Chappy 22

52 4 2
                                    

Aina's P.O.V

Grabeh... ang saya-saya kagabi. Nagkaayos na kami nina Pia at Niel tapos nagpillow fight kaming lahat sa guest room. Para kaming mga bata... pero natapos din yun at sumabay na kami magdinner. Nagugutom daw kasi si Pia. xD  Ang daming nangyari sa loob ng isang araw.

Napabuntong-hininga ako habang inaalala ang nangyari kagabi. Masaya pala kasama ang mga kaibigan ni Paul, noh? Makukulit, loko-loko pero masayang kasama... Isa pang napansin ko kay Paul, nag-iiba ang ugali niya pagkasama sila. Nalaman kong si Paul pala yung pinakaloko-loko sa magkakaibigan. =-= One of the things na never kong inaasahang mangyari. NEVER.

Sanay na kasi akong lagi siyang masungit at laging nakasimangot ang mukha niya. Nakakagulat kaya nung nakita ko siyang nakangiti at hindi nakangisi. Alam niyo, tama nga si Pia, mas bagay nga kay Paul ang nakangiti...

Ey! =-= don't get any wrong ideas, hindi ako magkakagusto sa mokong na yun.

Nanatili lang ako sa higaan. 6:15 palang ng umaga at tinatamad pa akong bumangon. Hay... nakakaantok. Parang ang sarap ulit matulog... Hindi na lang kaya ako bumangon? nakakatamad kasi eh... Napabaligwas ako sa kama ng makarinig ako ng katok sa pinto. 

Tok, tok, tok

Huh? sino kaya yun? ang aga aga may nakatok ng ganitong oras? 

Pero di ko inasahang biglang bumukas yung pinto. Hah?! hindi ko pa nga pinapapasok yung tao tas bigla na lang niyang bubuksan yung pinto ng walang pahintulot?!  Napalingon ako sa door. O.O  Nakita ko si...

NICOLE?!  OAO

"Herraw!!" sambit niya tapos bigla siyang tumalon sa higaan ko. Ano ba to! bakit siya nandito? atsaka, ang aga-aga pa! Tapos bigla na lang siyang tatalon sa higaan ko?! teka? sino ba ang nagpapasok sa babaeng ito sa loob ng bahay? "Pinapasok ako ng prince charming mo. Hehe." =_=  tsk... That guy.

Hindi na ako umangal pa. Tinanong ko na lang siya kung bakit siya nandito sa bahay. "Anong ginagawa mo dito?" 

"Sus, wala manlang hello?" -Nicole.

=_= humihingi pa talaga siya ng hello sa akin? ano ba to... "Oh hello." sabi ko. "Now answer my question." 

"Wow hah." piningot niya ang pisngi ko. Aray! ansakit nun. T^T "Sungit din nito. Alam mo bagay na bagay talaga kayo ng prince charming mo." pang-aasar niya sa akin. Eeeehhh?! kailangan paulit-ulit? unlimited?

Hinimas ko yung pisngi ko. "Nicole naman. Nakakaasar ka na hah." sabi ko sa kanya.

"Oh? affected ka?" bigla siyang ngumisi sa akin. Ako? affected? hindi noh! >:(  Sadya lang na ayaw na ayaw kong inaasar ako sa mokong na yun. D:<

"I'm not affected. Sadya lang ayaw ko sa lalaking yun." pagtatanggol ko.

Love and Friendship (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon