8

13 2 1
                                    

Chapter Eight

HAPON na at nagsimula nang ligpitin ni Ingrid ang kaniyang paninda na naubos naman. Napalingon agad siya nang makita niya si Kenneth na pasimpleng dinadampot ang mga iilang gamit ni Ingrid na nasa mesa.

"Ako na ani."
("Ako na nito.")

Walang tugon niyang narinig at nagpatuloy pa rin sa ginagawa si Ingrid. Hindi na rij ulit kinulit ito dahil palagay niya ay walang kwentang kausapin siya nito dahil hindi naman sila nagkakaintindihan.

Bigla na lang silang nagulat dalawa ng may bolang paparoon sa kanila. Wala na rin kasi masyadong tao sa lugar dahil ang iba ay umaalis na.Sabay silang napalingon kung sino ang nagbato ng bola ng volleyball. At nung lumingon na sila ay nakita si Kat na grabe ang ngiti.

"Paghinay ra gud dana. Kita man guro kag naay tawo dani no?"
("Magdahan-dahan ka nga riyan. Nakita mo naman sigurong may tao rito?")

"Hehehe, nindot man diay mo lantawon duha nga kamo lang. Mura kog galantaw ug salida."
("Hehehe, maganda palang tingnan kayong dalawa lang. Para akong nanonood ng palabas."

"Yawa, gud kang bataa!" Sabay bato niya rito ng bola.
("Demonyo, ka talagang bata ka!")

Inilagan naman ni Kat ang bola at narinig naman niya itong tumatawa si Kenneth. Napalingon kaagad siya rito sabay ang pagtaas ng kaniyang kilay. Yung inis niya nalipat tuloy kay Ken.

"Ug unsay kataw-anan?"
("At anong nakakatawa?")

"Chill! Ayan ka na naman, eh. Palagi ka nalang nakasimagot. Kukulubot yang mukha mo! Hindi ka na maganda, pangit ka na!"

"Panghit? Unsa ko wakwak?"
("Kagat? Ano ako aswang?"

"Pang-hate? Ano wala akong sinabing na hate kita. Ang sabi ko pangit!"

"Ambot nimo!" ("Ewan ko sa iyo!) Saka ito tumalikod bit-bit ang iilang gamit at nagsimula nang maglakad.

"Teka lang, In? Iiwan mo ba ako rito? Tingnan mo takim-silip na at hindi ko pa rin kabisado ang lugar at pauwi! Ingrid!" sigaw niya pero dedma pa rin ang dalaga.

Nakatanaw lang siya habang naglalakad palayo si Ingrid. Balak na talaga nitong umuwi. May naiwan pa kasing mga gamit nito at alam niyang siya na ang magdadala nito. Hindi naman mabigat peri hindi niya alam kung papaano niya dadalhin yun lahat na magkasya sa mga kamay niya.

Napalingon siya ng may kumalabit sa kaniya. Napangiti siya ng makita niya si Kat, sa wakas ay may makakatulong rin sa kaniya.

"Akala ko iiwan niyo na akong dalhin to lahat. Nahihirapan nga akong umakyat papunta rito at sigurado akong mahihirapan ako sa pagbaba ng bundok na ito."

"Dapat ka na maanad talaga, kuya."

"Ma-maanad?"

"Masanay po. Atsaka kailangan mo maging marunong sa bisaya,kuya. Kung gusto mo ligawan si ate."

"Hindi ko naman sinabing liligawan ko siya. Ang dami mong sat-sat. Dalhin mo na nga lang ito." Sabay abot niya sa ibang gamit nito.

"Sus! Deny ka pa! Klarong-klaro imong love kay ate uy!"

"Tara na nga, baka abutin tayonng dilim. Ang dami mong alam!"

"Umiiwas ka lang kuya, eh." Sabay takbo nito.

"Hoy! Hintay!"

Tumakbo na kasi si Kat na animo ay wala itong dala. Napilitan naman siyang tumakbo kahit nahihirapan siya dahil medyo maputik na ang lugar na yun dahil sa ulan na dumaan kanina. Hindi naman malakas ang ulan pero ang lupa kasi doon ay pula ang kulay at kung mababasa ay kaagad na magiging maputik.

Naabutan naman niya si Kat dahil hinihintay naman siya nito. Malaki ang ngito nito sa mga labi na siya namang kinakainisan niya.

"Bilisan mo riyan,kuya. Dadaan pa tayo sa may balete baka kunin ka ng mga engkanto. Alam mo bang kinukiha nila yung mga bisita danhi?"

Kaagad naman napalingon sa kaliwa't kanan si Kenneth kahit hindi pa man din sila nakadaan sa may balite. Totoong may balite doon ang creepy kasi talaga nung balete na yun. Nakatungtong kasi ito sa malaking bato at napapaligiran ng maraming damo at ang ibaba nito ay tubig ng sapa. Yung sapa na yun ay umiikot lang sa kabubdukan na yun kaya kapag dumadaan ka parang pabalik-balik ka lang. At may part dun na may balete. At toong may engkanto dun dahil napapaligiran iyon ng mga fireflies tuwing gabi at maririnig mo rin ang agong na parang may disco tuwing gabi.

"Huwag mo nga akong tinatakot!"

"Dali na kasi!"

"Ayan na nga!"

✨✨✨

DUMATING naman sila sa bahay nitong walang nangyari. Ang kuwento ni Lola Lilith kay Kenneth ay hindi naman daw iyon nanakot o nanakit ang mga engkanto doon kung wala kang ginagawang masama. At kailangan lang niya na kapag ddadaan siya roon ay dapat may kasama siya. 

"Nakakatakot naman po. Akala ko talaga sa pelikula ko lang mapapanood ang ang baliteng ganun. Talagang legit na tumaas yung balahibo ko tuwing nadaan dun."

"Siguro may abilidad ka rin na makaramdam ng—"

"Wala po! At a-ayaw ko po!"

Tinawanan siya ng matanda dahil halatang takot ito. "Hindi naman kita tinatakot, Ken. Dapat sanayin mo lang sarili mo sa kugar na ito."

"Wla naman po akong choice . . . Teka—bakit hindi ko nakita si Ingrid?"

"Hindi mo ba alam na sa Bakubukan muna siya matutulog ngayon?"

"Bakubukan?"

"Sa tuktok ng bundok, Ken. Kailangan kasing may magbantay doon sa mais. Uso rin kasi nakaw rito."

"E, mas delikado po yun dahil siya lang mag-isa?"

"Hindi, kasama naman niya sina Gardo."

"Sina?"

"Oo—yung isa ring manliligaw ni Ingrid."

"Manlilgaw?"

"Oo, si Earl. Nakilala mo na yata siya."

Isa sa kasama niya nung nag-inuman sila.

"Malayo po ba yung Baku—?

"Bakubukan? Ay, oo, Ken, malayo."

Agad siyang lumingon at hinahanap bg kaniyang mata si Kat. Nakita naman niya itong nagsasandok ng pagkain sa kaldero.

"Kat! Puntahan natin ate mo!" sigaw niya.

Napalingon agad ang bata saka sumimangit, "buang naka?"

"Anong buang?"

"Ewan ko sa iyo, kuya. Kung gusto mo pumunta sa ganitong oras dun ede tibayan mo muna sarili mo. Hadlok ka nga sa balete samot nag-wakwak guro!"

"Ano? Hindi kita maiintindihan!"

Nakita niya ring tinawanan siya ng matanda dahil sa sinabi ni Kat.

"Pagka nalaman kong minumura mo ako hindi ko bibilhin yung sinabi mo sa aking laruan kapag nakaluwas ako sa Dipolog!"

"Hoy! Kuya!" Agad na lumapit ang bata sa kaniya. Bitbit ang plato nito na may lamang kaning mais at tatlong pirasong tuyo. "Lagi na, bukas ng umaga rin puntahan natin si ate."

Biglang lumiwanag ang mukha ni Kenneth sa sinabi ni Kat.

***

Panghit : mahinang kagat or kagat.
Buang : baliw

Mahal Kita Kung Naintindihan Mo Lang [Completed But Under-editing] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon