6

27 4 4
                                    

Chapter Six 

NAKAUPO na silang apat sa may labas ng kubong iyon. Si Ken naman ay nakasuot ng makapal na jacket dahil sa malamig na hangin na dumadampi sa balat nito. Malamig kasi ang lugar dahil napapalibutan ito halos ng mga halaman at puno. Taliwas sa kasama niya sa inuman ay nakasuot lang ito ng pambahay at para bang naiinitan pa. 

"Kani imoha, dong!" ("Sa iyo ito, dong!") Abot ni Gardo.

Pilit na ngumiting inabot ito ni Ken galing kay Gardo; na napag-alamanan niyang isa sa mga pinsan din ni Boyet. Hindi niya pa alam ang pangalan ng dalawa pang kasamahan nila dahil tahimik lang ang dalawa hindi katulad ni Gardo na madaldal at malaki ang boses. Kita rin kasing mas bata pa ang dalawa nitong kasamahan. Na para bang mga bodyguard lang ni Gardo ang mga ito. 

"Sa nadunggan nako, naibog daw ka sa akong ig-agaw? (Sa narinig ko, may gusto ka raw sa aking pinsan?)"

Tumingin naman kaagad si Ken kay Boyet. Kaagad naman naintindihan ni Boyet ang tingin na iyon, "Tinatanong nila kung may gusto ka ba raw kay Ingrid."

Hindi malaman ni Kenneth ang nararamdaman. Alam naman niya na mangyayari ito pero nag-aalanganin siya na sumagot dahil kahit na mas matangkad siya sa mga ito ay malalaki at di hamak na malakas ito sa kaniya. Ano ba naman ang laban niya rito, siya ay isang hamak na brat na anak lamang. Tapos yung kaharap niya ay sanay magbanat ng buto.

"Sultihi me, dili man ka namo sumbagon o awayon. Gusto lang ko makabalo ug unsay tinuod nimong tumong sa among ig-agaw."("Sabhin mo sa amin, hindi ka namin susuntukin o aawayin. Gusto ko lang malaman kung ano ang totoo mong pakay sa aming pinsan.")

"Sabihin mo na lang daw yung kung ano talaga ang pakay mo sa pinsan namin."

"Boyet, bakit naman ganito! Bakit sinabi mo sa kanilang may gusto ako kay Ingrid?" pabulong nitong sabi kay Boyet.

"Ngano daw nga— ( Bakit raw na— ) " hindi natapos ang sasabihin ni Boyet ng takpan niya agad ang bibig nito. Mukhang kinarer pa nito ang pagiging translator. 

"Ngano mana?(Ano iyan?)" mas naging barako pa ang tunog ng boses ni Gardo.

"Wala—gusto ko lang manahimik muna si Boyet." sagot ni Ken na para bang naiintindihan niya ang tanong nito. Dala na lang ng takot ay napasagot kaagad siya. "Ikaw naman kasi Boyet, hindi naman sa lahat ng bagay ay mag-translate ka. Gusto mo bang mamatay ako rito?" pabulong ulit nitong sabi na kanina pa niyang inaakbayan.

"Na unsa na siya, Yet? ("Anong nangyari, Yet?")

"Wala, Gardo, uy! (Wala yun, Gardo!) " Sabay niyang kinuha sa balikat niya ang braso ni Ken. 

Kaagad naman natahimik sila ilang segundo . . . 

"Unsa lagi tuyo nimo sa aking ig-agaw na baye? ("Ano nga kasi ulit ang pakay mo sa pinsan kong babae?")" tanong ulit ni Gardo na nagbasak sa katahimikan.

Kaagad namang nilagok ni Ken ang tuba na nasa kaniyang baso. Naramdaman niya ang naghalong tamis at asim ng ininum niya. Ramdam din niya ang init ng tuba sa lalamunan patungo sa tiyan niya. Unang beses niya itong nainom pero mas nagustuhan niya ito kumpara sa ibang inumin na iniinom niya. 

"Paumanhin, Gardo pero wala akong balak na magsinungaling sa inyo. Hindi naman talaga ako naparito para manligaw o ano man ang nasa isipan niyo. Nagagandahan lang ako sa pinsan niyo. Pero hindi ibig sabihin nun ay gusto ko na siyang ligawan o ano pa man. Pansamantala lang naman ako rito," mahabang lantiya niya. Si Boyet naman ang nag-translate sa lalaking pinsan nito. 

"Mao ba? Ug mao man galing ayaw sige ug paduding sa akong ig-agaw! " hindi na mapigilan ni Gardo ang sumigaw.

"Ganun ba? Iyan naman pala, ede huwag kang magpa-cute sa pinsan ko!" translate ni Boyet. Kasama pa ang pagsigaw niya na para bang ginagaya niya si Gardo. Iba naman ang tingin ni Gardo sa kaniya pero nginitian lang niya ito ng pilit.

"Pasensya na po. Pero tunay na maganda naman talaga ang inyong pinsan. Hindi malayong magkagusto ako sa kaniya."

Trinanslate ito ni Boyet kay Gardo. Nagbulungan naman agad silang apat. Yung kasamahan ni Gardo. Ang feeling tuloy ni Ken ay iihawin na siya ng mga ito. 

"Ano yang binubulong nila?" 

"Kakatayin ka raw nila."

"Ayusin mo yung sagot mo Boyet ha, amo mo pa rin ako."

"Hindi ba sabi mo na hindi na kita amo? At isa pa, kung amo kita dapat may sweldo ako sa pagtatranslate ah. Nakakapagod kaya."

"Mukha ka talagang pera!"

"Wala ka namang choice, kailangan mo ako."

"Bakit ba kasi sinabi mo sa kanilang may gusto ako kay Ingrid?"

"Totoo naman may gusto ka sa kaniya!"

"Manahimik ka nga! Baka akalain nilang pinagsasamantalahan ko lang iyang pinsan mo!"

"Hindi ba? Probinsyana pala ang target mo kaya pala ayaw mo sa anak mayaman."

"Puwede ba, hindi ko naman alam na maganda pala lahi niyo. Ang pangit mo kaya."

"Bukas na bukas din ay ihahatid na kita sa Dipolog," nakaismid nitong sagot.

"Binibiro lang kita, ayan na, uminom ka na lang." Sabay abot nito sa basong may lamang tuba.

✨✨✨

NAPARAMI sila nainom, buong akala ni Kenneth ay galit talaga si Gardo sa kaniya pero mali pala siya. Masaya pala ito dahil sa wakas ay may naglakas loob na lumapit sa pinsan nito. Alam naman kasi nilang sobrang pihikan at ayaw nito magpaligaw lalo na at ayaw niya sa taong taga-siyudad pero kay Kenneth ay wala itong ligtas. 

"Dhapat mhahiguma si In-in nhimo, dhong!" sabi ni Gardo

"Dhapat dew mapaibig mho shi Ingrid!" (Dapat mapaibig mo si Ingrid)

"Bhoyet, ani bha dapat ko sasabihin sha kaniya?"

"Dhapat may alam kang bisaya!"

"Ano bha sa bhisaya ang maganda ka?"

"Tuturuan ka ni Gardo." Sabay siyang may ibinulong kay Gardo.

"Ing-ane ra imo niingon! (Ito lang sasabihin mo!)" Tumayo ito at kahit na pumipikit na ang mata nito at ang tayo ay parang mahuhulog na ay nagsumikap pa rin siya na magmukhang alisto.

"Ikaw ang bugtong itik nga nagkapa-kapa sha malapokon kong dughan. Ug ikhaw ang ting-ting nga naga bagting sa aking khasing-khasing ug saksi ang mga unggoy nga naglangoy-langoy  kilid sa hagonoy. Sa aking gugma ikaw rha ang giila." Pagkatapos ay nabagsak na ito.

Note : Ang translation nito sa sinabi ni Gardo ay nasa sunod na chapter.

Inalalayan naman ng dalawa na tawang-tawa sa sinabi ni Gardo bago pa ito natumba. Kahit walang naintindihan si Ken, pakiwari niya ay seyoso yun. Gusto niya itong memoryahin. 

"Ano bha yun? Turuin mo ko nun, Yet."

"Sa alin, shir?"

"Yung sinabi ni Gardo! Ghusto ko sabihin yun kay Ingrid. Feeling ko magugustuhan yun ni Ingrid."

"Iyon ba, shir?" bakas sa mukha ni Boyet ang pagpigil ng tawa. "Shabayan  mo lang ako, shir."

"Lhast mo ne yang, sir ha!"

Tumayo na silang dalawa at nagsimulang naglakad patungo sa loob ng kubo. Umuwi na rin kasi ang tatlo. Habang palakad-lakad silang parang naka-cha-cha ay ibinigkas naman ni Boyet ang sinabi ni Gardo kay Ken na siya namang inuulit din niya. 

Nang makapasok sila sa loob ay nahagilap agad ni Ken si Ingrid na uminom na tubig.

"Uy! Handito pala yung crush ko! Ingrid!" Lumapit ito kay Ingrid na halos magkatisod na at si Boyet naman ay naiwan na nabagsak sa lupa. "Ingrid! Ikaw ang bugtong itik na nagkapa-kapa se lapukon ko dughan—sensya kha na hindi ako marunong mag-bisaya pero—ang ghanda-ghanda mo!" At nakatulog na ito sa may balikat ni Ingrid.

✨✨✨

Mahal Kita Kung Naintindihan Mo Lang [Completed But Under-editing] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon