4

25 4 1
                                    

Chapter Four

NAGISING  na ang lahat sa bahay na tinutuluyan ni Ken pero magtatangahali na at hindi pa rin siya bumabangon. Sobrang napasarap ang tulog niya. Grabe ang paghihilik nito at nakita ni Ingrid ang mahimbing na binata at palihim na natawa sa mukha nito. Magandang lalaki si Ken, halatang mayaman ito dahil ang mukha nito ay wala man lang ni isang pores na makikita dahil sa sobrang kinis. Para bang modelo ito ng isang sabon na pampakinis at pampaputi. Mahaba ang pilik mata nito at ang labi nito ay kulay presa at kita rin ang pantay at mapuputi nitong ngipin nakanganga kasi itong natutulog. Itim at malago ang kaniyang buhok na may gupit na parang nakikita lang ni Ingrid sa telebisyon.

Natigil ang tulalang dalaga sa pagtitig sa binatang nakanganga na natutulog ng may narinig siyang may tumatawag sa kaniyang pangalan sa labas.

Kaagad siyang lumabas habang dala niya ang isang nigo. Pagkalabas niya ay siya namang pagtagilid ni Ken.

At ilang minuto pa ang nakalipas ay nagising na si Ken sa ingay na narinig niya mula sa labas. Mukhang may nagmamartilyo o nagsisibak ng kahoy. Napabalikwas siya at kinuha kaagad ang kaniyang cellphone at tiningnan niya ang oras nito. Malapit na pala mag-alas dos ng hapon. Ni wala man lang gumising sa kaniya.

Pakusot-kusot pa siya sa kaniyang mata habang hinahanap niya ang kaniyang tsinelas at saka siya lumabas ng bahay.

Wala siyang ibang nakita kundi si Ingrid lang na abala sa pagsisibak ng kahoy. Nagtatrabaho na kasi ang iba sa bukid kung kaya wala na masyadong tao sa paligid at si Kayla ay mukhang hindi pa nakakauwi galing eskwela.

Lumabas siya ng bahay at kaagad na lumapit siya sa dalaga.

"Magandang hapon, In . . ."

Wala siyang sagot na narinig mula sa dalaga na abala pa rin sa kaniyang ginagawa.

"In, naririnig mo ba ako? Hindi ko alam kung papaano kita makakausap na maiintindihan mo ko pero sana naman pansinin mo ko. Hindi naman ako masamang tao."

Natigil si Ingrid sa pagsisibak ng kahoy ng makita niyang hindi pa rin umaalis ang lalaki sa harapan niya at hindi matigil sa pagsasalita kahit wala naman siyang pakialam dito dahil hindi niya ito maintindihan.

"Hawa dinha! Nganong nagpatunga man ka? Gusto ba nimong maigo sa palagpot na kahoy sa imong hamis nga nawong?"
("Umalis ka riyan! Bakit ka diyan sa gitna? Gusto mo bang matamaan ng kahoy at mapunta sa makinis mong mukha?")

"Ha? Gusto? Oo, gusto kitang tulungan. Ako na lang diyan."

Inirapan siya ni Ingrid, "Tulungan! Wala ko gaginanggang ug saging. Tulungan sa imong kagaral."
("Stick! Hindi ako saging na inihaw sa stick. Stick mo mukha mo.")

(Tulungan in bisaya ay parang stick ng barbeque)

Napakamot si Ken sa kaniyang ulo. Napaisip siya kung nandito lang sina Boyet at Kay ay may mag-eexplain sana sa kaniya kung ano ang sinasabi ni Ingrid at sana madali ang buhay niya na makikipagusap sa dalaga. "In, hindi kita maiintindihan pero willing ako tumulong sa ginagawa mo. Baka kasi mapagod ka."

"Unsa? Mapagod? Kaminus ka nako! Unsay mapagod nga wala man ko gitak-ang, buang gud ka nga tawo. Hawa danhi bi. Basin malabay ko ning sundang sa imong nawong ron." Galit nitong sabi kay Ken.

("Ano? Masunog? Ang liit na talaga ng tingin mo sa akin! Anong masunog na hindi naman ako nililuto, baliw ka talaga na tao. Umalis ka na nga dito. Baka itapon ko pa sa mukha mo itong itak.")

Pagod in bisaya is Nasunog.

Akala ni Ingrid ay aalis na ang binata pero nilapitan siya nito at inagaw ang itak na kanina ay itinaas ni Ingrid.

"Umalis ka na diyan, ako na rito." Pinatayo niya ang dalaga at nagsalita ang dalaga pero ni isa ay wala siyang maintindihan. Palagay niya ay minumura na siya nito pero wala siyang paki.

Siya na ang nakaupo sa inupuan kanina ni In-in at hinawakan niya ang itak sa dalawa nitong kamay. Hindi naman kasi talaga siya marunong magsibak ng kahoy. Gusto niya lang magpakitang gilas.

Pukos na pokos siya sa kahoy na nasa harapan niya at buong lakas niya itong sinibak. Pero— hindi ito natamaan. Narinig niya ang malakas na pagtawa ni Ingrid, tawa na nang iinis.

Tumingala si Ken sa dalaga na naiinis sa pagtawa nito pero ng makita niya ang bungisngis nitong mukha ay parang naputawi ang inis niya sa paghanga sa kagandahan nito. Ngayon lang kasi niya itong ngumiti kaya parang anghel ito sa paningin ni Ken.

Tiningnan naman siya nito at sabay sabi, "Mao na diha, hilas-hilas man. Dili man diay ka kabalo mo bugha og kahoy, alig-alig pa gud. Ako na dinha!" ("Ano ka ngayon? Ang yabang-yabang mo kasi. Hindi ka naman pala marunong magsibak ng kahoy. Tapos ang lakas pa ng loob mo. Ako na nga riyan!") Ginalaw niya kamay niya na pinaalis siya nito.

"Hindi ako aalis dito," nagpokos ulit siya sa kahoy sa kaniyang harapan na hindi niya natamaan kanina. Hinawakan niya ulit ng mahigpit ang handle ng itak pero mabilis itong nakuha ni Ingrid sa kaniyang kamay. Buti na lang talaga at hindi ito nasugatan. "Baliw ka ba? Paano kung nasugatan ka niyan?" napasigaw siya sa dalaga.

Tinaasan siya ng kilay ng dalaga sa pagsigaw niya, "Kinsa ka para singhagan ko?"
("Sino ka para sigawan ako?")

Habang nagsasalita pa si In-In ay tumayo na si Ken para kunin ulit ang itak.

"Akin na." Lahad ng kamay ni Ken.

"Wala koy piso!"
("Wala akong piso!")

"Ha? Piso?" Binaba niya ang kaniyang kamay tapos napailing. "Hindi ako nanghihingi ng pera sa iyo. Akin na ang itak ng masibak ko na yung kahoy." Tinuro niya ang itak tapos tinuro niya ang kahoy.

Mukhang naintindihan naman ni Ingrid ang ibig sabihin ni Ken dahil sa pagturo niya pero umiling siya sa binata, "Dili ko, dili ka kabalo mo bugha og kahoy. Mahabol pa lang noon ni akong sundang."
("Ayaw ko, hindi ka marunong magsibak ng kahoy. Baka mapurol itong itak ko.")

"Akin na."

Nakikipag-agawan si Ken sa itak. Ayaw naman ni Ingrid na ibigay ang itak kaya sobrang delekado ang pag-aagawan ng dalawa sa itak. Bagong hasa pa naman ang itak na yun. Pagkatapos kasi ni Ingrid ibigay sa isang kapitbahay nila yung nigo ay hinasa niya kaagad ang itak para magsibak ng kahoy at ng may magamit sila sa mamaya sa hapunan na kahoy.

Ilang segundo pa ng pag-aagawan ng dalawa ay biglang napasigaw si Ken. Nasugatan siya sa may kaliwang braso nito, naka-sleeveless white lang kasi ito ng suot. Medyo malaki rin ang natamong sugat nito; isang dangkal ng linya. Kaagad binitawan ni Ingrid ang itak sa may gilid at natarantang pinahiran ang ilang pulang likido nito gamit ang kaniyang daliri.

"Ikaw man gud! Lantawa, nasamad noon ka!" sigaw nito.
("Ikaw kasi! Tingnan mo, nasugatan ka tuloy!")

✨✨✨

Mahal Kita Kung Naintindihan Mo Lang [Completed But Under-editing] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon