Chappy 39

69 4 0
                                    

Sophia’s P.O.V

N-nee-san... huk. I’m really... sorry...” She said those words while weeping like the little girl she was. I caressed her back, ‘yon lang ang naisip ko para lang tumahan na siya. I always knew that there was something in her. Nakikita ko sa mga mata niya... that she was hurting.

“Shhh... tahan na gizhelle.” Nilibot ko ang mga mata ko sa canteen. Maraming taong nakatingin. All of them were smiling at us, happy to see two rivals unite for the first time. Nginitian ko silang lahat, then tumingin naman ako kina Nathan, Paul, at Peter. But I was dissapointed to see them unhappy. Why? Bakit hindi sila mukhang masaya? Isa-isa ko silang tinignan sa mga mata, at ang nakikita ko ay maraming pagdududa. Hindi pa rin sila naniniwala... I sighed.

Umiling sila sa akin. Para bang sinasabi nilang, wag akong magpaloko. Tsk. Sumimangot ako sa kanilang tatlo.

I know what I’m doing.

Matagal ko ng alam ang mga ginagawa ko. Simula nung naghinala akong may balak gumanti si Gizhelle sa akin. I’m not that insensitive to not notice that Gizhelle was lying to me that time, you know. Noong nagsorry siya sa akin sa Clinic, nakita ko noon sa kanyang mata na hindi siya sincere. So then, I decided to let Ghizelle realize that I’m a friend and not her enemy.  I told them that ‘I know what I’m doing’. At salamat dahil, nagtiwala sa akin si Nath. He didn’t ask any questions. Ewan ko lang dun sa dalawa.

Bumitiw sa akin si Gizhelle. Nagtataka ko siyang tinignan kung bakit siya bumitiw. Pinunasan niya ang kanyang mga luha tapos humarap kina Nathan, Paul, at Peter.  Nagulat ako sa kanyang ginawa.

“Gizhelle...” yan lang ang nasabi ko while looking at her. Medyo nalungkot ako, kasi kinailangan niya talagang gawin sa harap nila. Sa harap ng marami...

“I’m so sorry for everything. Sa mga irresponsible acts ko. Sorry kung nasaktan ko si Ate Sophia.”  Tumigil siya at bumuntong-hininga. She called me Ate... ansarap pala pakinggan. Namimiss ko na yun marinig. Wala kasi ang kapatid ko, kasama siya ni Daddy sa Manila. “I’m so sorry, for Aina. I hope she forgives me.” Tumingin siya ng malungkot kay Paul habang naka-bow. “I’m so sorry if I was being a brat in front of you.”  At muli siyang tumungo.

Naluluha ulit si Gizhelle, samantalang si Paul naman. Matibay... hindi siya nagpapakita ng awa dito kay Gizhelle. Blanko ang expression niya at parang walang pakielam. Si Peter, nakakunot ang noo niya. Malaki ang pagdududa niya kay Gizhelle. At sa pagkakakilala ko kay Peter ay hindi siya madaling mapersuade ng mga salita. Tumingin naman ako kay Nathan... at medyo nagulat ako dahil sa akin siya nakatingin at hindi kay Ghizelle.  O_O

Tinitigan ko siya sa mata at parang nangungusap sila at nanghihingi ng sagot. Parang sinasabi niya na nakadepende sa akin ang magiging pagtrato niya kay Gizhelle. Nagtataka kong tinuro ko ang sarili ko para makasigurado. He nodded at my gesture.

Ngumiti ako sa kanya. And just by doing that, alam niya na agad kung ano ang sagot ko.

He smiled back at me. I can’t believe I have such a perfect boyfriend. Hindi ako manhid para hindi mapansin na ayaw niya din kay Gizhelle tulad nina Paul at Peter. But, he’s still there for me. Tanggap niya ang kahit anong desisyon ko. Kakampi ko siya hanggang sa huli...

Love and Friendship (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon