Chappy 9

61 4 0
                                    

Sophia's P.O.V

Pia, gusto kita....

..... at alam kong ikaw din yung babaeng mamahalin ko.

Paulit-ulit na lang yun nagre-replay sa utak ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Kung matutuwa ba ako dahil may nanligaw na sakin? o malulungkot dahil sa tingin ko hindi ko siya masasagot dahil hindi pa rin ako sigurado sa kanya.

Well sa totoo lang. Hindi naman mahirap mahalin si Nathan. Makulit lang talaga siya at sadyang gusto ako nun asarin. To tell you the truth.... ilang push na lang, baka ma fall na ako sa lalaking yun.

Bloody hell! hindi ko na talaga alam ang gagawin ko... T^T

Nathan's P.O.V

Alam kong ang kapal ng mukha ko para bigla na lang ligawan si Pia... Pero anong magagawa ko?! Nakamove-on na ako dahil sa kanya. And I just found out na.... na.... nahuhulog na pala ako sa kanya. Tae, ang bakla ng sinasabi ko.

Ewan ko ba! para akong ginayuma! Yung masungit, bi-polar, maingay, at batang si Pia? akalain mo yun... pero.... kahit ganon siya... mabait, maganda, matalino, talented... at higit sa lahat, nakuha niya yung puso ko. Ughh... ako ba talaga to?

Ano ba yan! ang korni ko na. Ganto pala ang epekto ng pag-ibig. Nagiging korni ang isang tao. heh..  this feels so unreal. Ano bang meron sayo Pia? Para akong naadik. Hindi kompleto yung araw ko pag di ko siya naaasar, pag di ko nakikita yung naiinis na mukha niya pero nakapout.

Natawa na lang ako sa naisip ko. Grabeh, mukhang malakas na ang tama ko. At kung tinatanong niyo kung seryoso ako sa panliligaw? Oh.. I'm dead serious... kahit magpakakorni pa ako, magpapick-up pick-up line sa kanya, magdala ng flowers araw-araw, o kahit pag timplahan ko pa siya ng juice! o kahit maghintay pa ako ng matagal. Gagawin ko yun, para sa kanya.

Aja! Fighting!  (pursigidong manliligaw ang theme ko ngayon >:D)

Eto na, kaya ko to...

tok, tok, tok.... 

Kumatok ako ng tatlong beses sa harap ng pinto niya. "Pia?" sinubukan ko din siyang tawagin. Bigla na lang akong nakarinig ng kalabog sa loob ng kwarto niya.

"Ouch!" narinig ko si Pia. Napangiti ako.  "A-ahh... T-teka lang!!" sigaw niya sa kabilang side ng pinto. xD ang cute mataranta ni Pia. 

Ipinatong ko yung tray sa sahig. Yeah, dinalhan ko siya ng dinner. "Pia, dinalhan kita ng dinner." hinawakan ko yung doorknob. "Pia, bubuksan ko lang yung pinto." ng sabihin ko yon, biglang sumigaw siya.

"WAAG! Wag! wag mong bubuksan ang pinto!" bulalas niya sa akin. Hah? bakit? Ano kayang ginagawa nung babaeng yon sa loob?

"Bakit Pia?" takang tanong ko sa kanya. 

"Basta! diyan mo na lang ilagay yung pagkain. Wag na wag kang papasok kundi malilintikan ka sakin!" pagbabanta niya. Teka ano bang nangyayari sa loob?  Nevermind... *sighs* maybe it's girl problems.

"O sige na. Dito ko lang ilalagay yung pagkain sa tapat ng pinto." Nag-aalala tuloy ako. "May kailangan ka bang ipagawa sa akin?" pakiramdam ko kasi parang.... you know. Get's niyo ba? Masyado kayong slow kung di niyo gets.  "Pia... Ok ka lang ba?"

Idiniin ko ang tenga ko sa pinto. Narinig ko na lang na bumuntong-hininga siya. "Nathan.. pwedeng pa favor?" sabi na nga ba eh.  Tama ang hinala ko... Meron siya ngayon.

-sa isang convinient store-

Sh*t! asan na ba yung brand na hinahanap ko?! Nagmamadali akong naglakad sa loob ng convinient store na ito. Nagmumukha akong tanga dito dahil nasa girl's section ako ng tindahan. Pero wala akong pake. D:< ang mahalaga mahanap ko na yung brand ng napkin na hinahanap ko. 

Nag-aalala na talaga ako. Sabi sa akin ni Pia, masakit daw ang puson niya. Grabeh... sana naman di gaanong kasakit. Nakakita na kasi ako ng nahimatay dahil lang sumasakit yung puson. Gash! Girls are really so complicated. Literally!

Ng mahanap ko na yung brand. Kumuha ako ng isang pack at dumiretso na sa counter. Pagkatapos nun, dali-dali akong umuwi ng bahay. Pagkarating ko naman, tumakbo ako pataas ng hagdanan hanggang sa makarating ako sa kwarto niya. Syet! hingal na hingal ako, grabeh!

"Pia! ok ka lang ba? Ito na yung pinapabili mo sa'kin." kumatok ulit ako sa pinto niya habang natataranta. Sa himala naman binuksan niya yung pinto. Sumilip siya dito. Oh thank ghad ok pa siya. Nginitian niya ako at kinuha yung pinamili ko.

"Salamat Nathan ahh. Nakakahiya naman sa'yo." nakita kong namumula siya. Hindi niya siguro aakalaing matutulungan siya ng isang lalaki sa mga bagay-bagay na ganito. Ni ako din hindi ako makapaniwala eh...

"Ok lang 'yon sa akin. Buti na lang piniling mong magpaka-honest sa akin at sinabi mo sa akin yang kalagayan mo. Baka kung ano na ang nangyari sa'yo pag di mo sinabi."

"Oh sige na. Hayaan mo na ako. I have to do my business." pagkasabi niya non, medyo nailang ako. Babae si Pia, at di ko maiiwasan yon. Naramdaman kong namula ang mukha ko. Natawa siya sa akin na ikinagulat ko naman. "Sige. bye." sabi niya bago niya isara yung pinto.

Grabeh ka Pia. Ano ba ang meron ka kaya nagkakaganito ako??

Malakas na talaga ang tama ko.....

__________________________________________

~AniPhia

A/n: sorry sa short update! Nagdouble update kasi ako eh. I'm doing a favor for a friend. Don't worry mga pards! Bukas mag-uupdate pa din ako. :D tiwala lang.

Comment and Vote!  arigato minna!

Love and Friendship (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon