14

12 2 1
                                    

Chapter 14 

ISANG buwan nang nanatili si Ken doon. Nag-text naman ang mommy niya pero hindi niya nirereplayan. Blessing in disguise na rin para sa kaniya ang walang signal para maka-iwas. 

Nasa bundok sila dahil tinulungan niya si Ingrid na magtanim ng monggo. Ayaw kasi ni Ingrid na puro na lang mais dahil hindi raw yun maganda para sa lupa. Kaya kailangan niya magtanim ng ibang gulay dun at ang monggo ang tinanim nila. Sila lang dalawa lang nagtanil dahil nasa eskwelahan si Kat. 

Marami na ring natutuhan si Ken at hindi na rin siya masilan sa pagkain dahil nagustuhan na niya ang pagkaing bukid. Pati sa kaniyang pananamit ay hindi na siya masilan. Natuto na rin siyang magpaa lang at kabisado na rin niya ang pag-akyat at baba sa bundok kahit maputik ito. Ang kaniyang pananamit ay hindi na rin siya maselan. 

"In—uli na muna ako sa balay ha?" tanong niya sa dalaga.

Tango lang ang sagot ni Ingrid sa kaniya. 

Natuto na rin siya ng kaunting bisaya words dahil kay Ingrid. Nag-adjust talaga siya at tinulungan naman siya ng ibang tao naroon para matuto siya.

Pagkadating niya sa kamalig ay kinuha niya kaagad ang kaldero at sinalinan ng bigas na mais numero dose. Hindi niya alam kung paano yung papakuluan saka ilalagay ang mais kaya ganito na lang ang ginawa niya na para bang nagluluto siya ng bigas na palay. Inihanda na rin niya ang limang tuyo para mamaya ay iihawin niya na lang. Mamaya pa kasi makakadala ng pagkain si Kat na de lata dahil naubusan sila. Dalawang linggo na rin sila roong dalawa. 

Para silang bagong mag-asawa sa set-up nila. Kahit hindi nila sabihin sa mga kabaryo na may namamagitan na sa kanila ay halata naman sa kanilang ginagawa.

Natapos ni Ken ang kaniyang niluluto kaya kinuha niya ang kaldero at isinabit ito sa ibabaw para hindi kainin ng pusa ang pagkain. May pusa kasi sila dun at parang sa kabilang bundok pa ito galing. May kubo kasi dun, na medyo malaki pero isabg buwan ng walang tao dun. Ang sabu ay nasa Dipolog daw ang naninirahan dun.

Palakad na siya papunta sa pinagtaminan nila na monngo ng makita niya si Ingrid sa tutok ng kabilang bundok na may puno. Ang pagkakaalam ni Ken ay may signal dun. Kahit na malayo ay sigurado si Ken na may hawak itong cellphone dahil ang kanang kamay nito at nasa tapat ng tainga nito. 

Kumunot agad ang noo niya sa nakita. Walang alam si Ingrid sa bagay na yun bakit may cellphone ito at isa pa ay hindi niya alam na may cellphone pala ang dalaga? Sigurado rin siyang hindi kaniya yun dahil pinapa-charge niya yun sa baryo.

"In!!!!" sigaw niya at narinig pa niya ang echo ng kaniyang boses.

Napalingon naman ang dalaga at kaagad na binaba ang cellphone kung mas nag-iba ang templa ng mood ni Ken sa nakita.

Kaagad namang bumaba ang dalaga sa bundok na yun at pumunta kung saan naroon si Kenneth.

Nang makalapit na ito ay kaagad itong ngumiti na sobrang tamis.

"Nia naman diay ka? Dalia ra sad nimo kaluto?" 

("Nandito ka naman pala? Ang bilis mo namang magluto?"

"Tara na at maniudto. . ." malamig niyang tugon.

Nagsimula nang maglakad si Ken at sinundan lang siya ni Ingrid. Wala silang imikan. Ramdam mo sa kanila na may tensyon na nagaganap.

Hanggang sa pagkain ay wala pa rin silang imikan. Hanggang sa pagliligpit ng mga plato kaya hindi na makapigil si Ingrid at nagtanong na sa binata.

"Nasuko ka sa akoa?" 

Walang sagot siyang narinig. Nang tingnann niya si Ken sa loob ng kamalig ay nakahiga ito sa maisan at kunwaring nakapikit na pinatungan ng kaniyang braso.

Naghugas na lang siya ng plato na may kasamang pagdadabog. Pagkatapos niya maghugas ay pumasok siya sa kamalig at kukunin na sana ang jacket na may hood para bumalik sa mongohan. Pero hinila ni Ken ang kaniyang kaliwang kamay kaya unbalanced siya at napunta sa may dibdib ng binata. Nasa itaas lang kasi nakasabit malapit kay Ken ang jacket.

Tiningnan siya ng masama ni Ingrid, "Buang gud ka!"

"Oo, buang ko. Buang nimo."

"Hilom!"

"Hindi ko alam kung ano ang meron sa iyo. . . Siguro ginayuma mo ko. Dapat sana sumbatan kita pero tangina Ingrid!"

"Unsa?"

Ngumiti lang si Ken sa tanong ni Ingrid sabay niyakap nang magigpit ang dalaga. 

"Mahal na talaga kita," bulong niya rito.

"O, lagi mahal ang bugas!"

Napatawa naman si Ken sa sinabi ni Ingrid, "Joker ka talaga in your own way."

"Ambot nimo, buhi na kay magtrabaho na ko."

"Kiss muna?" Sabay duck face niya.

"Uwagon gud ka!"

"Sige na, isa lang. . ." Tinaas niya pa ang kaniyang kamay para ipakitang naka-sign ng one.

"Dalo gud kag halok no?"

"Sige na. . ."

"Oh, na!"

Lumapit ang dalaga sa mukha nito at sabay nag-smack pero hinawakan ni Ken ang mukha nito at hinalikan ito na may kasamang pagnanasa.

"K-Ken. . . ang monggos" ani Ingrid ng lubayan ni Ken ang kaniyang labi.

"Makapaghihintay yun. Ako hindi na."

"Botboton ka! Ingon ka usa ra."

Ngumisi si Ken sa sinabi ni Ingrid, "Alam kong gusto mo rin ito. Hali ka na. Tapusin na lang nato ni kay nasugdan na."

"Ambot nimo!"

At may nangyari nga sa kanila. Nararamdaman ni Ken na may mali pero hindi niya kayang kumprontahin si Ingrid. Siguro ay ayaw niya lang marinig ang sasabihin nito at baka hindi niya kayang tanggapin.

Nahiga silang dalawang hubo't hubad sa maliit na banig. 30 minutes din silang nagsalo sa siesta time. Papapikit na ulit si Ken ng biglang nag-open up si Ingrid tungkol dun sa tuktok ng bundok. 

Nagdadalawang-isip siyang paniniwalaan ang dalaga sa sinabi nito na hindi kaniya ang cellphone at sa kamag-anak na naiwan lang daw sa may bahay dun sa kabilang bundok. Tumawag daw para kamustahin ang kalagayan ng kubo nila. At si Kat daw ang nagturo sa kaniya kung paano gamitin ang cellphone. Kahit na hindi siya kumpormi sa sinabi ng dalaga ay pinili na lang niyang maniwala rito para hindi sila mag-away.

***


Maniudto - tanghalian

Buang - Baliw

Hilom - tahimik 

Mahal Kita Kung Naintindihan Mo Lang [Completed But Under-editing] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon