17

10 1 3
                                    

Chapter 17

MAAGANG nag-iimpake si Ken. Nakatingin lang si Ingrid sa kaniya habang nilalagay niya ang mga kagamitan niya rito sa kaniyang maliit na duffle bag.

Napatingin si Ken sa kaniya na halatang maraming gustong sabihin pero ni isang salita ay hindi binigkas ni Ingrid.

"Okay ra ka?"

Ngumiti si Ingrid na pilit saka tumango.

"Babalik din ako. Or baka gusto nimo kuyog ka na lang sa akin?"

"Ken. . ."

"Mingawon ako nimo." Iniwan na muna niya ang ginagawa niya at lumapit sa dalaga. Kaagad naman siyang niyakap ng dalaga.

"Ako sad. Mubalik pa man ka. Huwaton nalang tika."

"Oo, babalik agad ako."

"Amping ka didto. Daghan man tag retrato sa imong cellphone. Puede raka mulantaw nako dana."

"Tatawag ako kay Boyet. Dapat makausap kita."

"Sige na. . . Unya tiud-tiud maabot na ang sakyanan."

Hinwakan na muna ni Ken si Ingrid sa mukha saka sila naghalikan.

***

ALAS-ONSE ng tanghali na dumating si Ken sa tinutuluyan ni Donya Marietta. Pagbukas niya ay nakita niya kaagad ang Donya na nakaupo sa silya ng kuwarto na may katabing dalawang maleta na halatang ready to go na. 

"Mabuti ay dumating ka na. . ."

"Uuwi ako para kausapin si Gretchen. Kung hindi kita makiusapan na ayaw ko siyang pakasalan ay mas mabuting siya na lang ang kakausapin ko!"

Tumawa bigla ang donya sa narinig kaya napakunot ang noo ni Ken sa pagtawa nito.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo."

"Wala na ba akong karapatan para maging masaya, mom? Bakit hindi niyo maibigay sa akin yun?"

"Alam kong ito ang ikakasaya mo. Alam kong in the end ay pasasalamatan mo pa ako dahil ginawa ko ito sa iyo."

"Bahala na kayo. Kita kong ready ka na palang umalis. Ay, hindi—ready na tayong umalis. Tara na. . ."

"Mananghalian muna tayo Andrie, anak."

"Huwag na mom. Huwag na rin tayo magsayang ng oras."

Malungkot na umalis si Kenneth sa Mindanao. Habang nasa eroplano sila ay nakatitig lang siya sa larawan ng dalaga sa cp nito. Katabi niya ang nanay niya. Nasa business class sila. 

Habang nagseserve ng meryenda ang stewardes ay biglang ngasalita ang nanay niya sa may gilid na kanina pang hindi sila nagkikibuan mula nung sa airport.

"Ayaw mo bang makita ang future wife mo? May pictures ako sa kaniya sa iPod ko?"

Inangat ni Ken ang Cp niya at pinakita sa nanay niya ang picture ni Ingrid na naka-wallpaper sa cellphone niya. "Ito po ang magiging asawa ko soon."

"Sigurado ka bang ayaw mo talagang makita ang mukha ni Gretchen? Para hindi ka ma-shock sa una niyong meet-up?"

"Shock? Siguro ang pangit niyan, mom."

"Wrong answer."

"Wala na ba talagang paraan para maisalba ang kompanya natin na hindi ako maipakasal sa kaniya?"

"Mayroon naman anak. Pero—the best choice pa rin ang ipakasal ka sa kaniya. Alam mo naman yatang naka-fix marriage na kayo nung bata pa kayo."

"Gosh! Ang tagal na nun, mom. Ilang taon pa ba ako nun? Seven? Seven years old. Saka sobrang ang old fashioned niyo ha."

"Bakit? May pakialam ka ba sa kumpanya natin? Ikaw lang ang nag-iisang pamilya ko kapag namatay ako. Sino na lang ang mamahala sa negosyo natin kapag namatay ako. I personally met Gretchen. Magaling siya negosyo."

"Edi, sa kaniya mo ipamana ang kumpanya. Paki ko ba. . ." bulong ni Ken.

"Andrie! This is for your own good. Alam kong matutuwa ka kapag nakilala mo na sa Gretchen."

Inirapan niya lang ang mommy niya at nilagay ang headset sa tainga nito at pinilkit ang mga mata. Ayaw na niya kasing kausapin pa ang donya.

***

Nang dumating sila sa bahay ay kaagad naman silang sinalubong ng mga maid at binigay na lang sa kanila ang mga gamit. Kaagad na pumasok si Kenneth sa kuwarto niya. Medyo naninibago pa siya sa lamig na galing sa aircon. Malamig naman sa Nebo, lalo na kapag gabi pero iba ang lamig ng aircon kaysa bukid. 

Dahil namimiss na niya ang lugar at syempre kay Ingrid ay kinuha niya ang cp niya sa bulsa ng pantalon niya at tatawagan na sana ang dalaga pero lowbat na ito. Na lowbat yun sa pagpatugtog niya sa eroplano. 

Pagkatapos niyang maisaksak sa outlet ang charger ay naghubad na siya at pumunta na sa banyo. Naligo siya pero hindi pa rin mapakali. Siguro ay naninibago lang siya dahil nasanay na rin siya sa isang buwan na kasama si Ingrid. Na kahit sa isang buwan na yun ay nabuo ang kanilang pagmamahalan. Sa palagay niya ay ilang taon na silang nagkasama ni Ingrid dahil miss na miss na talaga niya ito. 

Pagkalabas niya sa banyo ay narinig niya agad ang cp niya na tumunog. Kaagad siyang tumakbo at tiningnan kung sino ang tumawag. Si Kat, matagal ng naka-phone book ang number ni Kat sa cp niya dahil nga gusto ni Kat na kapag nauwi siya ay makuntak niya kaagad ito. 

"Hello, Kat. . ."

"Kuya. . . Kamusta naman ka diyan?"

"Okay lang. . . Ate mo? Nasaan?"

"Ay, nasa ibaba, eh. . . Sinabi ko sa kaniya nakakausapin kita pero hindi siya sumama."

"Ha? Bakit naman?"

"Hindi ko alam, uy."

"Galit ba ang ate mo sa akin? Okay naman siya kanina nung umalis ako."

"Malungkot lang siguro kuya, uy."

"Ganun ba. . . Sabihin mo na lang na—tumawag ako. At sabihin mong namismis ko na siya."

"Ikaw man gud. Bakit mo kasi iniwan. Baka naiisip niya rin yung ginawa ng tatay niya at gawin mo yun sa kaniya kuya, uy."

"Huwag niyo nga ako ikumpara sa tatay niya. Iba ako, nag-promise akong babalik ako."

"Iyan din sabi nung papa niya uy."

"Ewan ko sa iyo! Ang dami mo talagang alam."

Narinig niya ang agik-ik ni Kat, "sige na kuya uy. Ngit-ngit na kaayo. Munaog nako para kumain ng hapunan."

"Ano ang ulam niyo?"

"Bulad kuya og tinolang manok. Aakyat uli si ate uy, bukas kaya nagluto siya ng manok."

Biglang naghilab ang tiyan niya sa narinig. "Ang daya! Nagutom tuloy ako. Wala pa man din yan dito."

"Gutom well, kuya."

"Ikaw talagang bata ka."

"Bye na uy." 

Nag-end call na nga. Kaagad naman siya nagbihis at pumunta kaagad sa baba para kumain. Literal na gutom siya dahil wala naman siyang kinain masyado dahil sa pagmamadali nilang makauwi sa Manila.

Pagdating niya sa dining table ay nakahanda na ang pagkain niya. As usual, siya lang mag-isa na kakain. Unlike dun sa bukid kahit na toyo lang kadalasan ang pagkain ay sama-sama sila sa pagkain. Nakita niya ang nakalatag na afritada, adobong baboy pero ang nasa isip pa rin niya ay yung native na tinolang manok at ang tuyo. Umupo na siya at kumain. 

Kahit na gutom siya ay hindi pa rin mawala sa kaniyang isipan ang pag-alala kay Ingrid baka kasi inaataki na naman si ng Separation anxiety. Kaya kailangan iya talagang magmadali para balikan ang dalaga.

***

Mahal Kita Kung Naintindihan Mo Lang [Completed But Under-editing] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon