Chappy 35

42 4 0
                                    

Sophia’s P.O.V

“Nathaniel??”

Bigla siyang umurong kaya bigla akong kinabahan. Hala, baka nagising ko... teka, hindi pa ako handang harapin siya!! Medyo nagpanic ako sa puntong yun, pero agad ding tumila nung nag-groan lang siya at natulog ulit.

“Phewwww...” ani ko.  Buti na lang di nagising. Pero... kailangan ko siyang gisingin! Kailangan ko talaga siyang gisingin. He owes me an explanation. Ughhhh!! Bakit ba ako nandito? Sino nagpalit ng damit ko? Bakit di niya ako ginising!? Gusto ko malaman! Ayss, andami kong tanong.

Minasahe ko yung temples ko. Tsss... Nakakafrustrate.

Tinignan ko si Nath. Mahimbing lang siyang natutulog. Teka... hindi kaya siya yung nagpalit ng damit ko? Kung yun talaga yung nangyari... edi nakita niya yung--  EHHHHHHHHH?!!?!? Hindi!! Hindi Pia, hindi!! Ano ba ang iniisip mo?! Erase erase erase!! >///< Impossible!!

Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng cheeks ko. P-pero... paano kung totoo?  P-paano kung... kung... k-kung... Napahawak na lang ako sa dalawa kong pisngi at tinapik tapik ito. Hoping that I would snap out of it. Umiling-iling ako at napahawak na lang sa aking noo. My ghad, I’m going crazy kakaisip ng kung ano ba ang nangyari. Tapos naggiging green pa ang utak ko. Ays!! I should calm myself down. That’s what I usually do in this kinds of situations pero parang natatabunan ito dahil hindi ako mapakali.

Once I finally calmed down, iisa lang ang naiisip kong gawin. At yun ay gisingin yung jerk na natutulog sa tabi ko. Hays! Nag-ingat akong wag siyang gisingin pero gigisingin din naman sa bandang huli.

Nathaniel’s P.O.V

Ang sarap sarap ng tulog ko ng may maramdaman akong yumugyog sa akin. I groaned because of that. “5 more minutes mom.” I manage to say na may antok na boses. Garagal pa yung voice ko, I’m not yet ready to wake up. Hinigpitan ko yung pagkakakapit ko sa blanket ko dahil nararamdaman kong may humihila doon.

“Mmmm... mom later.” Pilit ko pang tinatago ang muka ko sa ilalim ng blanket.

I felt someone shaking me again. Hay!! Wala na akong nagawa kundi ang gumising na lang. “Ok ok, mom. Gigising na ako.” I told her feeling annoyed. Ang sarap sarap ng tulog ko eh!! I sat down on my bed half awake. Then I yawned and stretched my arms wide. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko para magising na ako. I blinked once, twice then trice.

Nilingon ko yung katabi ko at nagulat ako ng makita si Pia na nakatitig sa akin at nakacross arms pa. O_O’  Lahat ng antok sa katawan ko, biglang nawala. Oonga pala, dito nga pala siya natulog. How could I forget about this!?

“Mom huh.” Tinaasan niya ako ng kilay.

Bigla akong nakaramdam ng hiya. Tinawag ko siyang Mom? Ughhh!! This is so embarassing. Eh kasi naman eh, hindi siya nagsasalita. She’s just shaking me. How could I know na siya pala yung yumuyugyog sa akin? She’s not calling out my name. Ang weird niya manggising ng tao. Pero... nakakatuwa umagang-umaga siya yung unang-una kong makikita pagkagising ko.

Love and Friendship (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon