Edited

15.9K 409 60
                                        

"Besh, wait lang!" shouted Ella to Den who's about to board her car.

"Pasabay ako, Besh," sabi ng hingal na hingal na si Ella nung makalapit siya sa bestfriend niya.

"Bakit ka ba kasi nagtatakbo? You should have just dialled my phone. Hihintayin naman kita."

"Kasi when I saw you, my first instinct was to run after you."

"Ayan tayo e. Minsan mas mabilis pa paa sa brain ano," said Den.

"Ang hard naman, Besh," said Ella with her lips pouted.

"Joke lang. Hop in, Besh. Baka ma-late na tayo." And both entered the car.

"Palakas ng aircon. Ang init sa mundong ibabaw. Wooh!" pakiusap ni Ella.

"Try mo sa mundong ilalim. Nandun kaya yung mantle, outer core, inner core. Mas mainit dun. Saka dahan-dahan lang sa aircon. Baka magsebo ka. Pinawisan ka kaya, Besh," pangaasar ni Den.

"You science freak! Kanina ka pa sa akin ha. Dennise Michelle Lazaro, hindi porket single yung tao dapat binubully mo na," sermon ni Ella.

"Hindi yung status mo ang issue dito. Yung timbang mo Besh. Hahaha."

"Aba't grabe ka ha. Stop the car. Bababa ako."

Den put the car to a stop.

"Hininto mo nga ano. Nakikita mo ba yung init sa labas?"

"Sabi mo ihinto ko e," Den reasoned out.

"Grabe ka makabully ngayon ha. Anong nakain mo?"

"Peace na, Besh. Pagbigyan. Most of the time naman ikaw ang bully e. Love you!" said Den and drove the car again.

"O sya, sya. Nasan na nga pala yung magaling mong girlfriend. Bakit hindi ka hinatid?"

"Ayun. Naiwan sa dorm."

"Aba. Ilang linggo palang parang nagiging lax na itong si Valdez ha. Hay, minsan talaga may magaling lang sa umpisa e," iiling iling na sabi ni Ella

"Actually, she offered naman na ihatid ako. Kaya lang may tinatapos pa siyang paper. I already told her to do that earlier, hindi pa ginawa agad. Sabi niya mas nakakapagisip daw siya ng maayos pag rush na. Tsk. Such a crammer. Oo nga pala. May pinapaabot pala siya sayong GC. Di naman daw siya masyadong fan ng sushi. Sayo na daw."

"Hayaan mo na si Besh Aly. Mas lumalabas ang creative juices niya pag malapit ng mahuli ang lahat e. Pasuperman ang peg. Almost late but always there to save the day."

"At ngayon kinakampihan mo naman."

"My loyalty lies to those who feed me. Kailan mo ba ko huling nilibre, Besh?"

"Mukha ka talagang pagkain. We're here. Ayusin ko muna pag park ko. Huwag ka muna bumaba," instructed Den.

"Sige lang. Tagalan mo pa. Ninanamnam ko pa yung aircon."

"Baba ka na pala."

"Bakit?" tanong ni Ella.

"Baka di ka na kasya sa pinto pagbukas mo mamaya. Medyo makipot yung space."

"Kainis!" at padabog na bumaba si Ella.

When Den alighted her vehicle, she noticed a group of guys look at them and they snickered.

"Tayo ba tinawanan ng mga yun, Besh?" tanong ni Ella.

"Oo yata. Nagfitted ka kasi. Mukha ka tuloy suman."

No Way! Yes Way!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon