9

13 2 2
                                    

Chapter Nine

MAAGANG nagising si Kat at nilapitan kaagad si Ken para gisingin ito. Hindi nita ito kaagad napagising kaya kumuha siya ng balahibo ng manok at inikot-ikot niya ito sa tainga. Pero hindi parin nagising ang binata kaya sinagawan niya na kang ito sa tainga nito.

"Gising!!!"

Kaagad na napabalikwas si Kenneyh habang naalimpungatan galing sa kaniyang pagkatulog. Hawak-hawak niya ang kaniyang kaliwang tainga kung saan ito sinagawan ni Kat. Naptingin siya sa bata na para bang matatanggal na ang mata dahil sa galit sa bata. Samantalang si Kat ay napahagik-ik labg sa kaniyang ginawa.

"Wala ka bang GMRC?"

Walang sagot na narinig ang binata kundi ang palakas na palakas lang na tawa nito.

"Nakita mong natutulog ang tao tapos sisigawan mo lang! Walang modo!" para siyang batang nakikipagbatdagulan kay Kat.

"Wow! Kuya! Gumalaw ka na! Diba gusto mong makita si Ate Ingrid? Iiwan kita diha!"

"Ha?"

"Ha? Hapon! Walang hapon dito kuya!"

"Anong hapon! Kita mo bang ang dilim pa ng paligid?" Sabay turo niya sa labas. "Tapos aalis tayo? Niloloko mo ba akong hapon na ngayon, Kat?"

"Alam mo kuya kung hindi ka lang guwapo talagang hindi ako magkaka-crush sayo! Sobrang bogo mo!"

"Ano?"

"Tumayo ka na riyan, kuya. Malayo pa lalakbayin natin. Sige ka baka maunahan ka pa—"

Nang marinig ni Ken yun ag kaagad ito bumangon at kaagad hinahanap ang kaniyang tsinelas. Tinawanan naman siya ni Kat dahil sa inaasal nito. Ang pakiramdam tuloy ni Kat ay pwede niya itong utuin palagi gamit ang pangalan ng Ate Nikki niya.

Siya naman ang kinukulit ni Ken para umalis na sila. Alas kuwatro pa lang ng umaga pero madilim pa rin ang paligid. Walang ibang dala si Ken kundi ang kaniyang sarili lang at ang kaniyang selular na telepono. Si Kat naman ay may dalang mais na buo sa isang bayong na pormang bag. At ilang pirasong tuyo.

Nagsimula na silang maglakad patungo sa Bakubukan. At dahil malayo ang lugar na yun ay halos 3 oras silang naglakad patungo roon. Madalas rin silang humihinto dahil nga at hindi sanay si Ken sa pag-akyat ng bundok. Hindi naman naienjoy ni Ken ang kanilang paglalakad dahil bukod sa madilim sila nagsimulang maglakad ay puro kwentong nakakatakot naman ang sinasabi ng bata. Kahit na hindi niya papansinin ang kuwento ng bata ay nakakatakot talaga nav lugar. Mga tunog ng kuliglig at ibat-ibang mga hayop lang kasi ang maririnig sa paligid. Makikita pang sobrang napakaraming alitaptap.ang sabi kasi ni Kat kapag iyong alitaptap ay pumupundo lang sa particular na lugar na yun ay siguradong may engkanto o ibang nilalang ang naroon. Minsan pa ay may ituturo oa ang bata na may santilmo sa kabilang bundok at totoo ngang may santilmo doon.

"Tama na nga, yan! Kanina ka pa sa daan. Nandito na tayo, o!"

"Alam mo kuya, dapat maging matapang ka. Ang duwag mo naman, uy! Sobrang talo ka na talaga!"

Napa-upo si Ken sa labas ng kubo na ang sabi ni Kat ay yun na raw ang yung tinutulyan nila dun sa bakubukan. May araw na kaya yung pawis ni Ken ay nagkalat na t-shirt nito at ang buhok nito ay basa dahil sa pawis.

"Nasaan na ba ang ate mo?" Sabay lingon niya kaliwa't kanan.

Ngumuso lang si Kat dun sa may likod nito. Lumingon naman kaagad si Ken at nakita niya ang iilang tao ang nandun. Nagha-harvest ang mga ito ng mga mais.

"Akala ko ba—"

"Sus! Daghan ug isturya! Halika na at tulungan mo sila!"

"Ha?"

"Ha? Umaga pa lang kuya hindi hapon!"

"Ano ba yang—"

Hindi naituloy ni Ken ang sasabihin dahil may biglang sumulpot sa galing sa loob ng kamalig. Si Gardo pala yun.

"Nia man diay ka doy!"
("Nandito ka pala, doy!")

Hilaw lang na ngumiti si Ken.

"Ali na! Unsa pa may gitanga nimo danha! Tabangi namig sang-gi!"
("Halika na! Ano pa ang tinutunganga mo riyan! Tulungan mo na kaming mag-harvest!")

Hindi pa man nakasagot si Ken ay hinila na siya ni Gardo. Dinala siya nito sa gitna ng masasaganang mais na hindi pa nababali, ibig sabihin ay hindi pa nakukuha ang mais sa puno nito.

Nilapitan naman siya ni Kat at in-explain kung paano kunin ang mais nito. Kahit ayaw niyang gawin ay napilitan siyang gawin iyon dahil nakatingin si Gardo sa kaniya.

Kaagad namang ginawa ni Ken ang gusto ng pinsan nito. Ayaw na ayaw niya ring malamangan siya ng mga binatang narito patungkol kay Ingrid. Hinawakan niya ang mais sa dalawa niyang kamay at inikot ikot niya ito. Habang iniikot-ikot niya ang mais ay nararamdaman niya ang hapdi ng kaniyang kamay. Ramdam niya na may maliliit na tumutusok sa walang kalyo niyang palad. Hindi niya matangal ang mais kung kaya hinila niya ito. Mas naramdaman niya ang hapdi. Napabitaw tuloy siya at tiningnan ang palad. Nakita niyang namumula na ito.

Narinig din naman niya ang halakhakan ni Kat at Gardo.

"Kaya ko ito," lakas loob niyang sabi nito kay Kat at Gardo.

Tiningnan niya ang ibang mga tao na mas malapit sa kaniya na madali lang nilang nakukuha ang mais na parang walang nangyari. Napaisip tuloy siya sa sarili niya kung paano nila nakuha yun ng hindi nasasaktan.

Sinubukan niya ulit kunin ang kanina niyang iniikot at hindi niya ito tinantanan ng hindi niya ito makuha. Pinabayaan na rin siya nina Kat at Gardo at umalis sa puwesto niya para mag-harvest na rin. Isnag minuto rin niya itong ginagawa bago niya makuha ang mais.

Napasigaw pa siya at nagtatalon pero walang pakialam anv mga taong naroon.

Nahinto siya kaniyang ginagawa at nabigla siyang may lumapit sa kaniya. Paglingon niya ay si Ingrid na pala ito. Nakasuot ito ng sumbrero na parang banig at lawlaw nitong damit. Napatulala na naman ulit si Ken nang makita ang dalaga.

"Kung dili ka kabalo ayaw ug tuga-tuga. Nganong naabot naman sad ka dani‽"
("Kung hindi ka marunong huwag kang magmamagaling. Bakit nakarating ka sa lugar na ito?")

Biglang natauhan si Ken ng makita niya kung paano kumuha si Ingrid sa mais sa puno nito. Napagtanto niyang ang dali lang pala nito. Dahil kasi pagkatulala nito ay napukos ito sa kamay nitong sobrang kinis kung hindi lang sa mga sugat na maliit din ay maniniwala talaga siyang anak mayaman ang dalaga.

Binali lang kasi ni Ingrid ang mais sa puno. Yun lang teknik, hindi na siya kanilang pang ikotin para makuha abg mais.

"Ganiyan lang pala?" bulong niya sa sarili.

"Pauli na didto kaw!"
("Umuwi ka na dun!")

"Grabe ang tanga ko talaga!"

"Ha, tanga? Unsa na?"

Ngumiti lang si Ken at nakita ni Ingrid ang mga mapuputi nitong ngipin. Biglang may ibang nararamdaman si Ingrid habang hindi namamalayang nakatulala sa ngiti nito. Napa-iling siya sabay ang pagtaas ng balahibo niya. Unang beses niya itong maramdam sa isang lalaki.

***

Bogo - bobo

Mahal Kita Kung Naintindihan Mo Lang [Completed But Under-editing] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon