Chappy 54

26 3 2
                                    

~Day of the Intramurals~

 

 

Sophia's P.O.V

"Piaaaa!" I looked at the girl who called me. At medyo nagbuffer ang utak ko ng makita kong si Aina pala yung tumawag sa akin. O.o  Oonga pala, nagawan ko na ng paraan para makapasok siya dito. I guess naninibago lang ako ngayon dahil hindi siya dito nag-aaral. Phew... so parang student siya dito sa school namin for the whole intramural week.

Kinawayan ko siya at saka ko lang napansing mabuti yung suot niya. Nakasuot siya ng P.E uniform namin. Wow!! Kailan pa siya nakabili ng uniform namin?  *o*   Mukha tuloy siyang normal student dito. Pero ayos to, dahil walang makakahalata na outsider siya. For the whole week kasi, naka P.E kaming lahat, o kaya naka Jersey. XD Ang talino talaga ni Aina!

"Oh ano, bagay ba sa akin te?" Sabi niya sa akin ng makalapit siya. She even spun around so I can see her in every angle. Nice, she looks good on it. Dapat pala dito na siya sa school namin mag enroll next year! Home-schooling is probably boring her to no end. Ang lonely kaya ng home-schooling.

"Yup, looks great on you." I said to her.  Tinignan ko naman yung kamay niya. "Asan yung banner? Sabi mo sa akin magdadala ka ng banner."  Nagpout ako habang umaaktong nagtatampo. Totoo yun, nagpromise siya na magdadala din daw siya ng banner para sa amin. Tig-iisa daw kami ni Paul, Peter at Nathan. She'll act as our number one supporter.

"Hahaha! Oo naman, hindi ko yun makakalimutan. Dala-dala nga yun ni Paul eh." Hahaha! Ano daw? Si Paul? Hahahaha! Langya, naging personal alalay na si Paul. Hahahaha!  "Well, speaking of the devil. Nandiyan na siya."

"Hoy Freak! Bakit mo ko iniwang dala-dala ang lahat ng gamit mo?!" Sigaw ni Paul sa amin na mukhang galing lang sa takbo. Sa puntong to, pinigil-pigilan kong matawa sa hitsura niya ngayon. Para siyang galit na ewan eh. He's probably pissed.

"Akala ko ba gentleman ka?" Sabi ni Aina sa kanya.

"Me? I've never been one!" bulalas ni Paul sa kanya na tila naiinis. Hindi ko mapigilang mapailing sa naturing ng dalawa sa isa't-isa. Hindi halata na mag boyfriend and girlfriend itong dalawa. Aso't pusa ang peg nila eh. O kaya pusa't daga, pwede rin. Mala- Tom and Jerry. Mukhang mapapatunayan nila na may Forever talaga sa mundong ito. Forever at war. XD

Hinagis ni Paul yung knapsack kay Aina at buti na lang nasalo niya yun. Grabeh talaga tong dalawa. Parang hina-harass nila yung bawat isa. Hindi na ako magtataka kung bakit nagbatuhan sila ng pagkain dati sa kusina nina Paul. Pero infairness, mukhang masaya. Kahit nag-aaway sila, ang cute pa rin nila tignan.  ;^;  Nakakainggit!!

"Oh? Baka, nandito ka pala. Ohio! [Goodmorning!]" Sabi niya sa akin habang kumakaway ng mapansing niyang nandito ako. Abah... hindi niya pala ako napansin? Ayus yun ah! Bume-blending na pala ako sa background!

Minasahe ko yung leeg ko. "Ohio din, Paul." Hays, nadedelay ako sa pagpunta sa classroom. Hinawakan ko ng mahigpit ang lace ng knapsack ko. "Tara na sa room?" Pagyaya ko sa kanila. Kahit hindi namin ka-year level si Aina, siguro naman papayagan siyang tumambay sa classroom namin. Tutal, wala namang classes ngayon. Pure sports lang.

Love and Friendship (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon