Chapter 29

2.7K 65 2
                                    

(XENA’s POV)

“Wow! Invited ang buong 4th year sa debut ni Xena!”, sigaw ni Jamie habang hawak hawak ang invitation na ipinadala ng parents ko.

Opo. Tama kayo ng pagkakabasa. Jusmiyo! Kulang nalang imbitahin nila ang buong student body! Sinabi ko naman kina Mama na huwag masyadong engrande ang party ko. it gives me the shivers kapag papalapit ng papalapit ang birthday ko. Yung, anytime may masamang mangyayari sa mismong party ko.

I poked my own forehead..

“Ano ba Xena. Wag ka ngang paranoid”, kinakausap ko lang naman ang sarili ko

Umiiling iling nalang ako..

Think positive. Think positive.

Nagpunta muna ako ng cafeteria para lumamon. Kung nagtataka kayo kung bakit wala akong kasama? Eh yung tatlo po kasi pinatawag ni principal. Urgent daw.

Habang kumakain ako ng lasagna, hindi sinasadya ay narinig ko ang mga bulung bulungan sa katabing table.

“Girls nandito daw ang President sa school” – girl 1

President!? Muntik na kong mabulunan dun.

That means……

Napatakip naman ng bibig yung katabi niyang girl.

“OMG! Mr. Villanueva!?” – girl 2

Binatukan naman ni girl 3 si girl 2.

“Tange sino pa ba? Alangan naman tatay mo?”

“If he’s here, ano nanaman kaya ang problema? We all know na hindi siya bumibisita sa school kung wala namang problema” – girl 2

Wow. Ganun ba ka-strict ang Dad ni Brenn?

“Yeah. And nabalitaan ko kanina na pinatawag yung VVIP’s”

Napatakip nanaman ng bibig si girl 2.

“You mean Brenn, Lance, Quinn, Cassandra!?”

Nabatukan ulit si girl 2..

“Tange alangan naman ako, ikaw, siya at siya!”

IN MY ACADEMY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon