Chappy 7

83 4 7
                                    

Sophia's P.O.V

Hindi ko mapigilang isipin yung inakto nung dalawang nanay kanina. Nakakalito. Umakto sila na para bang kami na ni Nathan. This is so confusing.... Bakit sila umakto ng ganon? T^T nakakalito grabeh! Sakit na nga ulo ko kakaisip.

Nathaniel anak. Just take it slow. Marami pa kayong time. Alagaan mo yang jowa mo.

Ugh! Paulit-ulit na lang nag re-replay sa utak ko yung sinabi ng mama ni Nathan. Yung part na "Alagaan mo yang jowa mo." yan yung nagtrigger ng alarm kaya naisip kong akala nila na magbf/gf kami ni Nathan. Pero nakakalito talaga. Bakit nila 'yon sinabi? or the question is..... Who gave them the idea na kami na?  

"Pia..." nagising saglit yung diwa ko ng may tumawag sa akin. Nilingon ko kung sino 'yon at nakita ko na lang si Nathan na nag-aalala. "Ayos ka lang ba? Hindi mo pa ginagalaw yung pagkain mo." Tinignan ko yung pagkain ko. Oonga no. Di pa pala ako nakakakain. Right now kasi nagbebreakfast na kami. 

"Ok lang ako. May iniisip lang ako." sinabi ko iyon ng isusubo ko na yung kanin at ulam sa bibig ko. Tinignan ko ang pinggan niya. Malapit na pala siya matapos.

"Kung 'yong iniisip mo ay yung nangyari kanina. Hayaan mo na lang yon. Aalamin na lang nating dalawa kung ano ba ang nangyari kaya naisip nilang tayo na." sabi niya sa akin bago siya sumubo ng panibagong kanin. Iba talaga si Nathan, pagdating sa usapang pag-ibig para bang hindi niya alam kung anong gagawin, pero pagdating sa mga ganitong bagay parang alam na alam niya kung anong susunod na hahakbangin. 

Napaabuntong-hininga na lang ako. Masyado ko na tong pinag-iisipan. Tama nga si Nathan, hayaan na muna at ituloy na lang ang gawain. Sumubo ulit ako ng kanin kasama ang ulam.

Nathan's P.O.V


Ano ba tong babaeng ito. Ang aga-aga mukhang depressed. Pinanuod ko siyang kumain....

Nakatingin lang siya sa pagkain niya at kasalukuyang sinusubukan niya itong ubusin. Naubos ko na kasi yung akin, hinihintay ko na lang siyang matapos.

Ah! teka alam ko na ang gagawin! Tumayo ako sa pagkakaupo ko. Gagawa na lang ako ng orange juice para sa kanya. Alam kong fave flavor niya yung orange. Naalala ko iyon nung binigyan siya ng bestfriend niyang si Paul ng orange juice sa school. Hopefully this will cheer her up.

"Teka lang Pia, magtitimpla lang ako ng orange juice para sa ating dalawa." after I said that agad kong nakitang nagningning ang mga mata niya. Ays... Para talaga siyang bata.

"Talaga?" nilingon niya ako at nakita kong nakangiti na siya. Orange juice lang pala ang katumbas ng babaeng ito para mapangiti. 

"Oonga magtitimpla ako. Wag ka nga diyan umakto na parang bata, Bata." nakita kong nainis siya, pero nakapout siya at the same time. Natawa ako sa naging hitsura niya. Alam niyo, si Pia lang ang nakilala kong tao na habang naiinis, nagpapacute din at the same time. Sarap pisilin ang mukha grabeh! Kaya lagi ko tong pinagtitripan eh.

Love and Friendship (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon