11

12 2 2
                                    

Chapter Eleven

PAGSAPIT ng gabi ay kaagad na nakatulog si Kenneth kahit hindi pa ito nakakain. Silang tatlo lang ang nandoon sa kamalig na iyon. Hindi na kasi nilang magawang bumaba pa ng bundok dahil gabi na. Nakasuot lang si Ken ng damit na halos punit-punit na. Wala kasing masyadong damit ang kamalig ni Ingrid dahil hindi naman ito madalas doon. Gusto niya lang magbantay sa mga mais niya dahil baka nanakawin na naman. Sanay na siyang mag-isa doon. Actually, siya lang naman talaga ang naroon noong sabado.

"Ate, matulog nakog una nimo ha."
("Ate, mauna na akong matutulog sayo ha.")

Tumango lang siya sa kaniyang pinsan. Lumabas na muna siya sa kamalig at chineck yung kabayk niyang nakatali dahil baka na bigti o natangal ang tali nito. Tunog na lamang ng mga kuliglig at ibon kung anu-ano ang maririnig sa paligid. Kung tatantiyahin ni Ingrid ay alas dyes na ng gabi. Abala rin kasi sina In-in at Kat sa paglulubo ng mais.

Pumasok siya sa kamalig. Maliit lang ang kamalig. Cogon ang ginawang dingding nito at gayon din ang bubong nito. maliit lang na napagkakasyahan ng dalawang tao. May parang kama na nasa ibabaw ang kamalig na para bang double deck ang style. Ang gusto niya sana ay sa baba siya matutulog pero nauna na si Kat doon kaya wala siyang choice kundi ay doon na lang matulog kung saan nandun rin ang binata. Maliit lang kama, single size kung maiituring.

Napabuga na lang siya sa kaniyang sariling hangin at saka umakyat. Mahimbing na ang tulog ng binata. Napansin niya ring wala pala itong kumot. Kinuha niya agad ang kumot sa may uluhan nito at dahan-dahang kinumutan ang binata. Pasimpleng humiga na rin siya at yung kumot ay nakikikumot rin siya. Parang isangdangkal lang pagitan nilang dalawa dahil nga sa liit ng kama.

Pakiramdam ni Ingrid ay hindi siya humihinga habang nasa higaan siya. Pilit niya mang ipikit ang kaniyang mata ay hindi niya magawa.

Mas hindi siya makatulog ng marinig niya ang ngitngit ng mga ngipin ng binata. Akala niga ay manerrism lang ito kaya pinabayaan niya lang. Pero biglang napahigpit sa yakap sa kumot ang binata at wala na siyang kumot.

Medyo naiinis siya at aagawin niya sana ang kumot nang masagi sa kaniya balat ang katawan nito na sobrang init. Kahit na madilim na ang paligid ay kaagad niyang kinapa ang may uluhan nito at saka niya napagtanto na inaapoy ng lagnat ang binata.

"A-ang l-lamig. . ."

Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito pero sigurado siyang nilalamigan ang binata. Napakamot siya sa kaniyang uko dahil hindi niya alam ang gagawin. Kung magpapakulo kasi siya ng tubig para ilagay ang bimpo sa noo nito ay matatagalan na siya.

Habang naguguluhan si Ingrid sa kaniyang gagawin ay napahigpit sa hawak si Kenneth sa kaniya. Hanggang sa nahiga ulit si Ingrid. Niyakap siya ng binata. Ramdam niya ang init ng katawan nito na lumapat sa katawan niya. Kahit na ayaw niya dahil hindi siya kumportable pero naisip niya ring makakatulong yun sa binata para mawala ang panggiginaw nito.

Mas nilapit niya ang kaniyang katawan sa binata. Niyakap niya ito ng mahigpit. Naramdaman ng mukha niya ang paghinga nito sa mukha niya. Napangiti siya dahil kahit tulog ay hindi mabaho ang hininga nito. Partida at hindi ito nakapagsilpilyo.

Tuluyan ng hindi nakatulog si Ingrid dahil sa pagyakap niya sa binata. Inaantok man siya. Pero kailangan niya yakapin ang binata para mawala ang apoy ng lagnat nito. Bunong magdamag silang ganun ang posisyon.

MADALING araw na, at nauna nang bumabgon si Kat sa kanila. Nagising rin Kenneth nang marinig niya ang kaluskos na ginawa ni Kat. Pagbuka ng kaniyang mata, nabigla siya nang may nakayakap sa kaniya at sobrang lapit ng mukha ni Ingrid sa mukha niya. Kahit na medyo madilim dahil pasilang pa lang ng araw ay kitang-kita niya anv amo ng mukha ni Ingrid.

Hindi niya mapigilang hawakan ang mukha nito. Mapangiti habang pinagnamasdan ang mukha nito.

Dahil sa kaniyang pagkawili ay hindi niya namalayang nagising na pala ang dalaga.

"Mata naman diay ka." mahina at malumay nitong sabi sa kaniya.
("Gising ka na pala.")

"Alam mo Ingrid. Hindi ko alam pero—pakiramdam ko mahal na kita."

"Unsa gud na uy—"
("Ano ba kasi yan—")

Naputol ang sasabihin ni Ingrid ng halikan siya nito. Kaagad namang inilayo ni Kenneth ang mukha niya na para bang nahimasmasan siya sa ginawa niya.

"Sorry. . ."

Akala niya ay sampal at mura o talak ang matatangap niya pero hinawakan ni Ingrid ang mukha nito at pumikit na hinalikan niya ang binata. Gumanti rin ng halik si Kenneth.

Nang matapos sila maghalikan ay ngumiti lang si Ingrid sa kaniya at ganun din ang ginawa niya.

"Teka lang. . . Nananiginip ba ako?"

"Ken. . ."

"Sampalin mo nga ako Ingrid." Kuha niya sa kamay ng dalawa at sinampal sa mukha niya. Natawa naman si Ingrid sa ginawa niya.

Hindi nakapagpigil si Kenneth kaya hinalikan niya ulit ang dalaga. "Totoo ka nga!"

Naghalikan ulit sila. Dahil sa halikan nila ay hindi na nila namalayang kusang gumagalaw ang katawan nila para mas mag-init ang kanilang katawan. Dahan-dahan nang naglalakbay ang kamay ni Kenneth sa katawan ng dalaga. Mula sa hinaharap nito hanggang sa kaselanan.

Naungol ng mahina ang dalaga sa sensasyon na ginawa ng binata sa kaniya. Aalisin na sana ni Ken ang kaniyang pantalon ng biglang bumukas ang pinto.

Kaagad naman siyang nahiga ulit para hindi makita ng bata. Si Ingrid naman ay inayos naman ang kaniyang bestida habang nasa higaan pa rin. Pigil na tumatawa ang dalawa sa ibabaw.

"Ate! Mata na uy!"
("Ate! Gising na uy!"

"Kuya!"

"Hmmmppp. . ." Sabay hikab ni Ingrid. "Sayo lagi ka ni mata?"
("Ang aga mo yatang nagising?")

"Ahhhhh!" Bangon rin ni Kenneth sabay hikab rin.

Naunang bumaba si Ingrid sa kama na parang walang nangayri.

"Alam mo bang disturbo ka?" bulong niya kay Kat nang makababa na ito.

"Disturbo? Ako?"

"Oo! At huwag ka ng magtanong kung bakit!"

"Inaantok ka pa rin ba kuya? Ede matutlog ka ulit!"

"Huwag na ma'am! Maghahanda na lang tayo ng agahan. Ginutom mo ko eh!"

***

Mahal Kita Kung Naintindihan Mo Lang [Completed But Under-editing] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon