Chappy 37

28 5 0
                                    

Peter’s P.O.V

KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNGGG!

Wohoo! Recess na rin sa wakas! Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko at sinigurado kong walang mawawala sa mga ito. Ahh grabeh, I am starving! Subject namin ngayon. History! Sinong hindi matutuyo ang utak diyan? Haysss... ang mas malala, tiyan ang natuyo sa akin.  T^T I swear, naririnig kong kinakausap ako ng tiyan ko.

Tumayo na ako at tinignan ko yung dalawa kong kaibigang slowpoke. “Hoy! Bilis-bilisan niyo naman, maunahan pa kayo sa pila.” Sabi ko kina Pia at Paul, na kasalukuyang nag-aayos na rin ng gamit. Sa kanilang dalawa, malamang sa alamang ang nauna ay si Pia. Hay nako, Paul, kailan ka kaya mauuna?

Lumapit sa akin si Pia at nakipag-apir sa akin. Mukhang masaya siya ngayon ah. And speaking about Pia, alam niyo, wala na akong ka-update update diyan sa kanya. Usually, she always gives us an update to what she’s doing or a hint. Lagi kasi iyang may nasasabi sa amin, lalong-lalo na pag may mga projects. Hindi na siya pala kwento. Tahimik na nga, mas tumahimik pa lalo. Tsk tsk.

“Oh heto na po ako, Madam at Sir. I’m sorry to keep you waiting.” Sabi ni Paul na kakatapos lang mag-ayos ng gamit. Napailing na lang ako habang si Pia naman ay natawa ng bahaw. Agad naman kaming lumabas ng classroom. Ganun talaga, no-time-to-waste ang theme ko every year. Sanay na sanay na akong laging early, ayaw na ayaw ko na mahuhuli kami.

Ng makarating naman kami sa canteen, nilibot ko ang aking mga mata AT SALAMAT DAHIL WALA PANG TAO. Hindi na ako mahihirapang maghanap ng mauupuan. Thank you Lord!! Hindi niyo alam ang mga pinagdaan ko para lang makahanap ng mauupuan noong nahuli kaming lumabas ng classroom. Kinailangan ko talagang gamitin tong kagwapuhan ko para lang mapapayag na umalis ang mga babae. D: Horrible. Dapat si Paul na lang ang gumawa nun.

“I like it how there’s no people in the canteen.” Nakangiting sabi ni Pia before proceeding to the line para bumili. Oh yeah, she doesn’t like crowded areas. She told me and Paul that she feels so uncomfortable when she’s around people even though na kailangan niyang maging sociable. Siya na kasi ang susunod na tatakbo sa student council bilang president next year.

“Tsk tsk, she has to be more out-going.” Sabi ni Paul sa akin habang umiiling bago niya sundan si Pia at pumila. I mentally agreed on what he said. Yep, she definitely has to cope up with different environments that are out of her comfort zone. Nagsimula na akong maghanap ng mauupuan. I went to the usual spot. Yung table sa gitna ng canteen. Fave spot ko to dahil clean and slick yung design ng table and the chair can be rotated kahit na naka-embed sa semento. Dadalawa lang naman ang tables dito sa gitna na ganito.

Umupo na ako dito at hinanda ko na ang baon kong dala. Burger and Juice, I still don’t know what flavor though. Nakita kong nagsisimula nang dumami ang mga tao dito, wuw! Buti na lang nauna kami no? Dumadami na ang tao, as in, dinudumog na ang tindera doon sa may counter. Nagsilabasan na rin ata ang mga grade 7 at 8. Sabay-sabay pa.

Nakita ko si Pia na pilit na sumisiksik para lang makaalis. Tapos na ata siyang bumili. Sa dami ba naman ng taong nakaharang tapos panay lalaki pa ata, wala atang nakapansin na si Pia yung dumadaan. Sa tangkad ba naman ng mga lalaki, hindi talaga nila nakita si Pia. Kawawang Pia, tsk tsk tsk. Naiipit na siya doon. Nasaan na ba si Paul?

Love and Friendship (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon