Chappy 32

36 4 0
                                    

Peter’s P.O.V

Matutuwa sana ako sa mga nangyayari ngayon kung hindi ko lang nakita ang pagngisi ni Gizhelle noong lumalapit na si Pia sa harap niya. I knew it! Sabi na nga ba eh... kaya pala bigla-bigla na lang siyang nagsorry. Tinignan ko yung dalawa kong kasama. Mukhang ako lang ata ang nakakita nun.

Pero kahit ako lang ang nakakaalam na niloloko lang kami ni Gizhelle, halata sa mga mukha nina Paul at Nathaniel na hindi nila pinagkakatiwalaan si Gizhelle. Abah, lalong-lalo na ako no! Hinding-hindi ko talaga pagkakatiwalaan ang isang Gizhelle Maye Acordes, kahit kaya pa niyang bilhin ang scholarship ko!

Tinitigan ko yung dalawang babae. Pilit pinapatahan ni Pia si Gizhelle. Tss... ang galing talaga niya  magpanggap. Is it just me o approve rin ba kayo na yung best actress award ay dapat ibigay kay Gizhelle? Palakpakan kaya natin mga tol? Para hindi siya lugi. =-=

Tinitigan kong mabuti si Pia. Hindi ko siya mabasa. Ano ba ang iniisip niya? Seryoso bang nagpapaloko tong kaibigan ko sa isang tulad niya? Doesn’t she even notice that she’s falling into a trap? Ahhh ano ba yan! Nakakafrustrate pala pag hindi ko mabasa si Pia. Usually, I can read what she’s thinking, pero ngayon, ang nakikita ko lang sa kanya ay isang ngiti. Ays! Nakakainis.

Hindi naman siya uto-uto. Kilala ko siya at alam kong kahit kaunti may napapansin siyang hindi tugma kay Gizhelle at sa mga actions niya. Pero... bakit parang hindi ganun ang mga pinapakita niya? Nakikipag-gaguhan ba siya diyan sa babaeng yan? Tsk! Pia, what the hell is going on in your mind right now?

Nathaniel’s P.O.V

Taimtim kong pinagmamasdan ang dalawang babae. Even though this girl is saying sorry to Pia, I still don’t trust her. Who in the right mind would? Nakita niyo naman kung paano gumanti si Gizhelle. Seriously? Why the sudden change of heart? This is just bullsht. Does she expect me to believe all those crap? Huh, she’s obviously shtting us.

And another thing. I really hate her. =-= Sinira niya ang surprise ko ngayon! Tinignan ko yung mga gamit na dapat ginamit na kanina para sa surprise at hindi napigilang mainis na may halong panghihinayang. Bumalik ulit ang paningin ko sa dalawa. Hindi pa ba siya nagsasawang umiyak? Ano ba talaga ang plano ni Gizhelle? Kung niloloko niya lang kami, handa din akong makipaggaguhan sa kanya.

“Shhhh... tahan na.” Sabi ni Pia kay Gizhelle na pilit pinapatahan. Pia, masyado kang mabait. Huwag kang nagpapaloko sa kanya.

“S-sorry... nee-san. Hik. Ang saya... ko lang k-kase... ngayon.”

“Shhh... sige na. Stop crying na. I hate it when people are crying.” Tapos pinunasan niya pa ang luha ni Gizhelle with her hands at ngumiti sa kanya. Napangiti ako sa sinabi niya at napailing. Napakaselfless talaga. Siya na nga tong dinala sa clinic, tapos iba pa ang inaalala niya. Ang mas malupit, yung babaeng pinapatahan niya pa yung may gawa nito sa kanya pero hindi pa siya nagalit. She’s one of a kind.

“O-opo.”

Napasimangot ako ng marinig ko ang boses ng babaeng yun. Oonga pala, nandiyan pa pala si Gizhelle. I don’t know if she’s faking it or not. But I still don’t trust her kahit na wala pa akong nakikitang hindi maganda. From what I’ve heard, she’s the queen bee in this school at she’s a complete btch to people. Narinig ko lang to sa ibang mga students. Si Pia lang at ang mga nasa puder niya daw ang tanging hindi makuha-kuha ni Gizhelle.

Love and Friendship (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon