Chapter 43

2.5K 58 0
                                    

Second to the Last chapter na ‘to…

------

(Brenn’s POV)

“Mommy si Xena po?”, tanong ko sa Mom ni Xena.

Siyempre Mommy na tawag ko sakanya dahil malapit na din naman kaming ikasal ni Xena.

“I didn’t see her. Nasa washroom siguro”

“Pero Mom galing na ko dun”

Imposible namang na-flush na siya sa toilet. Ninerbiyos tuloy ako sakanya. Sana naman walang nangyaring masama.

30 minutes na ang lumipas pero wala pa rin siya!

Fvck! Hindi ko siya matawagan dahil na sa’kin ang  phone niya. Bwisit! Kanina pa’ko nag-aalala! Nagpunta ako sa kwarto niya, wala din. Nilibot ko ang mga kwarto sa bahay, wala pa rin!

Xena nasaan ka na ba??

“Ano na? Nakita mo siya?”, tanong ko sa humahangos na si Lance. Tinulungan nila akong halughugin ang bahay nila Xena. Bakit kasi ang laki!

“Hindi bro”, pati din si Tristan at Ken wala ding nahanap

“Fvck”, napapamura na tuloy ako. “Sa labas na try niyo na?”

Hindi ko pinahalata kina Mommy at sa mga bisita ang nangyayari. Nagpatulong nalang ako sa mga boys.

“AAAAHHHH!!!!”

“Shit! Boses yun ni Quinn! Hon!”, para tuloy si Tristan si Flash kung makatakbo

Lalo akong kinabahan sa sigaw ni Quinn. Para bang may masamang nangyayari.

“H-Hon! Tristan!”, naririnig pa din namin ang sigaw ni Quinn

Tumakbo kami palabas at nakita naming si Quinn na nanginginig sa takot. Agad siyang niyakap ni Tristan at iyak pa din siya ng iyak. Nahagip naman ng mga mata ko ang nakahandusay na babae sa daan.

Nanlumo ako sa nakita ko at naiyak. Tumakbo ako palapit sakanya. Wala na siyang malay.

“Babe! Xena!”, kinarga ko siya

Teka, bakit basa?

IN MY ACADEMY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon