7

21 3 2
                                    

Chapter Seven

TANGHALI nang nagisiing si Kenneth. Pagkabangon niya ay agad niyang naramdaman ang sakit ng kaniyang ulo. Hindi niya inakala na malakas pala ang tama ng tuba. Manamisnamis kasi yung ininom nila.

Bumaba na siya nang bigla siyang nagulat dahil ang daming tao sa kubo ni Ingrid. Napatanong siya sa kaniyang sarili kung ano ang meron.

Natahimik naman ang lahat ng makita siya sabay lingon sa kaniya at ilang segundo ay abala ulit sila sa kanilang ginagawa.

Lumapit siya kay Kat na siya ring kumakain ng mais at may isang basong1 tubig pa sa mesa nito, "Ano ang meron, Kat? Bakit ang daming tao?"

"Ay, kana ba kuya? Wala lang yan. Sabado man gud diba? May tabo kasi."

"Tabo?"

Ang nasa isip ni Kenneth ay yung ginagamit tuwing naliligo.

"Yung tabo kuya yung ano ba. Tuwing sabado kasi kami lahat pumunta doon." Turo pa nito sa ibabaw. Na para bang nakikita nila yung kabilang bundok sa likuran nito. "May laro sila na gagawin dun. Mag-aaway ang manok ug naa sad (meron din) basketball at saka may nanininda. Naghahanda lang sila ate para pumunta dun."

"Ganun ba . . ."

"Oo, kuya. Sama ka para hindi ka mabored dini (dito)."

Sasagot na sana si Kenneth ng biglang sumulpot si Gardo na hindi niya alam kung saan nangaling.

"Giingon man daw nimo ni Ingrid akong tudlo nimo?" (Sinabi mo raw kay Ingrid ang itinuro ko sa iyo?)

"Ano raw, Kat?" tanong ko sa bata.

"Nasabi mo raw yung turo niya sa imo (iyo)."

"Ha?"

"Buanga nimo dong uy! Grabe kabaga imo nawong! bilib na gud ko nimo." Sabay tapik niya sa balikat nito. (Grabe ang lakas ng apog ko dong! Ang kapal ng mukha! Napabilib mo ako doon.)

"Ano raw?" tanong ko ulit.

"Bilib na raw siya sayo."

"Ang haba ng sinabi niya tapos yan lang translation mo?"

"Isa lang naman meaning nun, kuya."

"Ano ba ang nangyari, Gardo? Hindi kita maiintindihan."

Biglang tumayo ito ng tuwid tapos nagbigkas ng may malakas na boses kaya nahinto ang mga tao sa kanilang ginagawa at sa kaniya na lang nakatingin. "Ikaw ang bugtong itik na nagkapakapa sa malapokon kong dughan . . ."

Halos mabingi si Kenneth nang marinig ito at may naalala siyang maliit na detalye sa nangyari kagabi. Bigla siyang napasapok sa noo. Dahil sinabi niya pala nag mga katagang iyan kay Ingrid.

Tumawa ang lahat maliban sa kaniya. Pakiwari niya ay nakakahiya ang ginawa niya kagabi. Gusto na lang sana niya ay lunukin na lang siya ng lupa.

"Grabe, kuya grabeng confidence yan!" panunukso ni Kat sa kaniya.

"Manahimik ka nga!"

"Malakas talaga tama mo kay ate."

"Ha?"

"Hapon na kuya at kumain ka na para makalarga na."

"Teka lang, diba yun ang tamang pagkasabi na maganda ka sa bisaya?"

"At sino ang may sabi sayo niyan, kuya?"

"Si Boyet-hindi si Gardo yata."

Tumawa agad si Kat sa narinig. Pinagtitripan talaga nila si Kenneth.

"Kaya pala kanina ka pa pinagtatawanan ni Ate Ingrid. Dahil niingon ka niya ana ayha ka (sinabi mo sa kaniya bago ka) nakatulog sa bisig niya. Grabe lasing niyo kagabi. Sa susunod huwag ka na maniwala sa ilaha (kanila) ! Gibinuungan ra ka nila (Pinagloloko ka lang nila). Yung tula na yun ay way kadalasan ng matanda na nagsasabi na mahal nila ang isang dalaga o babaye, kuya!"

Biglang namula ang mukha nito. Mukhang wala na siyang mukhang ihaharap sa dalaga dahil sa ginawa niya at sinabi. Pahamak talaga itong sina Gardo at Boyet. Pinatranslate niya yung parang tula na yun kay Kat at ito ang kahulugan; Ikaw ang tanging pato na lumilipad sa maputik kong dibdib. At ikaw ang mala-ting-ting na nagpapaingay na naririnig ko sa aking puso. Saksi ang mga unggoy na lumalangoy sa tabi ng mga hagonoy. Sa aking pagibig, ikaw lamang ang kilala.

✨✨✨

WALA na sana siyang ganang sumama sa kanila dahil sa nangyari pero wala siyang alam ding gawin sa lugar na ito. Kaya sumama na lang siya kahit naiingayan na siya kay Kat. Ayaw niya rin makipag-usap sa iba dahil wala naman siyang naintindihan. May dalawang dialect kasi ang gamit ang ibang mga tao dun. Kung hindi bisaya ay subanen. Very rare na ang tribe nila. Para rin silang muslim pero marami lang pinagkaibahan sa kulutura at tradisyon.

Napahanga rin si Kenneth sa mga taong narito dahil hindi niya akalain na ang lakas-lakas nila kahit hindi namna sila masagana sa pera. May nakita kasi siyang 100 years old na sobrang lakas animo ay 50 anyos lang ito.

✨✨✨

Kahit nahihirapan siya sa pag-akyat ng bundok ay nawiwili naman siyang tingnan ang mga tao na may ibat-ibang suot na ngiti sa mga labi nito. Kahit na pagod ang kanilang araw-araw may naisip sila na ganitong pagtitipon para maibsan man lang ang kanilang mga pagod.

Bigla rin niya naikumpara ang buhay niya sa buhay na mayroon ang mga tao rito. Simple lang kasi ang mga taga-rito. Masaya na silang nakakain ng galing sa kalikasan hindi katulad ng sa siyudad ay kadalasan ay hindi na fresh ang kinakain.

Nagsimula na niyang na-appreciate ang buhay na naroon. Kung noon ay wala siyang ginawa kundi ang gumasta na lang, siguro ay kung babalik na siya sa knaila ay magiging ibang tao na ito. Wala naman niya talagang balak magtagal pa rito pero medyo napamahal na niya ang lugar at syempre kay Ingrid.

Kahit nakahiya-hiya yung ginawa niya ay hindi niya pa rin madadaya ang kaniyang nararamdaman sa dalaga.

Si Ingrid naman ay abala sa pagtitinda ng biko. Maaga pala itong nagising para magluto nito. Balisa rin siya dahil palagi niyang nahuhiling nakatingin sa kaniya si Ken. Ayaw na ayaw paman din niyang may tumititig sa kaniya. Kahit na may taglay nakaguwapohan si Kenneth ay hindi niya talagang kayang magustuhan ang katulad nito na kagaya ng knaiyang ama.

Trauma para talaga sa kaniya ang nangyari. Kahit na may ibang kamag-anak itong gustong kunin siya patungo sa Manila nung namatay ang mga magulang nito ay hindi niya ginawa. Ayaw na ayaw niya ang siyudad at lalo na ang mga taong nakatira dun.

Sa totoo ay napupilitan lang siyang makausap ang binata kahit parang aso at pusa sila. Siya yung naka-meow at si Ken nan yung naka-Aw-aw. Hindi sila magkakaibtindihan pero alam niyang may pagtingin ang lalak nito sa kaniya.

Gusto niya itong pigilan pero ano ba naman ang magagawa niya kung hindi man nga lang sila makapag-usap ng maayos.

✨✨✨

Trivia :

The Subanon or Subanen is an indigestion group to the Zamboanga Peninsula atea, particularly living in the mountainous area of Zamboanga del Sur/Norte ang Misamis Occidental.

Mahal Kita Kung Naintindihan Mo Lang [Completed But Under-editing] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon