Chappy 12

61 4 0
                                    

Nathan's P.O.V

"Mahal na ata kita, Nathaniel..."

Nagulat ako sa sinabi niya. Sinubukan ko siyang tignan pero hindi ko siya makita. Madilim pa rin kasi. Ang tanging alam ko lang ngayon ay nararamdaman kong katabi ko ngayon ang babaeng mahal ko.... at alam ko na ring may nararamdaman din siya sa akin.

Bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung naririnig din ito ni Pia dahil nakasandal siya sa dibdib ko, pero wala akong pake. Gusto kong malaman niyang mahal na mahal ko din siya. At itong puso ko ang tanging patunay ko. Labis-labis ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon.

Niyakap ko siya. Ayaw kong magsalita... gusto ko ganto lang kaming dalawa. Tahimik at nakikiramdam lang sa isa't-isa. I don't want to ruin the moment.

"N-nathan?" nagsalita si Pia.

"Ssshhhh... just let me hug you. Ok? let's stay like this for a moment."

"O-ok...."

Nanahimik lang kaming dalawa. Hindi ko aakalaing may ganitong mangyayari sa buhay ko. Dumating na din sa wakas yung pagkakataong sasabihin niya ding mahal niya na ako. It's been 3 weeks na din nung nagsimula yung mga simpleng panliligaw ko sa kanya. Yung paggigising sa kanya sa umaga, pagtitimpla ng orange juice, pagbibigay ng flowers, sinasabayan siya sa pag-uwi since nakatira lang kami sa iisang bahay, tinutulungan siya sa mga bagay-bagay na di niya kaya at inaalagaan siya.

Dati, all she ever did is blush at sungitan ako ng todo pag ginagawa ko yung mga bagay na yun sa kanya. Now... iba ang nakuha kong reply. She's finally loving me back.

"Nathan? are you crying?" hindi ko napansing naluluha na pala ako. Tears of joy I suppose. Ipinatong ko yung mukha ko sa leeg niya. Sigurado akong nararamdaman niya yung mata ko dahil basa. "N-nathan? wala namang ganyanan ohh..." sinubukan niyang kapain yung ulo ko. Nahawakan niya yung buhok ko. "Bakit ka umiiyak?" tapos pinat niya yung ulo ko na para bang pinapatahan niya ako tulad ng isang bata.

"Pia... mahal na mahal kita." yan lang ang nagawa kong ilabas sa bibig ko. 

Naramdaman kong isinuklay niya yung kamay niya sa buhok ko. "Alam ko.... lagi mo na lang yang sinasabi." tapos yung isang kamay niya hinawakan ang kamay kong nakayakap sa kanya. "Nathaniel... wala talaga akong makita, naiinis na ako sa dilim na to." natawa na lang ako sa sinabi niya. Grabeh, nasira tuloy yung moment ko.

Inangat ko na ang mukha ko at pinunasan ang luha. "Teka lang kukunin ko lang yung cellphone ko." tinanggal ko na ang pagkakayakap ko sa kanya at naglipat ng posisyon para makapa ko yung cell ko sa bulsa ko. 

"O-oy... wag mo kong iiwanan hah." narinig kong sabi niya. Hinawakan niya bigla yung kamay ko. Hindi niya na kasi ako maramdaman sa tabi niya. Lumipat na nga kasi ako ngposisyon. Parang takot siyang maiwanan nung sabihin niya yun sa akin.

"Ba't naman kita iiwanan? Leaving you is unforgivable." sinabi ko na lang 'yon sa kanya. Naramdaman kong natigilan siya sa sinabi ko. Napabuntong-hininga siya at inalis ang nakakapit niyang kamay sa kamay ko. Medyo nag-alala ako. "Bakit Pia? may mali ba akong sinabi?"

Love and Friendship (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon