2

25 5 3
                                    

Chapter Two

UMUPO na si Ken sa silyang gawa sa kahoy. Inilapag na rin isa-isa ni Ingrid ang pagkain sa mesa. Napatingin kaagad si Kenneth sa pagkain sa kaniyang harapan, napakunot ang kaniyang noo sa kaniyang nakita dahil hindi niya kilala ang mga pagkain nasa harap nito.

Isang bandehadong mais na bigas ang nasa pinakagitna ng mesa at may tutong pa ito sa ibabaw na siyang nagpapabango ng buong kabahayan. May buong tinolang manok na nitibo na may maraming malunggay at tanglad. May nakahain pang inihaw na tuyo na siyang nagpapabango rin sa hapag.

"Ito ba ang kakainin natin?" tanong ni Ken kay Boyet na kauupo lang sa silya.

Napakamot muna sa ulo si Boyet bago ito sumagot, "Naku, Ken. Pasensya ka na. Ganito talaga ang pagkain dito sa bukid."

"Wala bang restaurant dito?"

"Sir .  .  ."

"Hindi ko kasi yata kayang kainin ang mga yan." Turo niya sa pagkain sa mesa.

Lumapit naman si Ingrid habang may dala itong maliit na kaldero.

"O, nganong wala pa man mo na ngaon?"
("O, bakit hindi pa kayo kumakain?")

"Ano raw sabi niya, Boyet?"

"Bakit daw ho hindi pa tayo kumakain."

"Ahhh, sorry, In, ha pero wala ba kayong rice na palay?" Lingon niya kay Ingrid na nakatayo pa rin habang hinihintay na kumain ang mga ito sa kaniyang handa.

Tumaas kaagad ang kilay ni Ingrid sabay nakasimangot ito, "Ikaw lalaki! Naa kas akong panimalay! Ayaw ko istoryahe nga wala ko kasabot ha! Ug dili ka gusto nga mukaon. Hawa dani! Palayas-layas ka sa inyo niya arte kaayo ka!"
("Ikaw lalaki! Nandirito ka sa aking pamamahay! Huwag kang magsalita ng hindi ko naiintindihan, ha. Kung ayaw mo kumain. Umalis ka rito! May palayas-layas ka pang nalalaman pero ang arte-arte mo.")

Biglang nadismaya si Kenneth sa kaniyang narinig. Hindi niya akalain na sisigawan siya sa babaeng nabighani siya sa una nilang pagkikita/pagkilala. Hindi man niya ito naiintindihan pero ang pakiramdam niya ay minura na siya nito.

"Pasensya ka na pero—hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi mo. Isa lang na-gegets ko yung layas at arte. Hindi naman sa pag-iinarte pero hindi talaga ako kumakain ng mga pagkain na ito. Ngayon ko lang nakita ang mga ito."

"In, taga-Manila si Kenneth. Sabta na lang. Ako na lay istorya niya mahitungod sa pagkaon. Ayaw lang gud pod kasuko dana. Gwapahan baya na siya nimo niya mag-inistrikta pa gud ka dana."
("In, taga-Manila is Kenneth. Intindihin mo na lang. Ako na ang magsasabi sa kaniya tungkol sa pagkain. Huwag ka na magalit diyan. Nagagandahan pa naman sana siya sa iyo tapos nagmamaldita ka pa.")

"Wala koy labot, no! Usa pa dili na nimo siya responsiblidad. Buang man diay na siya!"
("Wala akong pakialam, no! Isa pa hindi mo siya responsiblidad. Baliw pala siya, eh!")

"Lagi na, sakto na ba .  . ."
("Oo na, tama ka na . . .")

"Ano raw sabi niya, Boyet," singit na tugon ni Ken.

"Wala po. Try niyo na lang po yung sabaw ng manok. Masarap ho iyan dahil nitibo."

"Wala naman akong choice . . ." Kibit-balikat nitong sabi. Tiningnan niya ulit si Ingrid bago siya nagsandok ng pagkain. Nakatingin naman si Ingrid sa kaniya pero halatang galit ito. Nginitian niya ito saka naman siya inirapan ni Ingrid.

Pabagsak na inilagay ni Ingrid ang maliit na kaldero na kanina niya pang bitbit. Napatalon naman ng kaunti si Boyet dahil sa ginawa ng kaniyang pinsan.

Napahagikik naman si Ken sa ginawa ni Ingrid at siya namang pagtalikod ni Ingrid.

"Ang cute ng pinsan mo."

Nahinto si Boyet sa kaniyang pagsubo ng kanin na may tuyo dahil sa narinig. "Pero parang mapapasubo po kayo kung si Ingrid—"

"May boyfriend na ba?"

Naubo naman ni Boyet, "Ken, mailap pa iyan sa mailap— pakiabot nga po ng tubig." Habang mahinang sinuntok niya ang dibdib nito.

"Sa ganda niyang yan! Walang nagkandarapang manligaw? Ang bobo naman ng taga-rito."

Natawa naman si Boyet, "Sigurado ka bang gusto mo yung pinsan kong yan?"

"Mukha ba akong nagbibiro, Yet?"

"Good luck na lang po. Kumain ka na nga, malamig na yang pagkain mo."

Bumalik na sa tuon sa pagkain ang dalawa. Bago pa man si Ken sumubo ay hinanap pa rin ng kaniyang mata si Ingrid. Nakita naman niya itong papalapit na may dalang pitchel. Hindi niya pa rin inaalis ang kaniyang mata sa dalaga. Hinanap ng kaniyang kamay ang kutsara at sumandok sa sabaw ng manok na nasa harapan niya. Napahinto tuloy si Boyet sa kaniyang kinain at tiningnan ang tulala niyang amo.

Nang isubo ni Ken ang nasa kutsara ay biglang bumilog ang mata nito.

“Na unsa na imong amo, ya?” ("Anong nangyari sa amo mo, ya?") tanong ni Ingrid na siyang kakasimula pa lang sa pagkain.

“Pasagde na siya uy, naibog na guro na nimo.”
("Pabayaan mo na yan, mukhang may gusto siya sa iyo.")

“Taka ka lang man, uy. Ako buot pasabot, tan-awa perti na niyang kaon sa tinola.”
("Hindi naman yan e. Ang ibig kong sabihin, tingnan mo grabe yung kain niya sa tinola.")

Saka napatingin ulit si Boyet sa amo niya. Sarap na sarap si Ken sa pagkain na para bang hindi pa na ka kain ng masarap ng pagkain sa tanang buhay.

“Dahan-dahan lang, Ken.”

Napatingala kaagad si Ken kay Boyet. “Paano niya ito niluto? Ang sarap!” I must try this one also.” Sabay kuha niya sa mais na kanin.

Pinigilan naman siya ni Ingrid kaya napahinto si Ken at tiningnan ang kamay nito na nakahawak sa kanan niyang kamay. “Bakit?” tanong niya.

“Kung gusto ka mukaon ani dapat gamay lang sa, basin makuratan imong tiyan.” (Kung gusto mo kumain nito dapat ay kunti lang muna, baka kasi mabigla yung tiyan mo.") Saka niya binitawan ang kamay nito.

“Ano raw?”

“Kung gusto mo raw kumain sa niyan dapat ay kunti na muna baka kasi mabigla yung tiyan niyo.”

Biglang namula naman si Kenneth sa kaniyang narinig. Nagsandok na siya na may kasamang kilig sa sinabi ni Ingrid at sa kilos.

“Na unsa na imong amo ya? Namula lagi na siya? Gihilantan na siya?”
("Anong nangyari sa iyong amo, kuya? Bakit siya namula? May lagnat ba iyan?”)

Nginitian na lang ni Boyet si Ingrid at hindi naman ulit nagtanong. Nakapukos na lang silang tatlo sa pagkain.

Mayamaya pa ay natigil silang lahat ng may tumili sa labas. Kaagad namang tumakbo si Ingrid sa labas.

“Sino yun?”

“Isa ko pang pinsan.”

“Bakit ang ingay? Ang weird ng pamilya niyo, Boyet, ha.”

“Excited lang siguro yun na makilala ka.”

“Ha? Bakit? Kilala na niya ba ako?”

“Oo, palagi kitang kinikwento sa kaniya at excited na raw siya makilala ka dahil para na rin daw siyang nakakilala ng artista. Magkakaintindihan kayo nun, marunong naman yun magtagalog at madaldal rin.”

“Wow, mas maganda ba kay Ingrid?”

“Oo,” sabay ngisi nito.

Kumunot naman ang noo nito ng nginisihan siya ni Boyet parang may ibang ipinahihiwatig kasi ang ngising iyun.

✨✨✨

Mahal Kita Kung Naintindihan Mo Lang [Completed But Under-editing] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon