15

11 1 4
                                    

Chapter Fifteen

LINGGO kaya bumaba na muna ang dalawa sa bundok dahil sasama sila sa mga tao papunta sa Sergio Osmeña, sa municipality talaga dun sa may gym dahil kukuha ang mga tao dun para sa release ng 4p's. Marami rin kasi ring bibilhin si Ingrid gaya ng nga abuno para sa susunod na cropping habang may pera pa siya. 

Magkahawak ng kamay ang dalawa habang nandun sila sa mallit at masikip na tabuan. Marami kasing nagbebenta sa daan patungo sa gym dahil nga release ng 4p's. Hindi rin binitawan ni Ken ang kamay ng dalaga dahil ayaw niyang magkahiwalay sila sa maraming tao. Naghahanap kasi ng damit si Ken. Hindi niya pa rin kasi nagastos lahat ang perang dinala niya. At balak niya ring bumili ng maraming goods para sa hindi na sila pabalik-balik sa bayan. Pati mga chiChirya ay bumili rin siya para sa mga bata.

Napalingon siya kay Ingrid dahil napahigpit ang hawak nito sa kamay niya kaya nilapag na muna niya ang isang t-shirt na tintingnan niya.

"Unsa man?"

"Kalibangon na kaayo ko. . ."

("Natatae na ako. . .")

"Naglilibang naman talaga tayo rito."

"Ken, buhee sako. Kinahanglan na gud nako muaadto ug kaselyas." Habang umarko na yung katawan dahil sa pagpigil sa kaniyang nararamdaman.

("Ken, bitawan mo muna ako. Kailangan ko na talagang pumunga sa kubeta.")

Mas hinigpitan ni Ken ang paghawak sa kamay nito nang makita niyang may namumuong mga butil ng pawis ang dalaga sa may noo.

"Anong nangyari sa iyo. Teka lang—"

"Ken. . ." 

Lumingon-lingon agad si Ingrid sa paligid na para bang may hinahanap. Nang makita niya si Kat ay kaagad niya itong kinamayan na lumapit sa kanila at sinabi sa bata na kailangan niyang pumunta sa kubeta. Nang malaman niya ay ito ay natawa lang si Ken at saka binitawan ang kamay ng dalaga.

"Kuya, magkasakit man imong uyab ana iyong ginagawa, uy."

"Aba malay ko bang natatae na siya. Sinabi niya kasi kaninang libang. Eh, libang sa tagalog ay mag-enjoy."

"Ambot sa imo! Alam mo namang nandito ka sa Mindanao. Alam ko may alam ka na sa bisaya."

"Oo, meron pero hindi marami. Ngayon ko lang naencounter yung words na libang."

"Hay! Kasamok talaga yang relasyon niyong dalawa."

"Hindi naman barrier yung dialect sa dalawang nagmamahalan." Masisilayan ang biglang pag-ngiti nito.

"Barriers sa imong kagaral! Barrier gihapon kay magkasakit sa bato imong uyab!"

"Ang dami mong alam!"

"Na na na!" Pang-iinis niya na naka-bilat pa.

"Hindi kita bibilhan ng dress na pink!"

"Kuya!!!"

***

HAPON na at hindi pa rin sila nakkaasakay sa sasakyan pauwi sa Nebo. Kaya napagdesyunan na lang ng dalawa na pumunta muna sa mas hindi masyadong maraming tao. Sa likod ng gym ay may malalaking bato roon na kung baba ka sa may bato ay makikita mo ang maliit na ilog na naroon. 

Doon silang dalawa tumambay sa malalaking bato habang kumakain ng suman. Nagutom na rin kasi sila kakahintay.

"Ang hirap pala ng sitwasyon nating dalawa, In. Bukod sa hadlang ang dialect natin parang hindi pa kita puwedeng mahalin ng buo dahil nandito ka nakatira. Alam kong hindi mo ako naiintindihan pero—gihigugma tika pag-ayo, In."

"Mahal kita kung naiintindihan mo lang," sagot ni Ingrid. 

Biglang bumilog ang mata ni Ken sa tinuran ni Ingrid sa kaniya. Unang beses niyang narinig na nagtagalog ang dalaga.

"Paano. . . ka natuto niyan? I mean. . ."

"Si Kat. Basin naihubong ka kinsa gatudlo nako." 

("Si Kat. Baka nagtataka ka kung sino ang nagturo sa akin.")

"Kuan—ug pauwi na ako sa Manila? Kuyog ka ba sa akin In?"

"Manila? Kuyog? Wala na ba ka nalipay dani?" 

("Manila? Sama? Hindi ka na masaya dito?")

"Lipay?" napaisip muna siya kung ano ibig sabihin nun. "Ah—natutuwa naman ako pero hindi ito ang kinabuhi ko eh. Kailanngan mo ring makibalo sa buhay ko. Tungkol sa buhay ko."

"Ken. . . Dili ko nimo mapugos. Dili ko gusto muadto og Manila. Maguol rako makahinumdom sa akoang papa."

("Ken. . . Hindi mo ako ___. Hindi ko gusto pumunta sa Manila. Malulungkot lang ako kapag naalala ko yung papa ko.")

"Papa mo? Wala na siya, In. Naa ko. . . Dili kita binuaangan. Seryoso ako sa iyo. Mahal kita."

"Pasayloa ko. . . pero gusto ko diri rako. . . Ug gusto na gud ka muuli sa Manila. Diri pa lang—nga saksi ang tingog sa kalamgaman, magbulag na lang ta."

"Patawari mo ako. . . pero gusto kong dumito. . . Kung gusto mo talagang umuwi sa Manila. Dito pa lang—na saksi ang huni ng mga ibon ay maghiwalay na lang tayo."

"Tangina naman, eh! Hindi ko sinabing maghiwalay tayo. Nangutana lang ako. Gihigugma tika—I can't lose you Ingrid." Hiniwakan na niya ang mukha nito. 

Para ring piniga ang puso ni Kenneth ng may nakita siyang namumuong luha ang dalaga. Niyakap niya kaagad ito, "Sorry. . . Pasayloa ko. . ." dahil sa sinabi niya at ang yakap niya ay narinig na niya ang hikbi nito. 

"Pasayloa sad ko Ken. . ."

"Wala—wala kang sala. Ako ang dapat sisihin hindi ko dapat inopen ang topic na ganito. Dito lang ako. Huwag kang mag-alala. Ikaw ang pipiliin at pipiliin ko." Kumalas siya sa yakap at hinalikan ang dalaga.

"Kuya! Ate! Kuya Ken! Ate In-In. . ." rinid nila sa hindi kalayuan ang sigaw ni Kat. 

Ngumiti si Ken kay Ingrid at pinahiran ang mga luha nito, "Tara na . . . baka uli na tayo."

Kinuha naman ni Ingrid ang kamay ni Ken at magkahawak kamay silang umalis sa likod ng Gym at naglakad. 

Wala ng masyadong katao-tao sa lugar dahil umuwi na yung iba. Bali sila na lang yung last batch ba uuwi sa Nebo. Alas singko na kasi at sigurado si Ken na makakarating sila sa Nebo na gabi na masyado. Masukal pa naman ang daan. 

Pasakay na sana sila sa jeep nang nakita nilang may dumating na single motor dun at si Boyet yun. Kaagad itong tumakbo patungo kay Ken. 

"Oh? Bakit ka narito? Para kang hinahabol ng pulis?"

"Ken. . ." Habol niya sa kaniyang hininga. "M-May problema tayo. . ."

"Ha? Anong problema?"

"Natunton ka ni Madam."

"Joke ba to? Imposible yang sinasabi mo. Sasakay na kami sa jeep. In, Kat sakay na."

"Baka pwedeng huwag ka na lang umuwi sa Nebo?" Pigil ni Boyet sa kaniya. 

Tiningnan niya si Boyet kung seryoso ba ito. Nakasakay na sina Ingrid sa Jeep. "Una na lang mo In. Sunod lang kami ni Boyet."

"Sure ka kuya?"

"Oo. Larga!" Sigaw niya sa driver ng jeep.

Nang makaalis na ang jeep ay saka niya ulit kinausap si Boyet. 

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo?"

"Oo nga. Dumating si madam kaninag tanghali sa Nebo."

Biglang napasabunot si Ken sa sarili niyang buhok sa narinig. 

***

Mahal Kita Kung Naintindihan Mo Lang [Completed But Under-editing] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon