(XENA’S POV)
(FAST FORWARD)
(PAGEANT DAY)
Maiihi na yata ako sa sobrang kaba. Kanina pa ako lakad ng lakad dito sa dressing room. Buti nalang may sari-sariling rooms ang mga candidates. Mayaman eh.
Gaganapin pala itong pageant namin sa Sweet Alluring Arena, ito ang pinaka prestigious na event center. Dito ginaganap ang iba’t-ibang malalaking occasions sa bansa. At panigurado puno ang buong Arena. Lahat ng kasali sa pageant ay mga maituturing na big schools at nangunguna na nga ang Uni High Academy at Woodley University.
All in all, 14 candidates kami at contestant number 7 kaming pareho ni Brenn. That means kami ang last.
Naka ayos na ako at lahat lahat. Hihintayin ko nalang na bitayin ako. Haha joke lang
Si Brenn kaya kumusta na siya? Magkaharap lang kwarto namen. Bakit ba hindi niya ako binibisita!? Hindi man lang niya ko kakamustahin kung okay ako, kung nadakip na ko, kung--- kung--- aaahhh! Anong gusto niya, ako yung pumunta sakanya!?
Hindi ko namalayan na nasa labas na pala ako. Sabi ko nga ako yung bibisita sakanya hehe..
Nasa harap na ako ng room niya.. back out na. back out na.. sabi ni devil Xena. Nakakaloka!
“Aish ano bang ginagawa ko dito!?”, tumalikod ako at babalik na sana ng room ko kaso…
“Hey! We meet again!”, humarap ako sakanya. Yung nakabungguan ko malapit sa CR. Yung gwapo!
“Hello”, yung lang nasabi ko. Nakalimutan ko pangalan niya.
“Candidate ka din ba?”, obvious?
“Ahm oo. Ikaw?”, napansin ko lang na nakaayos din siya. Kasali din kaya siya?
“Nope. Let’s just say I ought to be here. Well, see you later Xena”, tumalikod na siya. Tss so anong ginagawa niya dito? Wag niyong sabihing siya yung JUDGE!??
Bumukas ang room katapat sa kwarto ko..
NAK NG TOKWA!! SPELL HOT!!
BINABASA MO ANG
IN MY ACADEMY [COMPLETED]
Teen Fiction[COMPLETED] Beauty. Charms. Attitudes. Personalities. Xena was so happy nang malaman niyang may gusto rin sakanya si Brenn, ang Mr. Uni High Seduction ng kanilang school. After all, they started as enemies or might as well say 'Fake Girlfriend/Boy...