Chappy 8

68 3 0
                                    

Sophia's P.O.V

 

 

 

"Pia paturo nga dito..." Lumapit lang bigla sa akin si Peter habang hawak-hawak niya yung notebook niya.  

 

"Anong subject yan?" tanong ko sa kanya. Honestly ayaw ko magturo dahil tinatamad ako, pero alangan naman tumanggi ako dahil sa isang dahilang katulad nun diba? Hays... mahirap din pala pag matalino ka. Halos lahat ng tao umaasa sayo at malaki din ang inaasahan nila mula sayo.

 

"Math ito. Statistics lang naman please. Hindi ko alam kung paano kunin yung dito oh." tapos pinakita niya yung notebook niya sa akin at itinuro gamit ang finger niya yung gusto niyang maintindihan. Kasalukuyang cooperative time namin ngayon at ibig sabihin nun walang teacher sa room. Gusto ko ngang magbasa ng novels na binili ko ngayon pero parang madaming nalapit sa akin ngayon. Nakakainis naman tong statistics na to! >:|

 

"Ahhh... simple lang. Diba N is equal to the sumation of F? pagkakuha mo nun just substitute N from the sum of F. Ang N ang pinaka importante dito para makuha yung hinahanap mo." Hindi pa kasi siya nagsisimulang magcompute nagtatanong na agad. Ano ba yan.

 

Pagkatapos kong turuan si Peter sa stats, lumapit naman si Paul sa akin. "Pia, paano nga ulit dito?" tapos ipinakita niya yung notebook niya sa science. =_= so science naman? Tinignan ko yung notebook niya. Napa facepalm na lang ako in frustration.

 

"Hay nako, Paul. Work is equal to Force multiplied by distance! asan kopya mo ng formula? Don't tell me hindi mo yon kinopya?" napakamot siya ng ulo. =_= so hindi niya pala talaga kinopya yun formula. Napailing na lang ako sa kanya. Kinuha ko yung ballpen niya at pati na rin ang notebook niya. Nagdrawing ako ng pyramid at hinati ko ito sa tatlong parts. Isinulat ko yung W sa taas tapos yung F at d sa baba.

 

"Oh ayan. Guide mo na yang pyramid na yan. W= F x d... F= W/d.... and finally d=W/F. Sa susunod keep track of the formula hah." napatango siya sa akin.

 

"Sige Pia, salamat." kinuha niya sa akin ang notebook niya tapos bumalik na siya sa kanyang upuan at tinuloy ang pagcompute. 

 

Ansakit na ng ulo ko, grabeh. Sana naman lahat ng tinuro ko sa kanila ay naintindihan nila. Gusto ko kasing pumasok na sa top yung dalawang yun. Ako lang kasi ang nag-iisang nasa top sa aming tatlo. Sa mga activities tuloy di ko sila nakakasama. :(

 

 

KRIIIIIIING! 

 

 

Bell na rin sa wakas! Hay nako, buti na lang. Sumasakit na ang ulo ko sa loob ng room. Ramdam na ramdam ko kasi ang tension and determination ng mga kaklase ko sa pagsasagot ng mga activities na binigay sa kanila ng mga teachers.

 

Ang mga top hindi binigyan ng activities, pero ang kapalit nun, tuturuan namin ang mga kaklase naming nagpapaturo. Hay nako... sayang lang yung cooperative time. Gusto ko pa man din i-spend yung time na yun sa pagbabasa. :/

 

Itinabi ko na lahat ng gamit ko sa bag ko dahil uwian na. "Tara na Pia, uwi na tayo." yaya sa akin ni Peter. As usual... si Peter lagi ang nauunang matapos. Liningon ko naman si Paul. Nakita kong nag-aayos pa lang siya ng gamit niya. As usual, si Paul naman ang nahuhuli. Napangiti lang ako ng walang dahilan. Nakakatuwa talaga kung paano ko naipagsama ang dalawang ito kahit mag opposite naman sila.

Love and Friendship (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon