19

18 1 1
                                    

Chapter Nineteen

Hapon na siyang dumating sa Nebo. Kaagad siyang pumunta sa kubo nila Ingrid pero wala siyang ibang nakita dun kundi ang matandang babae na nanay ni Boyet.  

"Aha sila La? (Nasaan sila La?)"

Iling lang ang sagot na nakuha ni Ken. Kaya kaagad siyang lunabas at tiningnan ang mataas na bundok. Palubog na ang araw at sigurado siyang hindi madaling umakyat sa bundok na yun at hindi rin siya siguradong nandoon si Boyet. 

Pabagsak ba ang kaniyang luha ng may kumalabit sa kaniya kaya kaagad siyang lumingon. Nakita niya si Kurdapya. 

"Wala na sila danhe (dito)."

"Si Boyet? Gusto ko siyang makausap."

"Wala na rin siya. Pumunta siya sa Dipolog kay magtrabaho (para magtrabaho)."

"Ganun kabilis?"

"Wala kaming alam. Bigla lang silang tatlo umalis nang sabay."

"Ang sabi mo sa akin kahapon ay binayaran—"

"Iyan ang narinig ko kay Lola."

"Sigurado ka ba?"

"Dili (hindi) ako sure. Pero ano naman ang magiging dahilan nila kung aalis sila dito? Kilala mo naman si Ingrid, hindi ba? Hindi siya yung klase na babaeng aalis lang dinhe (dito) dahil ayaw naman talaga nun sa ibang lugar."

"Wala ka bang alam kung saan sila tumungo? Or kahit makuntak man lang sila? Out of coverage kasi si Kat."

"Pasensya ka na Ken. Parehas lang tayo. Kinuntak kita kasi—parang need mo malaman."

"Salamat. .  ."

***

Four Months later  

NAKAUWI  na si Ken  galing sa Dipolog na may saklay na dala-dala. Apat na buwan siyang nanatili sa ospital dahil nagkaroon siya ng Coma buhat sa disgrasya nung pauwi siya galing Nebo. 

"Dahan-dahan, anak."

At dahil sa disgrasya ay nagkaroon siya ng temporary amnesia. May mga bagay siyang hindi maalala. 

"Andrie, Gretchen is here."

"Gretchen? Who is she, Mom?"

"Your fiance." 

"Wala akong matandaan na may fiance na pala ako."

"Of course, dahil may amnesia ka. Matagal ka na niyang hinihintay."

"Talaga?"

Nakaupo lang si Ken sa sofa habang iniiisp ang sinabi ng mommy niya na may fiance siya. May maliit siyang detalye na naalala pero lahat ng yun ay alala nung nasa Bukid siya pero malabo lahat. At may babae rin siya naalala pero malabo rin para sa kaniya.

"She's here . . ." 

Napalingon kaagad si Ken sa kaniyang likuran at nakita niya kaagad ang babaeng pamilyar sa kaniya. Nakasuot ito ng below the knee na floral dress an kulay white. Tumingkad ang kaniyang mala perlas na balat dahil sa kaniyang suot. Mahaba ang buhok at miitim na sing-itim ng uling. Maliit ang mukha. 

Habang iniiksamin niya ang buong kaaunyuan ng dalaga ay naramdaman niya ang mga luhang pumapatak sa kaniyang mga mata. 

"Andrie, are you okay?" usal ng babaeng pamilyar sa kaniya at kahit boses nito ay pamilyar sa kaniya.

"Have we met before?"

"Ano ba yang tanong na yan. Of course we do. Fiance mo ako."

"Bakit parang nasasaktan ako habang nakikita kita? Bakit parang may kirot na nararamdaman ako habang kausap kita ngayon?"

Mahal Kita Kung Naintindihan Mo Lang [Completed But Under-editing] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon