nila ako at maramdaman kong anak nila ako. Yun lang ang gusto ko. Yun lang... pero hindi ko makuha. Naiinis ako. Napakababa ng tingin nila sa akin... I have always been given the cold shoulder. Pinapagalitan nila ako tuwing kada bigayan ng card sa school at nalalaman nilang hindi pa rin ako nagiging rank 1. Tanging kapatid ko lang ang kakampi ko.

I have been doing everything I can to beat the current top 1 noong elem pa ako pero di ko talaga magawa. Noong graduation, I graduated as Salutatorian. Hindi ko magawang ngumiti noong nagse-ceremony. Hindi sila sumulpot... mag-isa akong pumunta sa stage. Masakit... nasaktan ako ng sobra. Everyone was looking at me... halatang naaawa sila sa akin. Hindi na rin ako nakapagbigay ng salutatorian speech. Mapapahiya lang ako.

Ni isang beses, hindi ko manlang naramdaman na minahal ako. Mabuti naman akong anak ah? Bakit parang hindi pa yun sapat? Hindi ba talaga nila ako mahal? Mga magulang ko ba talaga sila? Lahat-lahat na ginawa ko, pero walang epekto. Ikinakahiya pa nila ako sa ibang kamag-anak namin. Palibhasa mga matatalino sila at matataas ang grades ng mga panganay.

Ginawa ko ang lahat noong naging grade 7 highschool ako. Sa panibagong school kasi ako nag-aaral. I gave it my all. Naging sikat ako, marami akong naging kaibigan at sa wakas, nakuha ko yung rank 1. Natuto akong lumaban at naging btch. Nag-iba yung ugali ko at ako ang naging queen bee sa school. Ako dapat ang masusunod. Kumpara sa dati kong school noong elementary pa ako, hindi ako binubully, hindi ako minamaliit.

Ako na ngayon ang bully, at ako na ngayon ang nakakatapak sa mga tao.

Naging masaya ang mga magulang ko sa naging resulta ng rankings. Pinapansin na nila ako. Noong naging 1st ako, naramdaman kong may mga magulang din ako. Alam kong isang mababaw na pagmamahal lang ang meron nila sa akin. Halata naman eh... napapaisip pa nga ako minsan kung ampon ba ako? o baka napulot lang ako sa tapat ng pinto nila.

Pero kahit mababaw lang, atleast I know the feeling of being loved and adored. Yung ipinagmamalaki ka na nila sa kamag-anak nila. Hindi lang sa kanila kundi pati sa mga tao sa school. Alam kong marami akong haters dahil may bitchy side talaga ako, pero hindi mo mapagkakaila na isa ako sa mga magagaling sa school. Mayaman din kami at alam kong maganda ako. Not like when I was young, I looked like a nerd at lagi akong inaasar, binubully.

Love and Friendship (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon