5

23 4 1
                                    

Chapter Five

NAKAUPO si Ken habang may dinikit siyang maliit na tela sa may braso nito para barahin ang pagtagas ng dugo nito. Nakita niya rin si Ingrid na nakatayo na may dalang isang maliit na palanggana at dahon na nakaipit sa kanan nitong kamay. Kaagad napakunot ang noo ng binata sa dala nito.

"Ano iyan? Wala ba kayong alcohol dito? First aid kit? Health Center?"

Tiningnan lang siya ng dalaga sabay lapag nito sa may kanang gilid niya. "Helt senter? Wala ga abri dong! Kibalo man guro kang bukid ni dani." ("Health Center? Hindi bukas dong! Alam mo naman sigurong bukid dito.")

"Wala . . . Bukid . . . Ah, you mean hindi open yung heath center dahil bukid dito?"

Tumingin ulit si Ingrid sa kaniya, "Ambot nimo!" ("Ewan ko sa iyo!")

"Ano yan?" Nakita niya kasing ilalagay na ni Ingrid ang dahon ng hagonoy sa sugat nito. Pagkatapos niya kasi itong linisan ng maaligamgam na tubig ay balak ni Ingrid ilagay ang dahon sa sugat nito para maghilom na.

"Ayaw ug lihok!" ("Huwag kang gumalaw!") Pinandilatan siya ng mata ng dalaga.

"Tama ba iyang pinaggagawa mo sa sugat ko, In? Baka lumala pa itong sugat ko sa ginagawa mo."

"Kadyot!" ("Sandali!")

Biglang napanganga si Ken sa sinabi ni Ingrid. Napaisip ang binata kung bakit kailangan niyang kumadyot, e, nagpapagamot lang naman siya. Wala siyang nasabi at tulala lang nakatingin kay Ingrid.

Habang abala pa rin sa paggagamot si Ingrid sa binata ay biglang may narinig sila na may papasok sa loob. Isang ginang ang pumasok na siguro ay nasa edad na 60 na. May dala itong nigo at maliit na bayong. May pagkakuba na ito habang patungo ito sa kanila.

"In . . . Ako na lang ni ibutang dani sa lamesa ha." ("In . . . Ilalagay ko na lang ito sa mesa ha.")

"Sige, nang, wala na unta ka nianhi paadto naman gud unta ko sa inyoha gud. nasamad lang gud ning tawhana." Sabay tayo niya para tulungan ang matanda.

("Sige, nang, hindi ka na sana nag-abalang pumunta a rito papunga na sana ako sa inyo kaso nasugatan lang tong lalaking ito.")

"Mao ba ning tawhana nga taga-Manila?" ("Ito ba yung lalaking taga-Manila.")

"Ako nga po . . ." sabat nito kahit yung taga-Manila lang ang naiintindihan nito.

"Ay, kumusta ka na iho. Pasensya ka na gud dito sa bukid."

"Mabuti naman po at marunong po kayong magtagalog. Kanina pa kasi ako naghahanap ng makaka-usap para ipaintindi kay Ingrid ang mga sinasabi ko."

"Pasensya ka na, hindi marunong si Ingrid magtagalog maski sa Inglis. Ako liit lang alam ko, doy." Umupo na ito sa tapat ni Ken.

"Sinabihan niya kasi ako kanina ni Ingrid ng kadyot, lola. Masama po sa babaeng sabihan ang lalaki sa harapan nito ang salitang iyan."

Biglang natawa ang matanda sa sinabi ni Kenneth. Palibhasa ay magkaiba ang kahulugan ng salitang kadyot sa bisaya at tagalog.

"Kadyot o kadiyot ang ibig sabihin nun ay sandali lamang. Pagkakaalam ko sa tagalog ay pareho rin ang kadyot sa bisaya, doy."

"Ano po? Bastos po ang kadyot sa tagalog."

"Mali ka. Matagal din akong nagtrabaho sa Maynila, ano ka. Ang alam ko yung kadyot ay parang hinto. Katulad na lang ng kadyutin mo, ibig sabihin nun huwag mong biglain. Naging bastos lang siya, doy, dahil tunog ang kadyot sa kantot."

"Ha? Ganun po ba? Bakit hindi ko yan alam."

"Alam mo naman ngayon, nag-iiba ang salita ng mga Pilipino."

Napakamot na lang si Kenneth sa sinabi ng matanda. Tama naman kasi si Lola.

"Aalis na ako doy. Kung may gusto ka sabihin kay Ingrid ay sabihin mo na sa akin para ako na magsabi sa kaniya."

"Pakisabi na lang po sa kaniya, la, na huwag na siya ulit magsibak ng kahoy. At ako na ang gagawa."

Sinabi naman kaagad ito ng matanda kay Ingrid at nagalit lang din si Ingrid sa sinabi ng binata dahil para sa kaniya ay siya ang dapat huwag magsibak ng kahoy.

✨✨✨

KINAGABIHAN ay marami na ulit sila sa bahay at nagsimula nang magpailaw si Boyet ng dalawang lampara na gamit ng bote ng tanduay na may pirasong tela sa loob na sumisipsip sa gas saka ito iilaw sa ibabaw ng tansan na may butas. Brown-out na naman kasi kung kaya't wala na namang kuryente sa buong lugar.

Isa ang bahay nina Ingrid ang may kuryente kaya madalas din nakapag-charge si Ken sa kaniyang selpon pero wala nga lang signal sa lugar lalo na sa paanan sila ng bundok. Kadasan kailangan mo pang umakyat sa bundok para maghanap ng signal. Doon kasi ay makakahagilap ka ng signal.

"Tara na, Ken. Kain na tayo." anyaya sa kaniya ni Boyet na nakakabihis lang.

Tumayo naman kaagad si Ken at sinundan si Boyet. Kaagad niyang nakita si Ingrid na nakaupo na sa mesa. May tatlo pa itong ibang kasama na lalaki pero hindi pa niya kilala. Lahat silang tatlo ay katabi niya. Bali nasa gitna ito ng tatlong lalaki. Biglang kumunot ang noo sa nakita niya. Hindi siya nasasayahan kaya kita sa kaniyang nguso na para bang may nakasabit ditong isang daang kilong pako.

Inurong niya ang upuan na medyo pabagsak saka siya umupo. Napatingin ang apat sa kaniya at lihim na lang natawa si Boyet sa ginawa niya.

"Hinay-hinay, maguba na kapoy ra bang panday." ("Dahan-dahan, kapag yan nasira ako na naman magkukumpini niyan, nakakapagod.")

Hindi siya sinagot ni Ken at kaagad itong kumuha ng kamote sa hapag. Iyon lang kasi ang kaya niyang kainin. Hindi pa siya sanay sa pagkain nila sa bukid lalo na ang bigas nito na mais. Last time kasi na kumain siya ay nasira talaga ang tiyan niya. Ilang beses siyabg pabalik-balik sa kubeta. Hindi kasi siya nakinig sa sinabi ng dalaga sa kaniya last time. Napasarap kasi siya sa pagkain.

"Yet, apila na lang sad na inyohang bisita ug painom sa tuba," tugon ng isang lalaki na medyo may kalakihan ang panga. Nasa kaliwang gilid ito ni Ingrid. 

("Yet, isama mo na rin iyang bisita niyo sa inuman natin mamaya.")

"Ako ingnon unya."
("Sabihin ko mamaya.")

Tahimik lang din kumakain si Ken kahit na nagtatawanan na sila sa hapagkainan.

Patapos na silang kumain ng biglang may sinabi si Ingrid kay Boyet.

"Ayaw niyo hubga si Ken ha."
("Huwag niyong lasingin si Ken ha.")

Napatingin kaagad si Ken sa apat na lalaki ng biglang napa-ayieeeh ang mga ito. Kunot-noo pa rin siya habang si Ingrid naman ay nagsimula ng pumula ang pisngi nito saka tumalikod sa kanila at tumakbo kaagad sa kuwarto nito na nandun rin sa baba. Bali dalawa ang tulugan ng bahay. Dun sa baba si Ingrid at Kat natutulog. Tapos dun sa ikalawang palapag ay sina Boyet at Ken.

"Anong nangyari dun?" tanong ni Ken.

"Wala, Ken. Liligpitin ko lang tong kinainan natin saka tayo magsimula."

"Simula?"

"Gusto nilang uminom ka ng tuba para malaman nila kung hanggan saan ang tapang mo sa panliligaw mo kay Ingrid."

Nabigla naman siya sa sinabi nito dahil hindi pa naman siya nanliligaw sa dalaga.

✨✨✨

Mahal Kita Kung Naintindihan Mo Lang [Completed But Under-editing] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon