16

14 2 1
                                    

Chapter 16

"TATAWAGAN ko si mommy." Sabay kuha niya sa cellphone niya na nasa kaniyang bulsa.

"Ken. . . mas mabuting huwag ka na munang umuwi sa Nebo at sa Dipolog ka na lang pumunta."

"Hindi maari iyang sinasabi mo. Hindi ko pababayaan si Ingrid." Habang abala pa rin ito sa pagtitipa.

"Sinabi ko sa mommy na—wala ka dun. . ."

"Bahala na Boyet." Itinapat na niya ang co niya sa kaliwang tainga nito. "Hello. . . Mom? Diba sabi ko huwag niyo na akong hanapin? Uuwi naman talaga ako riyan pero hindi pa ngayon. Pabayaan na muna na ninyo ako."

"Akala mo ba talaga matatakasan mo ang kasal mo? Hindi ka na nahiya!"

"Mom, hindi niyo po ako mapipilit na ipakasal sa babaeng ni minsan ay hindi ko naman nakita. At saka masaya na po ako sa buhay ko ngayon. May mahal na rin akong babae." 

"For godness sake! At balak mo pa talagang magtagal diyan! Kung hindi kauuwi rito ay pupunta ako riyan at papahiyain ang babaeng sinasabi."

"Mo—" naputo ang sinabi niya dahil binabaan na siya nito. "Shit!"

"Ano po ang sabi?"

"Ngayon nagkausap na kami ni mommy. Mas lalong hindi ko kayang iwanan si Ingrid baka awayin pa siya nun. At kailangan ko ring sabihin kay Ingrid ang tungkol dito."

"Iyan ba ang balak mo?"

"Hay! Hindi ko alam! Bumalik na lang tayo sa Nebo. Alam kong hinihintay nila tayo."

KAAGAD na umalis sila at bumalik na sa Nebo. Alas nuwebe na silang dumating dahil nasiraan pa sila. Mabuti na lang ay hindi sa liblib na lugar sila nasiraan at may nakatulong pa sa kanila na para ayusin ang gulong ng motor na dala ni Boyet. 

Habang nasa biyahe sila ay biglang napatanong si Ken kung bakit kailangan pa nitong pumunta dun at hindi na lang hinintay na umuwi sila Ingrid. Ang sagot lang niya ay nataranta na raw siya at wala na sa kaniyang isip yun. Nagsinungaling kasi nga raw siya na wala roon ang binata. 

***

TANGHALI nang magising si Kenneth. Mamayang hapon pa kasi ang balak nilang bumalik sa mongohan. 

"Kuya, naa dito yung mommy mo."

Napabalikwas agad siya sa kaniyang pagkahiga. At kaagad na bumaba para lumabas. 

Pagkalabas niya ay nakita na niyang hawak-hawak ni Ingrid ang kaliwang pisngi galing sa pagkasampal sa kaniya ng donya.

"Mommy!" Sigaw niya habang tumakbo na patungo dun. 

Marami na ring tao ang nakikiusyoso sa nangyari.

"Okay raka In?" Hawak niya mukha nito. "Mom! Ano ka ba‽"

"Iyang babae pala ang kinalolokohan mo? Ipapalit mo lang pala ang kayamanan at pera natin para sa—lugar at ng babaeng iyan!" halatang namumula na ang Donya dahil sa galit.

"Mom! Mahiya ka naman! Huwag kang mag-eskandalo rito!"

"Ahhhhh!!! For God sake! This is not life, Andrie! Umuwi ka na! Kung ayaw mong magiging impyerno ang buhay ng babaeng iyan! Hindi ko yan titigilan!"

"Mom! Pabayaan mo na ako! Ayokl ikasal kay Gretchen! Ayoko!"

"Babae!" Duro niya kay Ingrid. "Tantanan mo yung anak ko. Ano ang gusto mo? Pera?" Bigla itong dumukot sa bag nito at inilabas ang isang nakalastikong pera at tinapon sa harap ng dalaga. 

"Wala koy labot ana imong kuwarta, Madam! Kung gusto nimo iuli imong anak. Kuhaa! Lamya!" 

("Wala akong pakialam sa pera mo Madam! Kung gusto mo iuwi ang iyong anak. Kunin mo! Isaksak mo!")

"In, ako lang isturya sa mommy ko." 

("In, ako na makikipag-usap sa mommy ko.") 

Lumapit siya sa mommy niya at hinawakan ito.at hinatid sa sasakyang inarkila nito papunta roon. Maririnig rin ang mga bulong-bulongan. Biglang dumami ang tao sa lugar dahil sa eksena na ginawa ng Donya. Nakita rin ni Kenneth na pumasok na si Ingrid sa kubo. 

"Maunan ka na sa Dipolog. Susunod ako sa iyo bukas. Makikipagkita ako riyan sa Gretchen na sinasabi mo at sasabihin ko sa kaniyang hindi siya ang para sa akin! May mahal na akong iba mommy pero gusto niyo pa yatang guluhin ang buhay ko."

"Dapat lang! Dahil hindi ka nararapat dito."

"Sige na. Umalis na kayo."

"Paano ako makakasiguradong pupunta ka bukas? Eh, sinungaling kayong lahat dito, e. Ang sabi sa akin ni Boyet kahapon—"

"May choice pa ba ako mom? Alam king guguluhin mo lang ang buhay ko at ni Ingrid. Walang kasalanan yung tao sa inyo. Kaya, please po."

"Well. . . Kung ganun. Ito—" Sabay abot niya ang isang maliit na papel. "Diyan ako nagste-stay."

Inabot naman ni Ken ang papel at saka na sumakay si Donya Marrietta sa sasakyan at umalis. 

Napalingon siya sa mga tao sa paligid. "Wala na salida. Tapos na!"

May ibang natawa sa tunuran niya at saka sila nagsisialisan. 

"Ano ang plano mo ngayon?" biglang narinig niya ang boses ni Boyet sa may likod. 

"Wala na akong choice. Kailangan ko munang bumalik sa Manila. Kung hindi ko mapapakikiusapan si mommy baka si Gretchen ay mapapakiusapan ko."

"Paano si Ingrid?"

"Babalikan ko ang pinsan mo. Mahal ko ang pinsan mo Boyet."

"Maiintindihan niya kaya ang sitwasyon niyo?"

"Nagkakaintindihan nga kami kahit magkaiba ang dialect namin."

"Kung ganun. Kailangan niyo mag-usap tungkol sa bagay na ito Ken. Alam mo namang takot na iyang maiwan ulit dahil sa ginawa ng tatay niyang taga-Manila?"

"Huwag mo akong ikumpara dun."

"Tara, pumasok na tayo para makausap muna si In-In."

Nagalakad na abg dalawa patungo sa loob ng kuno at nakita kaagad ni Kenneth si Ingrid na nakaupo lang habang namumula ang mata sa kakaiyak. 

Lumapit kaagad si Ken sa kaniya at niyakap niya ang dalaga. 

"Pasayloa ko Ken."

"Shhhh. . .  Ako dapat ang mangayo ug pasaylo. Bakit ikaw nag-sorry?"

"Basta—pasayloaa ko. Dako kaayo kog sala nimo." 

("Basta—patawarin mo ako. Malaki ang kasalanan ko sa iyo.")

"Anong pinagsasabi mo?"

"Ah, kuya, ibig sabihin ni ate ay dahil sa kaniya ay nag-away pa kayo ng nanay mo."

"Iba yata yun? Pero—In. . . Kailangan ko balik sa Manila."

"Balik kag Manila? Biyaan ko nimo?"

(Babalik ka ng Manila? Iiwan mo ako?")

"Babalik agad ako. May aayusin lang akong problema."

"Sigurado ba gud kang balikan ko nimo?"

(Sigurado ka bang babalikan mo ako?"

"Balik dayun ko. . ."  sabi niya.

("Babalik agad ako. . . ")

"Si papa—" hindi natuloy ang sasabihin niya.

"Hindi ako katulad ng papa mo . . . Maniwala ka sa akin In. Gihigugma tika. Ikaw lang ang gusto ko pakaslan pagbalik ko dito."

***

Mahal Kita Kung Naintindihan Mo Lang [Completed But Under-editing] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon