Epilogue

30 2 3
                                    

Epilogue

MAKALIPAS ang tatlong taon ay umuwi na siya sa Pilipinas. Pakiwari ni Kenneth ay nahilom na ng tatlong taon ang sugat na dala-dala niya sa states. Isang mahabang buntonghininga ang pinakawalan niya bago siya bumaba sa eroplano ng sinasakyan niya.

Naging abala siya sa ibang bansa para hubugin ang sarili niya para may sarili siya negosyo at buhay sa pagbalik niya sa Pilipinas. Ayaw niya kasi na talian siya ulit ng kaniyang mommy sa lahat ng bagay na pinapangunahan siya.

Hindi na rin siya nagkaroon ng oras para maghanap ng bagong nobya o ni mapapangasawa sa States dahil sa kaniyang goal sa buhay.

Isang partnered resort ang pinatayo nila sa Cebu at doon na siya madedestino at mamumuhay. Gusto niya rin ang rural areas ngayon kasi sa napapaligiran ng traffic.

NANG dumating siya sa resort ay napangiti agad siya. Maganda talaga ang lugar. Very natural ang design niya kaya malamig ang buong lugar dahil sa mga plants na magkalat sa lugar. Marami ring vines ang may ding-ding.

“Welcome back in the Philippines, Sir,” greeting ng isang lalaki na may mas mataas na posisyon sa resort.

“Thank you!”

“Ihahatid na po kita sa kuwarto niyo.”

Tumango lang siya at ngumiti.

Habang naglalakad ay may nakita siyang batang lalaki na nadapa at dahil malapit lang sa kaniya ay huminto siya at nilapitan ang bata.

“Are you okay?”

Nakita niya ang gasgas sa tuhod nito.

“Where are your parents? Ihahatid na kita. Delikado yang skateboard sa kagaya mo.”

Tumingala ang bata at nang makita niya ang bata ay biglang naramdaman niya ang kalabog sa dibdib niya. May kamukha kasi ang bata.

“I'm good. No need to tell mommy. Mommy got angry.”

“Who is  your mommy?” tanong ni Kenneth.

“There!” Turo ng bata sa may pool.

Kaagad nakita ni Ken si Gretchen kasama and kapatid niya na nakaupo sa edge ng pool habang nagtatawanan.

“How old are you, Little Man?”

Ipinakita ng bata ang kamay niya ba may tatlong hand sign.

“Where is your daddy?”

“Daddy America,” sagot ng bata.

“Oh my God! Anak! W-What is your name?”

“Kent Andrie po.”

Pagkasabi ng bata nun ay kaagad niya itong niyakap. Sigurado siyang anak niya ang bata dahil sa facial features nito na parang nanalamin lang siya sa batang version nito.

Alam niyang kasalanan niyang wala siyang alam sa bata dahil pinutol niya ang kontak niya sa mga ito.

Ngayon ay nagtatalo ang isip niya kung kailangan bang i-pursue ang naputol nilang love story ni Gretchen para mabuo ang pamilya ng bata.

THE END

🎉 Tapos mo nang basahin ang Mahal Kita Kung Naintindihan Mo Lang [Completed But Under-editing] 🎉
Mahal Kita Kung Naintindihan Mo Lang [Completed But Under-editing] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon