Chapter 35

2.3K 58 0
                                    

(XENA’S POV)

“Xena! Wait up!”

I ran hanggang makalabas ako sa bahay niya. Ang sakit pala makita na ang mahal mo ay may kahalikang iba and worst is yung kinasusuklaman mo pa.

Naabutan niya ‘ko at hinigit ang aking kamay.

“I said wait up!”

Nagpumiglas ako.

“Let go of me!”

“Why are you here!?”, at siya pa ang may ganang sumigaw.

“Alam mo Brenn, ang sakit pala kapag nalaman mo pa sa iba yung problema. Ang sakit din makita na si Lyn na ang lagi mong kasama. Tuwing nakikita ko kayong magkasama naninikip ang dibdib ko. Siguro, dahil ganito ang puso ko, hindi kasi siya nakapagpaalam ng maayos sa taong mahal… na mahal…. Na mahal niya”, I said kahit na humihikbi na ‘ko.

I wiped my tears.

“Siguro, ngayon na ang tamang panahon para makapagpaalam na ‘ko sayo ng maayos. Ako kasi ang nahihirapan sa mga ginagawa mo. Nagpapakatanga ako sayo, ang hindi ko alam ako pala ang hadlang”

“Tristan told us everything. At ngayong alam ko na, mas pinili mong solohin ang problema instead of seeking help from us. Hindi mob a naisip na masasaktan ako? Kami? Y-you left me.. hanging”

“Xena….”

“Siguro kinaaawaan mo na ko ngayon. I hate to say this but…you were also a piece of my plan”

Nakita kong lumabas ng bahay si Lyn at pumunta sa direksiyon namin. She was just wearing short shorts.

“I’m sorry if you have seen us on that position. Paalis ka na ba? Hindi man lang kita naipaghanda ng meryenda”

Napaka plastic ng babaeng ‘to.

I turned to him, “Sorry kung nasira ko yung make-out session niyo. Gusto ko lang sanang pagsabihan ang fiancee mo na bantayan siya ng fiancée niya. Sana wag siyang magkalat nang kung anu-anong balita at utusan ang mga students na batuhin ako ng itlog. Nakakairita na kasi. Kaya please lang Mr. Villanueva bantayan mo yang walang hiya mong fiancée at nang manahimik”

Nanlaki ang mga mata ni Brenn. So hindi niya alam ang pinaggagawa ng fiancée niya.

IN MY ACADEMY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon