18

20 1 1
                                    

Chapter Eighteen

MAKALIPAS ng tatlong araw ay dumating na ang araw na pinakahihintay ni Ken. Ang makita at makausap si Gretchen. Gusto niya talaga maka-usap ito ng personal. Nababalisa na rin kasi siya at gustong bumalik sa Mindanao dahil kahapon ay hindi niya makuntak si Kat. 

Panay rin ang text niya buong maghapon pero wala siyang sagot na natanggap nito. Balak niya kapag natapos yung pag-uusap nila ni Gretchen at ipamukha sa mommy nito na hindi siya puwedeng ipakasal sa iba ay babalikan niya si Ingrid. Buo na ang ang kaniyang desisyon kung nasaan si Ingrid ay doon rin siya. 

Alas sais na ay hindi pa rin siya mapakali na naka-abang sa cellphone niya na umilaw at baka may text o tawag na galing kay Kat. Palakad-lakad lang siya. Nakasuot na siya ng damit. Isang long polo na skybkue at may necktie na dark blue, long black pants, at pinaresan ng pointed black shoes. 

Nahinto ang kaniyang paglalakad ng may narinig siyang katok sa kaniyang pinto. Kaagad niya itong binuksan at nakita niya ang kaniyang mommy na malapad ang ngiti nito. Suot niya ang isang red fitted dress, pinakulot din niya ang kaniyang maikling mukha na mas nagpaliit sa mukha nito, at naka-lipstick na matte red. 

"Let's go, son."

Umismid lang si Ken sa sinabi ng Ken. Halatang excited abg kaniyang mommy pero siya ay walang kagana-gana sa gaganapin.

"Huwag ka ng mag-inarte. Kanina pa sila naghihintay sa atin sa venue."

"Okay!" 

Lalabas na sana si Ken nang biglang nag-ring ang cellphone niya. Muntikan pa niyang makalimutan kahit na may hinihintay talaga siyang tawag kanina pa. Nawala sa isipan niya biglanng makita niya ang mommy niya. 

Kaagad niya tinakbo yun at nakita niya kaagad na may tumawag nga. Pero biglang napakunot ang noo niya dahil unregistered ang number nung tumawag. 

"Ano? Hindi pa ba tayo aalis?" sigaw ng mommy niya sa labas.

"Just wait! Ikaw yung ang tagal-tagal tapos ganiyan ka!"

"Andrie, ha! Nababaliw ka na talaga sa babaeng pulubi na yun!"

Lumingon kaagad siya sa mommy niya na nakapaywang na paa ito sa bukas na pintuan niya. "Mommy!"

"What‽ she is pulubi naman talaga! Ano ba mapapala mo sa babaeng yun?"

"Shut up! Just shut up! May pangalan yung tao! Kung wala naman kayong sasabihin na maganda puwede bang manahimik na lang po kayo? And puwede ba? Leave me alone for a minute!"

"How dare you! Sige pagbibigyan kita. Pagbibigyan kita ulit! One minute and we will go."

Kaagad na tumalikod si Donya Marietta. Si Ken naman na naiwan ay biglang napabuga ng hangin. Kaagad niya ulit na pinindot ang kaniyang cellphone na kanina ay namatay ang ilaw dahil sa pag-uusap nila ng mommy niya. 

Kaagad niyang nakita ang isang mensahe nung nag-miss call kanina. Hindi niya alam kung bakit may urge siya na basahin ang message. Nagbabasakali na kung tungkol ba yun kina Ingird. 

From : 09******

Maayong gabie. Wala na pala dito sila In-In at Kat. Si Kurdapya ni.

Tinawagan niya kaagad ang number. Mabuti na lang at sa isang ring pa lang ay sumagot na kaagad ang kabilang linya.

"Hello?"

"Ano ang ibig mong sabihin? Unsa buot nimo ipasabot?"

"Ay, pasensya na Ken. Ayaw ko talaga mabghilabot (manghimasok) pero oo, wala na sila danhe (dito). Sa narinig ko binayaran daw sila ng mommy mo para muhawa (umalis) dito."

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Kahapon ay kausap ko pa si Kat."

"Ay, basta yan lang ang nahibaw-an (alam) ko."

"Saan daw sila nagpunta?"

"Hindi naman nila sinabi."

"Ganun ba? Sige, salamat." 

Kaagad niya itong pinatay ang tawag. Bigla siyang napakamao sa nalaman niya. Kaagad niyang niluwagan ang kaniyang necktie. Ayaw na niyang magpakita pa sa meet up nila Gretchen kung hindi niya man alam kung nasaan na si Ingrid. Kailangan niyang bumalik kaagad sa Nebo para malaman kung totoo ba ang sinasabi ni Kurdapya. 

Baka kasi wala na siyang babalikan kung sakali. Pero sa isip niya, napaka-imposible namang aalis sila. Alam niyang mahal na mahal ni Ingrid ang lugar at ayaw nun makasalimuha pa ng ibang tao. 

Habang abala na siyang nagliligpit ng iilang gamit. Napagdesisyunan kaagad niya na lumipad bukas ng umaga patungkol sa bukid. 

"What is the—" Napanganga si Donya Marietta sa nakita. 

Napahinto naman si Ken sa ginagawa at tiningnan ng masama abg kaniyang mommy.  "You're horrible, mom!"

"What are you talking about?"

Napapikit si Ken sa kaniyang mata sabay itinapon abg isang t-shirt na bitbit niya sa may kama niya at tumayo. Nilapitan ang kaniyang mommy. 

"Walang kasal na magaganap! Kahit maubos pa ang pera mo sa pagbabayad kay Ingrid para layuan niya ako ay ako ang maghahanap ng paraan para makita siyang muli!"

"You're insane!"

"Oo! Insane na kung insane! Mom, can you not get it? Mahal ko si Ingrid! Hindi na kami mga bata ni Gretchen, like you and Tita Natasha did an agreement for a fix marriage."

"Pero mahal ka rin ni Gretchen."

"Tangina! Sino ba siya? Hindi ko naman siya killala? Ang tagal na nun, mom!"

"You will doubt sooner."

"Doubt for what?"

"Just. . . Relax, Gretchen and Tasha are waiting for us."

"You broke your promise dahil sa ginawa mo ay kalimutan mo na lang na may anak ka."

"Ano ibig mong sabihin? Ken?"

"Just let me go. . ."

"Anak. . ." 

Nakapasok na ang Donya. At si Ken naman ay tumalikod na mommy nito at kinuha ang bag. Hinawakan ng mommy niya ang kaniyang braso pero winaksi niya lang ito. 

Lumabas siya sa kaniyang kuwarto at naiwan dun ang kaniyang mommy. 

Pagkalabas niya sa bahay ay pumunta kaagad siya sa parking lot at pumasoo sa kaniyang kotse. Pinaandar niya ito at pinaharurot ang kaniyang sasakyan. 

Habang nasa kotse siya ay abala rin ang kaniyang kaliwang kamay sa kaniyang cellphone at nagbabasakaling kuntakin si Katya. Pero out of coverage ang number. Nag-text din siya na pupunta siya bukas sa Mindanao. 

Nagbabasakali siyang nandoon pa rin abg dalawa sa Nebo. Naisip niyang baka sinabi lang nila yun para hindi na bumalik doon. At ang hinala niya ay pinagbantaan ang mga ito ng kaniyang mommy. Gusto niya lang patunayan kay Ingrid na mahal niya ito. Handa na siyang mamuhay ng simpleng pamumuhay lamang. 

***




Mahal Kita Kung Naintindihan Mo Lang [Completed But Under-editing] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon