Chappy 40

36 4 0
                                    

Sophia’s P.O.V

“Ayan! Ang ganda ganda naman ng baby ko!” sinabi sa akin ni Mommy habang tinatapos ang pagku-curls sa buhok ko gamit ang curlers. Tinitigan ko ang mukha ko sa malaking salamin ni Mommy. Nagulat ako kasi parang hindi ako ang nakikita ko. “See baby, mana ka sa mommy. You look gorgeous!”

Tumayo ako at umikot para makita ang sarili ko sa whole body na salamin. Wow... is this really me? I’m currently wearing my blue dress matched with black belt. Along with my black purse and heels. Si Mom ang nagvolunteer na mag ayos sa akin ngayon. Hindi nga ako makaangal eh. Kung ano ang gusto niyang isuot sa akin, susuotin ko talaga. Hays! Ewan ko kung paano niya nalaman yung tungkol sa date namin ngayon ni Jerk, masyadong updated. Nakakatakot. ._.

Tinignan ko yung card na nakapatong sa table kasama ng mga make up. I don’t know kung ano ang plano ni Nath ngayon para sa date namin, pero sa mukha pa lang ng vip pass card na ito, mukhang sa isang fancy Hotel na may Restaurant kami magdidinner. Hindi ko to inexpect. I mean... highschool pa lang kami eh. I expected walks on the park, or having icecream or maybe having dinner in a restaurant near here. Like what Peter and Bretzie do. Siyempre alam ko yun noh! Nagpapakwento kaya ako kay Bret. XD Pag Fan ka, fan ka for life! And fan ako ng Bretter tandem!

Anyways, bata hindi ko talaga inakala na pupunta kami sa isang fancy place. Ang kwento sa akin ni tita (nanay ni Nath) na kilala ni Jerk yung may-ari nun. Well, my boyfriend definitely has connections. Nagulat nga ako nung kinuwento sa akin ni Paul at Peter yung nalaman nila. Siguro, hindi ko talaga lubos pang kilala si Nathan. Hopefully, after this night. Makilala ko ng lubos pa si Nathan.

Napatingin naman ako sa orasan na nakapaskil sa wall. Malapit na mag 5 pm. The designated time kung kailan kami aalis para sa date. Napahawak ako sa dibdib ko at pinakiramdam ang tibok ng puso ko. I just realize something...

“Mom.”

“Yes baby?”

“Kinakabahan ako.” Natawa naman siya sa sinabi ko. “Wow Mom. Yes, ang supportive mo talaga. I feel better.” Medyo sarcastic kong sinabi sa kanya. Eh ba naman kasi, First date ko to. FIRST DATE. T^T and my mom just laughed at me. How could I feel better? And natural naman siguro na kabahan ako diba diba?  ;~;  Sumagot kayo please! 

Ngumiti sa akin si Mommy. “You know baby. Ganyan din ako nung una.” She said to me. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Kinabahan din siya sa first date niya? Naging attentive naman ako kasi siyempre lovelife to ni Mommy, I want to know. Nakinig lang ako sa kanyang sinasabi. “Lagi akong nakatingin doon sa orasan habang hinihintay ang daddy mo.” Nakangiti niyang kwento na tila ba nagbabalik-tanaw siya. Umiling siya sa sarili niya. “Para nga akong ewan eh.”

“Eh!? Si daddy yung first date mo?”

“Yes. He’s also my first boyfriend you know.” Taas baba ng kilay niya itong sinabi. I stared at her amazed... I guess ganoon kalakas ang pagmamahal nila sa isa’t isa. I’m sure marami ang naghahangad ng ganitong relasyon. Lahat naman eh.  “Pero, marami pa kaming pinagdaanan bago namin narealize na nahanap na pala namin ang ‘The One’ ng isa’t isa.” She smiled sadly at me na parang may mga naalala siyang hindi maganda.

Love and Friendship (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon