10

18 2 2
                                    

Chapter Ten

"OKAY ka lang ba?" tanong ni Ken kay Ingrid na halatang nakatunganga na ito.

"Ha—"

"Hapon na ate!" singit naman ni Kat. "Pareha gud mong duha ay. Maypag mukaon na lang tag pamahaw. Nakaluto bag pagkaon?"

("Parehas talaga kayong dalawa. Mabuti pa at kumain muna tayo ng agahan. May nakapagluto na ba ng pakain?")

Timing naman at may sumigaw para kumain na sila. Isa-isa na rin huminto ang mga tao at pumunta sa kamalig. Naiwan naman sina Ingrid at Ken doon sa maisan. 

"San sila pupunta?"

"Unsa pa may gitanga nimo dinha?"

("Ano pa ang tinutunganga mo riyan?")

"Tanga? Hindi ako tanga."

"Oo, ga-TANGA gud ka dinha!"

("Oo, nakatunganga ka nga riyan!")

"Hindi nga ako tanga!"

Inirapan siya ni Ingrid saka siya hinila rito patungo sa kamalig. Hindi naman nakaimik si Ken at mas kinilig pa siya sa ginawa rito. Mas nagugustuhan na niya ang hindi nila pagkakaintindihan dahil may stansang ganito si Ingrid sa kaniya. 

***

HAPON na at natapos rin ang paghaharvest ng mais sa bundok iyon. Nagkaroon din sila ng bonding ni Ingrid dahil ito mismo ang gumagabay sa kaniya at tiga-interprate rin si Kat. Nakadungaw si Ken sa may baba at nakita niya ang malinaw na tubig na isang sapa sa ibaba. May nakita rin siya may malaki nakatumba na puno na nakaharang sa sapa na yun. 

"Gusto mo ba maligo, kuya?"

Napalingon siya kay Kat na nakabihis na ito. Siya naman ay hindi pa nakabihis dahil hindi nga siya nagdala ng kahit anong saplot. Binunot niya sa kaniyang bulsa ang kaniyang cp at itinaas ito at naghahanap ng view para picturan niya.

"Kuya .  .  . Huwag sa may sapa ha. Kuan, iyang nakatumba, balete mana gud."

"Totoo?" Naibaba niya ang cp at tiningnan ulit ang punong nakatumba. Doon niyang napagtantong hindi nagsisinungaling ang bata. May nakita siya sa may gilid doon sa may lupa na, na may parang offering. May plato at galon siguro alay yun sa may-ari ng balete. 

"Baka kasi may makuha kang ibang engkanto sa picture."

"Ayaw gud na sige hadloka si Kuya Ken nimo sa engkanto." biglang sumingit si In-in at lumapit na ito sa kanila.

("Huwag mo nga iyang tinatakot ang Kuya Ken mo patungkol sa engkanto.")

"Nabalaka ka? Usa ka kasabot diay kas among giistoryahan?"

("Nag-aalala ka? Isa pa naiintindihan mo ba ang pinag-uusapan namin?")

"Hilom gud dana! May pag maligo na lang tas sapa mintras dili pa ngit-ngit!"

("Manahimik ka nga riyan! Mabuti pang maligo na lang tayo sa sapa hanggat hindi pa dumidilim!")

"Gilahi gud nimong isturya!"

("Iniiba mo ang usapan!")

"Hello . . . baka nakalimutan niyong nandito pa ako ha. May tao pa rito‽"

"Ikaw man gud, te!"

("Ikaw kas ate!")

"Tara na lagi! Agdaha na lang na imong kuya."

("Tara na kasi! Sabihan mo na rin ang kuya mo.")

"Ano raw?"

"Maligo daw ta sa sapa, kuya."

"Hindi ba nakakatakot yun? Saka wala akong damit na dala."

"Ako bahala . . . At saka hindi naman nakakatakot yan. Tinatakot lang kita kanina. Usa pa kuya, dinasalan na nila ang kuan na yan. Kaya wala na nay engkanto."

"E, kung ganun—tara na at maligo."

Kaagad na bumaba ang dalawa. Nakita naman nila agad na nagsimula ng maligo ang dalaga. Puti ang suot nitong tshirt at dahil manipis ito ay medyo nabakat ang katawan nito sa katawa niya. Lihim na napasulyap si Ken sa may utong nito na nabakat sa damit. Napalunok naman siya sa kaniyang sariling laway. 

Nabigla na lang siya nang sinabuyan siya ni Kat ng tubig. Malinis ang tubig makikita nga ilalim nito na mga bato dahil sa sobrang linis. Hindi naman kasi maagos ang sapa kaya naeenjoy ni Ken ang lamig ng tubig. At nageenjoy rin siyang pagmasdan ang katawan ni Ingrid—esti ang pagliligo nito. 

"Wala bang sabon?" tanong niya bigla para ma-distract siya.

"Dili ba obvious, kuya?"

Sumimangot siya, defense mechanism niya. Alam naman niyang hindi effective na palusot yun na fucos na kasi ang mata niya sa katawan ni Ingrid. 

Mas kumabog pa ang dibdib nito nang maglakad ito patungo sa kinaroroonan nilang dalawa ni Kat. Mas kita sa malapitan ang hubog nitong katawan. Yung katawan niya ay mala-barbie ang shape. Nakataas din ang pajama nito hanggang hita kaya kita nito ang makinis nitong balat. 

Inabot ni Ingrid ang isang bato na malapad na mahahawakan lang ng isang palad. Napatingala naman siya kaya kita niya ang mukha nitong basa at buhok nito. Naalala niya ang mga babaeng nasa porn na nakapatong sa lalaki. Grabe na talaga yung imagination niya. 

"Hoy! Nabuang naka? Dawata na ni!" sabi ni Ingrid na may pandidilat pa sa mata nito.

("Hoy! Baliw ka na ba? Tanggapin mo na ito!")

"Ha?"

"Oo, kuya, hapon na!" sabay tawa nito.

Dahil dun ay kay Kat napunta ang mata nito at inirapan ang bata.

"Dawata na. . ." 

"Tanggapin mo na raw, kuya . . ."

"Ahhh, aanhin ko ito?" tanong nito sabay abot sa bato. 

"Gamita na pangtantang sa buling sa imong lawas. Nakadungog ko nangiya kag sabon. Kana ray gamita."

"Iyan daw gamitin mo panghilod. Narinig ka raw niya kanina na ngita kag sabon."

"Alam mo Kat, parang may mali talaga sa translation mo."

"Pag-pratice og bisaya ug wala kay tiwala sa akin."

Ginagaya niya lang niya ang bata na parang nang iinis tapos tiningnan ang dalaga na siyan palayo sa kanila. "Salamat!" sigaw nito.

Nag-wave lang ang dalaga na parang sinasabing wala lang yun.

Sinimulan na siyang maghilod gamit ang bato ng maalala niya ang cp niya na nilagay niya sa may bato. Sayang din kasi kung wala silang retrato sa pagligo nila.

Tumayo siya at kaagad na kinuha ang cp niya. Hindi pa naman yun lowbat dahil hindi naman ginagamit. 

"In—halika picturan ko kayong dalawa ni Kat."

"Unsa?"

("Ano?")

"Ali daw dare nako kay kodakan daw ta!"

Lumapit naman si Ingrid kay Kat. Pagkalapit ni Kat sa ate niya ay nakayakap ang isa nitong kamay sa baywang nito samantalang ang isang kamay nito ay naka-peace sign. Iki-click na sana ni Ken ang capture ng makita na naman niya ang utong na bakat sa tshirt nito. 

"Ah, bakit hindi ka yumuko, In?"

"Ha?" 

"Ay, oo nga pala hindi mo pala ako naiintindihan." Sabay kamot niya sa batok. 

"Sige sasama na lang ako sa picture."

Kaagad na sumama siya sa picture pero yung way niya na yun ay para matabunan ang hinaharap ni Ingrid.

***

Mahal Kita Kung Naintindihan Mo Lang [Completed But Under-editing] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon