Chapter 15 (part 1)

3.7K 73 8
                                    

(BRENN’S POV)

(Nakakarami na si Brenn noh? Di ba kayo nagsasawa sakanya?)

“Sabi ko naman sayo wag mo munang ibulgar yang nararamdaman mo!”, sumbat ko kay Lance. Ang kulit talaga ng batang toh!

“Paano pag nalaman ‘to ng Lolo mo!?”, dagdag ko pa.

Alam niyo naman siguro na hindi legal ang relationship nila dati.

Lalo na ngayong madadaldal ang mga students sa Uni High, may possibility na baka mabuko na sila!! Nakuuu!! Pag-ibig nga naman!!

“Tsk. Paki mo ba? Ikaw ba yung mapapagalitan? Ano bang magagawa ko? Eh ayaw papigil ng lecheng puso na toh (points at heart)”, taena! Teary eyed na yata si Lance!

“Oo alam ko. Pero Lance, sana inisip mo yung consequences”

Umiwas lang siya ng tingin. Umupo siya sa bench at sumandal.

“Ikaw ba Brenn inisip mo yung consequences nung naisipan mong magsinungaling at sinabing may girlfriend ka? And to think, nagawa mong paglaruan si Xena para lang may maidahilan ka sa nanay mo”

Nabigla nalang ako sa sinabi niya.

Sa sobrang galit, hinigit ko siya sa kwelyo.

“Lance! Wag mong maidamay-damay ang personal kong buhay at lalong lalo na si Xena!”

  

Sa kabila ng galit ko sakanya, nagawa pa rin niyang tumawa…

“Tanga mo din eh Brenn. Kung kalian wala siya, dun mo siya hinahanap at nag-aastang protective ka sakanya pero pag nandiyan siya kulang nalang ay ipagtabuyan mo”

Aww. Tagos yata sa puso yun?

Bigla akong nakaramdam ng panlalambot.

Binitawan ko ang kwelyo ni Lance at umupo.

IN MY ACADEMY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon