Chappy 1

198 6 3
                                    

Sophia's P.O.V


"Tss... iniwan nanaman ako nung baka na 'yon. Saan nanaman  kaya 'yon nagpunta?" nilibot ko ang aking tingin sa paligid.  Hindi ko siya makita. Napailing ako, I am so disappointed. I swear If I saw him, babatukan ko siya sa ulo para matauhan manlang.

Kakalabas ko lang ng Ladies' Restroom dahil may naiwan akong gamit doon at sinabihan ko ang aking bestfriend na hintayin lang ako sa labas. Pero ano ngayon? nasaan na yung lalaking 'yon? iniwan ko lang siya ng 30 seconds nawala bigla. Tsk, baka! [idiot]. Alam na short-tempered akong tao pagdating sa kanya tapos iniwan ako? Nakakagigil!

Nagsimula na akong maglakad. Nakakainis! Nakakainis lang talaga. Hindi na ata yun natutong maghintay. Sheesh! He's so unbelievable. I clearly told him to 'stay put', I even repeated it three times! For pete's sake!, people, please restrain me from strangling him when I see that idiot guy again. =_=

Ipinasok ko ang wallet ko sa bulsa ko (iyon mismo ang aking naiwan sa CR), thanks kay Lord dahil walang kumuha, nandito pa naman lahat ng pera ko sa aking wallet. Kung tuluyan lang iyon nawala siguro wala na akong pamasahe pauwi ngayon. (Take note: malayo ang bahay ko) That's what I get for being careless. Tsk tsk.

Tuloy-tuloy lang ako sa paglakad sa halls. May ilan-ilang estudyanteng bumabati sa akin ng 'Goodmorning' o kaya nagha-'hi' pagnadadaanan ko sila. Ang tanging response ko na lang sa kanila ay isang tango. Just a nod.

Hindi na ako ngumiti dahil medyo naiinis pa ako. Di-diretso na ako sa aming classroom, baka sakaling makita ko doon si Paul. Humanda talaga 'yung lalaking 'yon sa akin pag nakita ko iyon!

"BOOO!"

"Ay palakang halimaw!" ani ko.  ^%#%@$$#%@!

Nakakagulat! napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Tinignan ko yung taong gumawa nito sa akin. Bigla akong nainis dahil kanina ko pa siya hinahanap tapos ngayon ginulat niya pa ako!

"PAUL!" I yelled at him tapos pinaghahampas ko pa sa braso.

Tawa lang siya ng tawa habang sinasangga niya yung mga palo ko. Nakakainis na hah! Darn it! At saan naman nanggaling ang baka na to!? Nawala siya bigla kanina ng walang sabi-sabi! Kung saan saan lumalakwatsa!

"Saan ka nanggaling hah!?" sigaw ko sa kanya ng tumigil na ako sa panghahampas. He just tried to stifle his laughter at hindi siya sumagot dahil nga nagpipigil pa siya ng tawa. Hinampas ko ulit siya and this time hinila ko yung tenga niya.

"Aray aray aray aray aray. Oona Pia! Titigil na ako sa pagtawa! -Aray! Just stop pulling my ear! Ow! Please?" pagmamakaawa niya sa akin. At dahil isa akong masunuring bata, I did what he told me to do. Binitiwan ko na yung tenga niya at nakita kong pulang-pula ito. Hmmp! Serves him right!

Biglang may lumapit sa amin.

"Hahahahaha! Oh my ghad that was priceless!" sambit niya sa amin habang natatawa. I looked at the guy na may familiar na boses. Si Peter. Yung isa kong bestfriend. I eyed him at nakita kong may hawak siyang video cam. "Ahahaha! And I got it all in tape! Peace yow." dagdag niya.

Ano nanamang kalokohan ang pinlano ng dalawang ito? I know them too well. We three have been bestfriends for quite some time now at alam kong magkakuntsaba lagi ang dalawang ito sa kalokohan.

Peter just kept on laughing at dahil doon nainis ako. Kumunot ang noo ko at hinila ko na rin ang tenga ni Peter. "Aray aray aray. Pia. Sorry na, sorry sorry, di na po mauulit!" pagmamakaawa ng loko.

Kahit hindi ako nakatingin kay Paul alam kong nagpipigil ulit siya ng tawa. Probably because hindi ko binitiwan yung ear ni Peter nung nagmamakaawa siya. Tumingin ako ng masama kay Paul at nakita kong napatakip siya ng bibig niya para mapigilan niya ang sarili niya sa pagtawa.

Love and Friendship (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon