Chappy 30

47 4 0
                                    

Nathan’s P.O.V

Si Pia. Si Pia nasa loob. Kailangan ko siyang ilabas doon. Binunggo ko ng binunggo yung pintuan ng ladies’ comfort room. Wala akong pake kung CR yan ng mga babae, all I wanted to do is to get her out of there.

“Pia!” I yelled then I began throwing my body against the door. Ugh Fck! ang sakit.

I swear I heard Gizhelle’s voice in there. I’m so sure! “Kuso! [shit]” Kung si Pia lang ang nandoon sigurado akong bubuksan niya ang pinto. Pero hindi eh, wala akong narinig na response galing sa kanya.

Takte, it’s making me crazy! I bumped the door over and over again. Sorry sa mura, pero... shit shit shit! Nakakainis! Ayoko ng ganito.

Finally, I was able to break the lock of the fcking door. Nagulat ako dahil nakita ko si Pia na nakaupo sa tabi ng paanan ng sink. Unconcious... Walang malay...  That made me feel worse. Gusto ko siyang yakapin pagkakita ko pa lamang sa kanya pero naagaw ng pansin ko si Gizhelle at ang dalawang babaeng kasama niya.

Hindi nga ako nagkamali. Yung narinig ko kanina habang napadaan ako sa Comfort Room. It was Ghizelle’s voice.

Nakita kong nakahawak si Gizhelle sa braso ni Pia at mukhang gusto niya itong itayo. WTF. I wont let her! “Get your hands off her!” sigaw ko habang mabilis na lumuluhod sa tabi ni Pia at marahas na inalis ko yung kamay ni Gizhelle. I don’t want Gizhelle to ever lay a finger on her.

Tinulak ko siya, sanhi ng pagkakaatras niya at pagkamuntikan niyang matumba. Pero nasalo siya ng dalawa niyang kaibigan na mukhang nag-aalala. Tinignan ko siya ng matalim at pinipigilan kong magdilim ang paningin ko.

Umiwas lang siya ng tingin. Guilty.. Then I saw her gulped. That just confirmed my suspicions. Tatayo na sana ako para komprontahin siya pero naalala ko ulit bigla si Pia. Kaya napaluhod ulit ako bago pa man ako makatayo. I gave my full attention on the girl in front of me at binuhat ko siya.

TSSS!!! Ganito pala yung pakiramdam ni Paul noong nahimatay si Pia. Nakakakaba... Nakakataranta. And I can’t  believe I’m experiencing this all over again. Nararamdaman ko ulit yung naramdaman ko noong nahimatay si Pia sa bahay nina Paul. It was horrible... Agad ko siyang binuhat papunta sa labas at iniwan yung tatlong natira sa CR.

Damn... Clinic. I need to take her to the clinic. Wala na akong pakielam sa mga taong nakatingin sa amin. All that’s registered in my mind is that I need to go to the Clinic.

I tried walking as fast as I could habang binubuhat siya. Maraming taong nakatingin sa akin, pero ni isa sa kanila walang nagtangkang magtanong kung ano ang nangyari. Ramdam na ramdam nila na walang-wala ako sa mood para magsalita dahil sa pagmamadali. Lahat ng nadadaanan kong tao ay nagsisitabihan at napapatitig kay Pia, they all looked so concerned para sa kanilang Vice.

Ng makarating naman ako sa Clinic agad akong inasikaso ng mga Nurse. Teka bakit ako yung inaasikaso? Langya... "Hindi po ako yung pasyente." nung sinabi ko yun, saka niya lang inasikaso si Pia. Tsk. =-= Nakahinga lang ako ng maluwag nung naihiga na siya sa kama.

Love and Friendship (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon