12

15 1 3
                                    

Chapter 12

PAGKATAPOS nila mag-agahan ay naghanda na silang bumaba. Dumating na rin kasi si Boyet. At siya na ang magbabantay at bahala sa kamalig.

"Boyet, bakit naman at hinahayaan niyo yung pinsan niyo na mag-isa rito?"

"Ayus, mas malakas pa siya kaysa sa ibang lalaki rito."

"Babae pa rin siya."

"Wow, ha! Kung makapag-alala ka riyan—bakit kayo na ba?"

"Kuya, unsaon nimo ang kayo?" singit naman ni Ingrid. Nasa likuran pala nila ito. 

("Kuya, aanhin mo yung apoy?"

Kayo or kalayo = apoy.

Tumawa lang si Boyet. Nakalimutan tuloy niya ang pinag-usapan nila ni Ken dahil nagmamadali rin si Kat na bumaba dahil may klase pa siya bukas. 

***

Habang naglalakbay sila ay magkahawak ang kamay ng dalawa. Wala pa silang tiyempo na magka-usap tungkol sa nangyari kaninang umaga. Kusang mga aksiyon lang ng mga katawan at mata nia ang gumagawa ng paraan para sa kanilang nararamdaman. 

"Hoy!" sigaw ni Kat sa dalawa. Nakita niya kasi na inalalayan ni Ingrid si Kenneth na bumaba sa isang bato. 

"Ayaw gud ug syagit danha!"

("Huwag ka ngang sumigaw riyan!")

"Unsa na inyong gibuhat? Ano iyan kuya? Anong hindi ko alam? Bakit feeling nako may nammaagitan na sa inyong duha? Kayo na ba? Uyab na ba mo? Ate?"

Nagpagpag muna ang dalawa kaya napabitiw sila ng kamay. 

"Naunsa ka diha? Gitabangan ra nako siya munaog basin madakin-as."

("Ano ka riyan? Tinulungan ko lang siya bumaba at baka madulas pa siya."

"Hilom te!"

("Manahimik ka te!")

Duda pa rin talaga si Kat sa galawan ng dalawa. Pero parang walang balak na sabihin ng dalawa ang namamagitan sa kanilang dalawa kaya pinabayaan na lang niya. Mas mabuti na nga rin at hindi na sila parang aso't pusa. Ang nakakainis lang ay para silang chewing gum na hindi mapaghiwalay. 

***

HAPON

Abala ang lahat sa paghahanda ng hapunan. Nagluto rin ng nitibong manok si Ingrid na adobo. At palay na sobrang napakabango. 

Habang abala sina Ingrid at Kat sa pagluluto at si Ken naman ay abalang tinitinganan ang kaniyang cellphone na Ko lnakasaksak sa isang outlet ay biglang may tumili sa may pintuan kaya lahat sila ay napalingon. 

Napakunot agad ang noo niya. Napatanong siya sa kaniyang sarili kung bakit ang hilig-hilig sumigaw ng mga tao rito na babae kapag unang pumapaaok sa kubo ni Ingrid. 

Naglakad ng pilit na pakembot ang isang babae—hindi sure si Ken kung dalaga o may anak na ito dahil hindi naman ito mataba at mapayat. Actually, matangkad ito pero halata ang kaniyang puson dahil nagsuot ito ng fitting na tshirt at naka-short pa na parang pekpek short. In short hindi bagay sa kaniya. May buhok pa nito na hindi mo maano kung walis tambo o nasunog na buhok galing sa parlor. Bilugan ang mukha, hindi naman siya pango at hindi rin matangos sakto lang. Yung kilay na halatang nilagyan ng eyebrow na sobrang kapal. Akala niya kinaganda niya yun. At ang bibig na sobrang pula ng labi parang si kurdapya; yung artista.

"Burikat!"

"Peste! Karya nauli na diay kang burikata ka!" Nilapitan na niya ito.

("Peste! Karya nauwi  ka na palang malandi ka?")

"Karon lang gud. Ni daretso ko dani kay nakadungog kog naay guwapo daw dares inyoha," pabulong niyang sabi kay Ingrid.

("Ngayon lang. Dumaretso na ako dito kasi narinig ko na may guwapo raw dito sa bahay niyo.") 

"Grabe gud kag fighting spirit, Te Karya!" sabat naman ni Kat.

("Grabe talaga yung fighting spirit mo Te Karya.")

Naninigas naman si Ingrid na palihim na napalingon sa kinaroroonan ni Kenneth. At dahil dun ay napatingin rin si Karya dun sa lugar ma yun at nakita agad ang binata na abala sa pagkukulikot sa telepono niya. Sumigaw ulit si Karya at dahil dun ay napatakip silang lahat sa kanilang mga tainga. 

Tumakbo agad ito at pumunta sa binata at tinabihan ito na para bang matagal na niyang kilala. Dahil dun ay naging uncomfortable si Ken kaya umurong siya bahagya. 

"Ikaw pala yung lalaking guwapo! Totoo nga ang sabi nila. Sobrang napakaguwapo mo!" Sabau pulupot niya pa sa binata. 

Lihim naman napatingin siya sa kinatatayuan ni Ingrid na naka-cross arm na tintingnan siya. Umiling lang siya sa dalaga pagkatapos ay timalukaran na siya nito at pinapatuloy na lang ang kaniyang ginagawa sa kusina.

"I'm sorry, Miss  . . ." Tinangal niya ang kamay nito na nakapuloput sa kaniya.

"Pasensya ka na. Ganito talaga ako—friendly. Ako nga pala si Karen. Karya tawag nila sa akin pero mas magandang tawagin mo na lang akong mahal mo."

Pekeng tumawa si Ken sa sinabi nito, "Funny ka rin, no?"

"Ay, oo! Buti na lang nasakyan mo yung joke ko. Pero totoo yung—mahal!"

"Sarcastic kasi yun, bobo!" bulong niya sa sarili.

"Ano yun?"

"Ah, wala."

Marami pang sinabi ang dalaga sa kaniya at hindi siya binitawan nito na para bang linta. Yung tingin naman ni Ingrid ay para bang pinapatay na siya nito. Hindi rin kasi makatyempo si Ken na pauwiin or barahin na hindi nakakasakit. Mabait naman si Karya ang problema lang niya ay hindi siya marunong maglagay ng boundaries o educated about it. Kaya siya na lang nag-adjust kahit alam niyang may mang-aaway sa kaniya mamaya. 

Hanggang sa pagkain ay katabi pa rin ni Karya si Ken at pilit na sinusubuan pa siya nito. 

"Lami?" biglang napatanong si Ingrid.

"Grabe kalami, In. Burikat nganong dili na lang ka muadto sa Manila?"

("Grabe ka sarap, In. Burikat, bakit hindi ka na lang pumunta sa Manila?

"Kalit ra pod na imo?"

("Bakit biglaan yang sayo?")

"Kibaw man kang dugay na sila ug hulat nimo didto."

(Alam mo namang matagal ka na nilang hinihintay roon."

"Bahala sila. . . Bitaw wala nabalaka imong pamilya na naa ka dani?"

("Bahala sila. . . Teka lang, hindi ba nagtataka nag pamilya mo na narito ka?"

"Wala sila kabalo na nakauli nako. Ditso ko dani."

(Hindi nila alam na nakauwi na ako. Dumaretso na kasi ako rito.")

"Pauli na didto!"

("Umuwi ka na!")

"Gusto lang gud nimong masolo si Ken. Ug hinay pa japon ka—ako gud ning ilugon, burikat."

("Gusto mo lang talaga masolo si Ken. Kung mahina ka pa talaga—aagawin ko iya saiyo, burikat."

Burikat = ito yung babae na nagpapabayad ng dangal. Parang pok-pok, or makati na babae. Minsan ginagawa ng nickname ng mga tao sa partikular sa Mindanao sa kanilang mga kaibigan kahit hindi namang ito "burikat".

***

Mahal Kita Kung Naintindihan Mo Lang [Completed But Under-editing] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon